Clarisse POV
Ang sakit parin ng paa ko.
Buti nalang natalisod lang ako at hindi nakagat. Thank god!
Gabi na at kasalukuyan parin kaming nagbabiyahe sa gitna ng gabi. Inabot narin kami ng gabi sa kakagala sa lugar na to.
"Ahhh Wilson dahan dahan lang masakit pa eh" pigil ko kay Wilson dahil kanina pa sya hilot ng hilot sa paa ko.
Ang tanga tanga ko naman kasi eh. Di ko nakita na may UNDEAD palang nakabulagta sa daanan.
Ayan tuloy napatid ako. Ohh gossh!.
"Malapit na ba tayo?" Sabi ni Bj na nakasandal sa balikat ni Lenard na tulog.
"Malapit lapit na ata e." Sabi ko na di sigurado sa sagot.
Bahala na basta makauwi lang sa bahay. Bigla akong nakaramdam ng ginaw dahil sa aircon ng bus.
"Ahh Darrel, can you please turn off the aircon?"
Nakita kong tumayo sya at pinatay ang aircon.
"Ouccchh!" Pigil kong sabi dahil medyo sumakit ulit ang paa ko.
Napatingin ako kay Wilson ng bahagya habang hinihilot ang paa ko. Alam kong concern sya sa akin e. Halata naman. May gusto ba sakin to?.
"Wait lang Clarisse ah" sabi nito saken kaya naman binaba na nya yung paa ko. Pumunta sya sa lalaking nagdadrive ewan ko kung ano pinag usapan nila.
Pumikit nalang ako ng sandali para makarelax.
Andaming nangyari ngayong araw na to. Sa isang iglap nawala ang pinaghirapan ng lugar na to. Namatay ang mga tao. Kumalat ang sakit. Nasira ang building at naging mala impyerno ang lugar. Gusto kong masagot ang mga katanungan sa isip ko e. Saan ba nagsimula itong sakit na to? Bat iba ang kilos nila? Bat kailangan nilang patayin ang kapwa nila? At ang huli, bat pa kailangang mangyari to!?
God,kailangan ka namin ngayong oras na to. Nasaan ka po? Di nyo ba nakikita ang mga nangyayari sa lupa ngayon? Hindi ko na mapigilang maluha dahil sa mga nangyayari. Ang mga taong laging karamay ko wala na. Pati ang taong minahal ko ng sobra wala na. Kailangan bang kunin sila sakin?.
Hirap na hirap na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng-----
Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Shocks! Bat ba ako umiiyak? Kailangan maging malakas ako at matatag. Dapat kong malampasan ang lahat ng to. Ano bayan, kailan pa ba ako titigil sa pagpapanggap na to??
Naiirita akong kasama ko sila, si Wilson mabait sana kaso ayaw ko sa kanya. Pinatay nya si Jason. Ang taong mahal ko. Ang taong pinakita sa akin na mahalaga ako sa kanya.
Debale pag uwi ko, di ko narin yata sila kailangan eh. Andyan narin naman sila mama at papa para protektahan ako e.
"Oh bat ka umiiyak Clarisse?"
Bigla akong napatingin sa boses. Si wilson.
"Ah, wala to. Hehe namiss ko lang si Jason e. Haha alam mo na sariwa pa kasi e" sabi ko ng may medyo plastik na muka. Pinipilit kong ngumiti kahit hindi naman dapat. Kasi ito ang tama.
"Sorry Clarisse, di natin talaga kailangang patayin sya kaso baka makakagat pa sya ng isa satin" sabi nito kaya napayukom ang kamao ko sa galit. Pero kailangan kong magpanggap na okay.
"It's okay Wil, walang may gusto ng nangyari. Hindi ko rin ginusto iyon kaya wag nalang tayong--"
Bigla kaming nagulat dahil bigla nalang huminto ang bus.
"Anong nangyayari!?"sabi ni Wilson.
"Mukang wala ng gasolina to"
Napayuko nalang ako. Mukang ito na ang katapusan namin ah. Tumingin ako ng bahagya sa bintana kahit medyo madilim at mahamog ang lugar.
BINABASA MO ANG
Oro B is like a hell
TerrorDon't wait for the UNDEAD to kill you instead you give a move to kill them all. Hahayaan mo nalang bang mamatay ka ng walang laban? Of course not! Eh paano kung ang labang ito ay ang laban din ng iyong mundo?? Sasama ka ba sa labang ito?? Isa pa. P...