Street 6:Escape from the Death

53 3 0
                                    

Clarisse POV

*Wooosshhh*

Habang dinadama ko ang ihip ng hangin dito sa may rooftop ay kasabay naman ang pag agos ng mga luha sa mata ko.

Wala na. Wala na si Jason..

Mahal ko parin sya at alam kong mahal nya parin ako.

Kaya pa sanang mabago ang lahat pero........

"Whhhaaahhhhh!!!!" Sigaw ko habang namumugto ang aking mga mata.

Lalong sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip ko ang mga nangyari kanina. Ang oras na pinatay ni Wison si Jason.

Nakita ko ang paghihirap nya para malabanan ang sakit pero wala parin.

Ang sakit sakit talaga...

Naalala ko tuloy yung mga oras na masaya kami.

*****

"Clarisse, tingnan mo yung mga ibong lumilipad" turo sa akin ni Jason.

Tiningnan ko ito. Para silang mga nilalang na kaysarap abutin. Hindi dahil sa mataas sila, kundi dahil sa malaya sila sa buhay. Nagagawa nila ang gusto nila. Pagkatapos kong tingnan ang mga ibon, tumingin ako sa mukha ni Jason. Para kaming mga bata dito sa malawak na hardin dahil parehas kaming makulit at nag aasaran.

"Clariss, gusto mo ng fries?" Tanong sa akin ni Jason.

Tumango nalang ako sa kanya at kumuha nalang ng fries.

Pero walang fries ang nakuha.

"Asan ang fries Jason?"

"Andito oh!"

Nakita ko ang iisang fries na nakakagat sa ngipin ni Jason.

Naku talaga tong matakaw na to eh. Sikmuraan ko kaya to.

Bigla kong sinampal ng malakas sa pisngi si Jason kaya napahawak sya doon.

"Awww!" Sigaw nya." Bakit mo ginawa yun?"

"M-may lamok kase eh" sabi ko kaya napatawa nalang sya.

Ang cute naming dalawa dito.

Humiga nalang kami sa damuhan habang nakatingin sa langit.

"Ma'am Clarisse, gusto nyo pa po ba ng fries?" Sabi sa akin ni kuya Albert na syang guard ko at utusan ko.

Tumango nalang ako sa kanya at binaling ang tingin sa ulap.

"Jason, gusto ko sana kapag nagpakasal tayo, dito tayo sa may garden namin" ngumiti sya sa akin pagkasabi ko nun at bigla akong hinalikan sa pisngi. "Wag kang mag alala dito tayo magdiriwang ng ating kasal sa tamang panahon"

Niyakap ko nalang sya at pumikit ng mariin...

****

"May UNDEAD!!!" Bigla akong napunta sa riyalidad dahil sa sigaw na yun.

"Si Clarisse kasi sumigaw pa eh!" Nakita kong nakatingin ng masama sa akin si Bj.

Umirap nalang ako sa kanya dahil wala ako sa mood.

"Wag nyo syang sisihin ang mahalaga makaalis na tayo ngayon dito" sabi ni Wilson.

"Teka t---" hindi na natuloy ni Bj ang sasabihin nya dahil nagsalita si Wilson.

"Wag kayong mag alala dahil habang nagpapahinga tayo dito kanina, nag isip na ako ng gagawin natin" sabi nito. "Alam kong hindi tayo pwede sa may fire exit dahil alam nating maraming UNDEAD doon kaya naman 100% na baba ulit tayo pero sa pagkakataong ito, doon tayo didiretso" nakita kong may tinuro si Wilson sa baba.

Oro B is like a hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon