Chapter 1
Sia's POV
Tahimik. Yan ang salitang maihahambing mo sa katahimikan namin sa classroom. Wala kang maririnig na kaluskos o ingay sa room namin. Syempre, first day of classes eh. Halatang wala akong kakilala dito, kitang-kita mo naman. May mga pangkat kami. Kumbaga, no line no friends. Magkakakilala na kasi yung iba dito, pero sadyang tumahimik lang talaga ang lahat, habang hinihintay namin yung last subject namin. Science. Di ko alam kung maprapraning o madadalian lang ako sa subject na to. Napahinga nalang ako ng malalim. Nasa bandang harapan pa naman din ako. Para kaming namatayan sa lagay namin. Mga matang nakatingin sa kawalan. Grabe lang.
PARA NAKONG LIBAG NA NAKASIPIT SA GITNA SA KAKAHINTAY SA LAST SUBJECT NAMIN. WOOOOOOOOOOOOO. KONTING TIIS NALANG SIA, MAKAKAMIT MO NA KALAYAAN MO.
Siguro mga ilang minuto bago dumating yung teacher namin sa Science. Medyo may kakulangan sa height, pero pwede na. May braces, tsaka maputi rin. Syete. Napalunok ako. Ang gwapo, infairness- w-wait. L-leche anong pinagsasabi ko? Waaaaaaaaaahhhhh. Kingina. Di pwede to! Paano kaya magturo to? Kinakabahan ako eh. Bago siya magsalita, inilapag muna niya ang kanyang mga gamit sa teacher's table. He cleared his throat before speaking. Tinignan niya yung paligid niya, tinignan niya kaming lahat. DI WOW. Ayokong magpakilala sa harapan leche. Baka mapaihi pako sa sobrang kaba.
Kumuha siya ng chalk, at nagsulat siya sa pisara. Isinulat niya ang kanyang buong pangalan, habang nakatunganga kami. Tinititigan ko ang bawat galaw niya. Shit. Napalunok nananaman ako. ANO BANG MERON SAKIN? DI KO PA BA TITIGILAN TO? OH MY GAHD.
"Okay. My name is Mark Zeref. You can call me by my first name. Don't worry because you won't introduce yourself in front." Sabi niya saamin ng mahinahon. Relief. Nabawasan ang kaba namin dahil dun sa sinabi niya, sa lahat ng teachers siya lang ang may trip na ganto. Wow. Atlis may thrill, because I'm starting to like him. Opss, not literally like him. I mean gusto ko lang pagtuturo niya. O ANO? KALA MO HA? DI NAMAN AKO GANUN.
Silence. Ang awkward kasi walang gustong magsalita. Ewan ko ba, siguro dahil first day. Ayan tuloy napangiti siya saamin. Anong nakakatawa? Gusto mo bang halik- ayyy este suntukin kita diyan?
"Bat ang tahimik niyo?" Ngiti niya samin. ANO BANG MAGAGAWA MO? GUSTO PO NAMIN EH.Walang gustong magsalita sa harapan. Wala din sa mga boys. Except lang dun sa likod. Sa back part kasi ng classroom nagtipon ang mga magkakakilala na. Syempre. Siguro kilala na nila si Sir Mark, kaya nagawa nilang sumagot sa tanong niya. Ang hirap talaga kapag wala kang kakilala.
"First day po kasi, Sir." Tinaas ng isang babaeng nakasalamin ang kanyang kamay habang nakangiti. Nakangisi rin yung iba niyang mga katropa. Ayun napatango nalang si Sir. Tinignan ko siya ng maigi. Wow. Lalim ng eyebags. Leche, pati eyebags napagtripan ko. AISHH DI BALI NA. ANO NANANAMANG PUMAPASOK SA KOKOTE KO? Siguro madaming gawain itong si Sir bago magpasukan. Syempre. Sa tagal ng titig ko sa kanya, binulyawan niya ko.
"ANAK NG TIPAKLONG!" Napasigaw ako. IKAW BA NAMANG BULYAWAN NG GANON DI KA MAPAPASIGAW? SHIT LANG.
Nagulat ako sakanya. Nagsitawanan lahat ng mga kaklase ko. First day na first day napahiya agad? Wow achievement unlocked. Grabe naman tong teacher na to ah? Kung makabulyaw sakin wagas. Parang tanod lang. Joke.
---------
Uwian na. Yes naman. Buti nalang at hindi ko nahagilap sa hallway si Sir Mark. Ang awkward kasi, kaya ayoko siyang makita. Bat naman kasi ako tumitingin sa kanya? Hindi naman siya painting. Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa, kung paano niya ko pinahiya sa klase. Malas ako ngayon. Jusko. Hinihiling ko nalang na sana lamunin nako ng lupa sa sobrang kahihiyan. HINDING HINDI KO MAKAKALIMUTAN TONG ARAW NATO.
BINABASA MO ANG
It All Started With A Tape
RandomThis is a story, kung paano nagsimula ang lahat ng dahil lang sa....... tape.