Part2: Awkwardness Overload

16 1 0
                                    


-THE SEARCHING IS ON ..
Nasaan ka Mr. Ano.???
Yung ID ko walang hiya ka.

Umuwi na ako .. As usual solo flight nanaman ako. Ito ba naman si karen sinundo nanaman ng boyfriend niyang swimmer. Porket may boom boom pinatos na, chararat naman.yuck! kadiri talaga tong si karen.
Pagdating sa bahay..
"Medyo madilim na ahh." sita ni tatay.
"Oh asan yung ID mo ?" tanong nang nanay ko. "Nawala nga nay eh. Kanina sa canteen." sagot ko.
"Kaen ka na dito. " sagot nang tatay ko. At umupo na nga ako at kumaen at umakyat ng kwarto.
Nang nkapag bihis ay humiga na ako at natulog.

-Claude's POV* @car

"Si Spaghetti Girl pala to?" sabi ko habang hawak hawak yung ID. Hindi ko man lang naisauli kanina. Tinakbuhan ba naman ako.

Jennifer Iesel Amante .
Yun yung nakasulat na pangalan sa ID ni Spaghetti Girl na nabuhusan ko kanina ng juice. Itinago ko muna ito sa bag at nag drive papunta sa tambayan namin, sa isang exclusive bar to meet my friends.

-At the Bar.

"Oh pare ayan na si Claude oh!"sigaw ni mark,tropa ko. Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa reserved seat para sa akin. Syempre captain ball ng varsity team. Lahat kasi ng tropa ko kasama sa basketball team.

"Balita ko may nabuhusan ka daw ng juice sa canteen ahh.?" tanong ni Riley.
"OO eh.. "sagot ko. At pinakita ko rin ung ID ni Jennifer Iesel Amante sa kanila.
"Eh di ba sya rin yung tinapunan mo ng Spaghetti nung prom. Ung sa Dare naten.?" puna naman ni Jayson.

Naalala ko . Oo nga noh. Siya nga ung napagtripan namin na tapunan ng spaghetti dahil sa truth or dare namin magbabarkada nung Prom.
Kailangan ko itong maibalik sa kanya bukas. At magsorry sa kanya.
Kahit bully ako nagsosorry naman ako sa mga binubully ko .

--Kinabukasan ..--

-Jia's POV*@School.
(actually labas talaga ng school)

Hindi ako pinapasok ni Alma Tiboom. Yung School Guard namin na tomboy. Buti nalang to the rescue tong bestfriend ko . Syempre back to the basics. Yung style namin na ihahagis ung ID sa labas at sasaluhin at yun ang gagamitin nung isa para makapasok.
Yun nga ang ginawa namin ni Karen.
"Ihagis mo na!" medyo pabulong kong sabi kay Karen .
"Wait lang! Ibubuhol ko lang." ani Karen.
"Okay na ? Hagis mo na !!!" kinakabahang sabi ko kay Karen.

At may ID nga na lumipad papunta sa akin, galing sa kabilang pader sa loob ng school. Tiningnan ko yung lace, napaisip ako baket iba. At nung tingnan ko ung ID , ...
"Patay .." mahina kong bulong ..
Si Alma Tiboom the Guard ang nag hagis ng ID, at ID pala niya ang hinagis niya..
Ayon. Hindi ko alam nasa likod ko na pala si Alma Tiboom at huling huli kame sa akto.

--@principal's office. w/ my ever loyal bestfriend, Karen.

Ayon pinagpulot lang naman kami ng basura sa buong ZambalesHigh for 1week.

--Claude's POV*

Nakatambay ako ngayon sa Imary with my team, waiting for our coach cause we will be having a meeting.

"Claude si Spaghetti Girl yun di ba?" sabi sakin ni Riley.
"Oo nga noh.okay .just Wait here." sabi ko sa kanila.

Nilapitan ko si Spaghetti Girl, nagpupulot siya ng basura kasama ang friend niya.

"Hi. " bati ko sa kanya (with smiling face).
"Ikaw !!! Asan yung ID ko ? Asan? " hala! pasigaw na sabi niya sakin.
"Okay. Calm down miss. That's why i'm here, to return this to you." mahinahon kong sagot sa kanya. Sabay abot ng ID niya sa kanya.
"Gusto mong huminahon ako ? Eh tarantado ka pala eh. Ikaw din yung tumapon sa kin ng spaghetti nung prom ahh. !!! Gusto mong huminahon ako. Napaka yabang mo akala mo kung sino ka eh hindi nga kita kilala ang yabang mo, ikaw na! ikaw lahat . Ikaw na ang Diyos ikaw na rin ang ipako sa krus ."sigaw niya sa akin.
"Sorry talaga . Sorry .. "panunuyo ko sa kanya.
Pero "ayan!!! Yan ang bagay sayo!!!" tinapunan niya ako ng sauce ng Fishball na hawak niya, pinulot niya galing sa basura.
Gulat na gulat yung mga tropa ko at ibang mga estudyante na nakakita sa ginawa niya. Napahiya ako dahil sobrang daming tao nun. Syempre pati ako nagulat. Pero okay lang. Kasalanan ko naman talaga. Pero ang harsh niya.

Pumunta ako sa gym at naligo .

--class our.

Dahil hindi ko namalayan sa sobrang busy sa varsity. Hindi pa pala ako nkapasok sa klase ko. Pumasok ako sa klase nmen. Since maraming section ang 4thyear hinanap ko pa ang room ko. Na rumble kasi ang mga students , kaya new classmates nanaman.
Pagdating ko sa classroom namin.
Nakita ko yung mga new classmates ko doon. Umupo ako sa bandang harapan.

--- to be continue..
Haaay. First story po . Pasensya.
Feel free to comment your suggestions and personal comments about my story. Thanks.

PART3: " that thing called Kilig"

Sana ako nalang.. (By prince_erven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon