Part3: that thing called 'kilig'

7 0 0
                                    

--Jia's POV*@Classroom
(New Classmates nanaman. Pero thank god classmate ko paren ang bestfriend ko. Si karen)

Dumating ang teacher namin.

"Hi i am Mrs. Linabeth Caasi your math teacher for the whole year" pag papakilala nang teacher namin.
"Since i've already introduce my self, can you introduce yourselves here in front, started with you Mr.?" Dugtong pa niya . Naka turo sa isang lalaki sa harapan.
Ano ba yan may pagpapakilala pang nalalaman.
Nagulat ako pag tayo nung unang magpapakilala since siya yung tinuro ni mrs.caasi tumayo na nga siya sa harapan.

"Hi Im Josef Claude Devilla. You can call me Claude. I am the team Captain ng basketball team dito sa School." maangas na pagpapakilala niya.

"Hah???? " gulat na bulong ko sa sarili ko.

"Tug tug . Tug tug. Tug tug. Tug tug " dinig na dinig ko yung kabog ng dibdib ko, nang makita ko siya, siya na binuhusan ko ng sauce ng Fishball na galing pa sa basura. At pinahiya ko pa kanina sa harap ng maraming estudyante.

Gulat na Gulat ako sa nakita ko. Itong lalaking to. Itong lalakeng to???
Kaklase ko???
Kaklase ko siya.
Oh my gosh . Parang pakiramdam ko matutunaw ako habang nagpapa kilala siya sa harapan.

"Yun lang po. Thank you." patapos pa niya, tapos ay umupo na.

Nagpakilala rin ang iba sa harapan. Pero parang wala akong naririnig, tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko habang nakatitig sa kanya. Parang naging sobrang bilis ng mga pangyayari, kumbaga parang nagfast forward lahat hanggamg abutan ako. Hindi ko namalayan na tapos na pala nagpakilala ang lahat, pati si karen ay natapos mag pakilala ng hindi ko namamalayan.

"Miss! Miss! At the back. Ang aga aga nagde daydreaming ka. Its your turn na." sigaw ni Mrs. Caasi sa akin dahil kanina pa ako nakatulala, nakatulala ako mula nung magpakilala yung lalaking yun.

Napatayo na lang ako bigla. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa harapan at magpakilala habang nasa harap naman yung lalaking yun na binuhusan ko ng sauce ng Fishball, o tatakbo ako palabas sa sobrang kaba at kahihiyan.
"Ano na ? " dugtong pa ni Mrs. Caasi.

Pumunta ako sa harapan. At nagpakilala. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi talaga . Hindi ko kaya.
" ha-a-ay. Ahm. Ahm. I, i am je-je-Jennifer Iesel a-Amante . You call me ji - ji - ji . You can call me JIA." nanginginig na pagpapakilala ko.

Haaay. Kabang kaba ako. Hindi dahil sa hindi ako sanay magpakilala sa harapan, kundi dahil kay Claude. Dahil sa pagpapahiya ko sa kanya kanina.

-- @Classroom

Breaktime ..

"Tara bili na tayo." yaya sa akin ni karen.
"Sige ikaw na lang. Wala akong gana eh." sagot ko naman.
"Okay." sagot niya. At umalis na.

Pero ang totoo nagugutom na talaga ako. Kaya lang pinangbayad ko kasi yung pera ko sa xerox namin sa Filipino eh, nakakainis . Simot baon ko.
Kaya eto ako ngayon, nganga.
Kulang nalang , kain bubog, lunok hangin ang gawen ko. Tsk.

Suddenly,
Biglang ..

"Nangungulangot ka ??" ang nakakagulat na tanong na gumising sa lutang na lutang kong utak.

"Ha? Ahh, ehh, hindi ahh .." tanggi ko . Napatayo ako sa gulat.

Nakakahiya, nakita ako ni Claude na nangungulangot! Sheym. Akala ko ako lang ang tao dito. Nakakahiya shet!

"weh??? Huling huli ka nga eh. Deny pa.. " pang aasar ni Claude.

Namula ako. As in pulang pula, parang yung lipstick na kulay pula ang ginawa kong foundation. Parang gusto kong mag disappear sa harapan ni Claude. Tagatak sa pagtulo ang pawis ko. Parang lahat ng tubig sa katawan ko nailabas ko na.

"By the way. I haven't meet you formally, since our last encounter." basag niya sa pagka pahiya ko.

"And .." dugtong ko.

"Im Claude .. " pakilala niya, sabay alok ng kamay niya saken.

"Ahm . Im Jia. " sagot ko .
Hindi nalang ako nakipagkamayan pano ba naman pinang kulangot ko yung daliri ko tapos didikit sa palad niya. Nakakahiya.

Pero sayang .
Ang gwapo pala niya, ngayon ko lang napagtanto. Medyo matangkad din. Ang pungay nung mata hindi kalakihan pero sakto lang. Yung labi niya hindi kulay pula, parang kulay rose pink. At syempre oh my gosh ..
Yung Dimples niyang malalim, magkabilaan pa. Yun bang kapag ngumiti sya, PAMATAY, at MAKALAGLAG PANTY. Yun bang magkakalasan nalang bigla yung garter ng panty mo at sisigaw nang "HILAHIN MO AKO" . Sheym.

"Oh. Natulala ka na?, crush mo na ko?" pambasag niya sa pagkalutang ko.

"Oo."
bigla ko nalng naisagot with big smile. Yun bang smile na parang nakakita ka ng anghel.

"talaga?" dugtong niya.

"Hah? Ano? Wala? May sinasabe ka?" palusot ko .. sheym! Kinabahan ako. Anu ba to. Para akong bangag.

Kindat lang ang sagot niya with killer smile.

At nagsidatingan na nga mga classmates namen pati si karen.

"Ohh. Anyare sayo? Nakatulala ka?" tanong ni karen.

"Best ... Nahulog .." tanging naisagot ko habang tulala at nakangiti.

"Yung ano?" tanong niya.

"Yung PANTY ko." sagot ko. Habang tulala parin.

"Hah?" gulat na gulat na sagot ni karen.

"Ang gwapo niya .. oh my gosh." bigkas ko.

"Sino???" tanong niya. Nang biglang ..

"Hi Jia . C2 ohh." abot ni Claude sa upuan ko. At bumalik na sa upuan niya.

"Gosh ! Siya ba?" mahinang sagot ni Karen habang kilig na kilig.

"O .. o .. " mahinang sagot ko.

"Ahhhhhhh! Hmmmmm.! " kilig na kilig na sagot ni Karen. Habang ako. tulala paren. Haha


---Claude's POV*(@myRoom kahiga)

Finally, nagkakilala na kame ..
Iba si Jia, simple, parang jologs pero maganda. Tsk tsk tsk .
Gusto ko pa syang makilala.
Ahh! Alam ko na.
add ko sya sa FB.

--- to be continued ..

Thanks for reading my part3 of the story,
Sana ako nalang - pinalitan ko yung title ng story ko kasi maraming kaparehas ng title . Hirap mga friends ko hanapin story ko.

Do read my next part. The
Part4: Friendship Starts ..
to be updated soon ..

Sana ako nalang.. (By prince_erven)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon