Chapter 2 - Start

76 3 0
                                    

Second day palang ng klase nagiingay na kami. Hahaha, grabe beastmode on kami ngayon. Nagsimula na akong magkaroon ng mga bagong kakopyahan, I mean kaibigan hahaha. Grabe no? Puro 'hahaha' nalang. Sige na nga titigilan ko na. *-*

Akalain mo nga naman, di na ko kumakain mag-isa dahil may mga kadaldalan nako? Hindi ko pa naman sila masyadong ka-close. Di ko pa nalalabas yung tunay kong form. Haha form? Di wow.

Una kong naging kaibigan yung mga magtrotropa sa likod, kumbaga sila yung parang mahilig makisalamuha. Halos lahat nga eh parang kinakaibigan nila. Except lang dun sa isa naming kaklase na sobrang weird. Di ko alam kung nakalunok ng bakal yun o ano. Basta, ang creepy niyang tignan T_T.

Sino pa bang magiging kaibigan ko kung wala sila? Di naman kasi ako palaging gumagawa ng first move. Haha drama ko kingina. Tigilan ko na nga kadramahan ko.

Ang pinaka unang nakilala ko sa tropa nila ay si, Jessica Enriquez. Matangkad, may salamin at madaling pakisamahan. Wala naman kasi akong nagawa nung hinila niya ko para makipaglaro ng jackstone. HIGHSCHOOL. JACKSTONE. WOW. Tanda tanda na namin. Sabagay, di naman masama ang maglaro ng jackstone diba? Di ko alam kung anong klaseng multo sumapi sa kanila, o sadyang isip-bata lang talaga sila.

Mahiyain talaga kasi ako. Hindi ako marunong makipagsocialize.

Sunod ko namang nakilala si Leah Mae Velasco. Naks. Mukha siyang tahimik, pero kapag nakilala mo ng lubusan, eh daig pa ang isang nagwawalang baboy na nakatakas sa koral dahil sa mga pinaggagawa niya. Promise, di mo man mahahalata sa kanya na palamura siya. Feeling ko nga ang cold niya, kasi di niya ko masyadong kinakausap.

Si Maisie Kim naman ang kaibigan kong taga South Korea. Muntik nakong magka brain damage dahil sa kaka korean niya. Nakakanosebleed. Jusko, minsan nga kinukwentuhan niya ko dun sa mga idols niya.

Pare-pareho sila ni Janine, Leah at Jessica na mahilig sa kpop. Di ko alam kung anong meron sa mga lalakeng pinagkakaguluhan nila. May pinakain yata sila kaya baliw na baliw yung tatlong yun.

Sunod kong nakilala sina Eura Angel Reyes, Aira Nicole Lalu, at Janine Torres. Rich kid si Janine, kaya most of the time siya yung palaging nanlilibre, kase nagpapalibre mga kasama niya. Si Aira? Medyo boyish at maingay sa klase. Mahilig magpatawa. Si Eura, mabait, at palakaibigan din.

Mabait naman silang lahat eh, sadyang maingay at marami silang kababalaghan na ginagawa. Ewan ko ba kung bakit ako nasama sa mga to. Parang pumasok na din ako sa mental hospital.

Biglang nagring yung bell tsaka nagannounce si Ms.Santos na gawin daw namin yung pinapagawa niyang takdang-aralin. Aishh. Andaming gawain T_T. Gusto kong matulog! Tapos dun ko palang narealize na last subject pala namin yung Science. Tangina, nawala bigla antok ko. SHITTTTTTTTTTTTT. UGHHHHHHHH.

Napamura tuloy ako ng wala sa oras. Anak ng tupa naman oh T_T. Sana di siya pumasok. Sana may sakit siya. Shit, kinakabahan nako.

Umiingay na naman ng kaunti yung classroom namin. Napahinga nalang ako ng malalim. May sira kasi yung utak ko eh, leche naman ano ba kasing sumulpot sa utak ko at napatitig ako sa kanya? Mukha naman siyang hinayupak na aso. Ayan tuloy napahiya ako. Ayoko na siyang makita. MY GAHD.

Biglag tumahimik ang lahat ng dumating na siya. Nagulat ako nung tinignan niya ko sa mata. DUKUTIN KO MATA MO DIYAN EH. Nakakakaba yung titig niya, kase parang lalamunin ka niya ng buhay. KINGINA.

As usual, inilapag niya yung chalkbox tsaka laptop niya sa teacher's table. Sarap itapon. Next thing, nagsimula na siyang magdiscuss habang parang tinotorture ako sa mga oras na yon.

--------------

Ilang minutes nalang bago kami umuwi. Grabe gusto ko na talagang umuwi. Kung pwede lang sana akong tumakas gagawin ko na. Ni mag pee nga lang ayaw niya kong payagan. Pano pag napaihi ako sa sahig? T_T.

Nakikipagkwentuhan siya sa mga nasa harapan. Buti nalang nakipagpalit ako ng pwesto sa kaklase ko, kase ayaw ko talagang magstay dun. Nagdadaldalan kami sa likod. May kanya-kanyang business kaming lahat.

Sa sobrang kaboringan namin, ay may naisipan si Aira. Binalot niya ng tape yung daliri niya. Ano nanaman naisipan ng babaeng to? Abnormal ata to. Natawa ako sa kanya at naisipan naring magbalot sa daliri ko. Wow, hiyang-hiya naman ako sa sarili ko no? Sa sobrang higpit eh wala ka nang makikitang dugo. Hindi ko maputolputol yung dulo ng tape kaya nanghiram ako kay Maisie.

"Maisie, pede bang manghiram ng gunting?" Sabi ko sa kanya. Bigla siyang humarap sakin at ngumiti.

"Ne, arraseo!" Sabi niya. Tangina last na lang talaga magkaka brain hemorrhage nako.

"Ah-Eh. Ching chong chang chang putol putol gunting." Kingina ano daw? Since hindi naman ako marunong mag korean, nagsabi-sabi nalang ako. Wala naman akong alam dun eh.

Bigla siyang tumawa ng mahina. Nanlaki mga mata ko habang tinitignan ko siya ng matagal.

"Eto na nga." Tawa niya. Putcha naman, bat di mo sinabi sakin? Marunong ka naman pala eh.

"Bat di mo sinabi sakin? UGHHHHH. Nakakahiya mga pinagsasabi ko." Sabi ko. Kingina naman eh. Yan tuloy. Aishhh.

Mga ilang minuto siguro bago siya makarecover. Hayyy naku. Kaagad kong pinutol yung dulo ng tape. Sa sobrang busy ko di ko namalayan na nanonood pala si Leah. Bigla niyang hiniram yung tape.

"May naisip ako. Bat di kaya natin ibalot ng tape yung dalawang kamay natin? Try mong makawala." Nung una tinitignan ko siya ng matagal. Ano daw? Tangina sumusumpong nananaman yung kabaliwan niya. Nang dahil don, pinagbigyan ko siya sa kanyang suhestiyon.

Binalot niya yung dalawang kamay ko. Grabe tawa kami ng tawa. Para kaming mga lasing na nag-iinuman sa kanto sa sobrang lakas ng tawa namin. Sunod ko namang binalot ang dalawang kamay niya. Habag tutok na tutok naman samin sina Eura, Aira, Janine, at Maisie. Halos pinipigilan namin lahat yung tawa namin, dahil nagpupumiglas kaming dalawa ni Leah. Kingina.

Nagulat nalang kami ng may isang malalim na bose na sumigaw.

"KAYONG MGA NASA LIKURAN! NAGSASALITA AKO SA HARAPAN HABANG NAGDADALDALAN KAYO DIYAN? YAN PALA YUNG GUSTO NIYO HA? SIGE, SA LABAS KAYO MAGAACTIVITY AT MAGLELESSON. WALA KAYONG RECITATION SAKIN. WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAGSUMBONG MAN KAYO O MAGMAKAAWA. DON'T BOTHER TO BRING YOUR MATERIALS TOMORROW, BECAUSE I WON'T GRADE YOUR RECITATION." Sa galit niya, napasigaw siya. Napanganga nalang kami dahil hindi namin inaakala na ganun pala siya kapag galet. Halos maiyak na yung iba samin dahil sa sinabi niya. Ano ba kasing kabaliwan yung ginawa namin? Huhuhu T_T. Nang dahil sa tape nadamay lahat. Nang dahil sa tape sinusumpa ko lahat ng tape sa mundo. Nanahimik kami ng mga ilang minuto.

Humarap sakin si Leah. "Pano na yan? Di tayo makakapagrecitation bukas?" Maiyak-iyak na sabi ni Leah.

"Oo nga. Ihh, ano ba kasing pinaggagawa natin?" Sabi ni Maisie. Napahinga ako ng malalim. Siguro ng dahil sa putang tape na yan, may dahilan kung bakit kami napagalitan.

"Hindi ako mamatay hangga't di niya ko pinapatawad." Sabi ko. Simple sentence. Few words. Dahil lang sa sinabi ko. Nagulat sila.

Waaaaa. Di ko alam kung bakit, pero biglang nadelete yung first draft na sinulat ko T_T. SAYANGGG. Ang ganda ganda na eh, tapos biglang nawala. Buhay talaga. Anyway, thanks for reading this haha. Please vote or comment.

It All Started With A TapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon