Street 4: Rooftop

56 2 0
                                    


Lenard's POV

Mukhang alam na namin ang kanilang kahinaan. Tama nga si Wilson. Peace lang.

Nakita naming lahat na medyo malayo narin ang nilalang na iyon.

Bat ganun?? Kanina normal pa sya ah! Ano bang nangyayari???? Bat bigla syang nag iba at namutla? So tama ba ang sinasabi kanina ni Ms. Michelle??

Ginulo ko ang buhok ko sa pag kakaayos nito.

Hindi totoo ang mga UNDEAD.

At isa pa, hindi na magkakaroon pa nun sa modernong panahon.

"Mali ka! Lenard" biglang nalang nagsalita si Wilson.

"Huh!??"

"Totoo ang kwento, at ang mga ito ay halimbawa ng UNDEAD"

nagulat ako sa sinabi ni Wilson.

Paano nya nabasa ang isip ko.

Magsasalita sana ako kaso.......

Tiinnnnggg!!!!

Bigla kaming napalingon sa likod.

"Sorry hihihi!!" Nakita kong tapak tapak ni Darrel ang isang coke in can.

"Sabi kong wag maingay eh"

Lumingon kami sa UNDEAD na paliko palang. Huminto ito sa mga hakbang nya at dahan dahang lumingon sa amin.

"Patay!!" Sabi ko at agad kong kinuha ang dustpan na hawak ni Bj kanina.

"Saglit lang ako Bj" sabi ko at agad na tumakbo papunta doon.

Nakita kong pinapasok ni Wilson ang mga kaklase namin sa may music room.

"Nard!! Hihintayin ka namin dito bilis!"

Pagpunta ko sa may UNDEAD, inikot ikot ko ang dustpan at winagayway sa ere.

Sa oras na ito kitang kita ko ang sikat ng araw sa bintana. Ang araw na nagsasabi sa amin na meron pang pag asa.

Ganito pala ang feeling kapag nasa harap na natin ang katapusan?? May pag asang bubuo sa puso??

Hinanda ko na ang pagsaksak nito sa nilalang na iyon.

Paglapit ko sa kanya, dumausdos ako paibaba para mailagan ang kamay nya sa paghawak.

Kitang kita ko ang ilaw sa itaas na patay sindi.

Hanggang sa nakita ko na ang mukha ng UNDEAD.

Ngumiti ako sa kanya bago tuluyang itusok sa kanya ang hawak ko.

Tsssskkkkkk!!!!

Tumayo ako dahan dahan at dahan dahan namang bumagsak ang UNDEAD.

Pagtingin ko sa bangkay ng aking pinatay bigla namang dumating ang ibang UNDEAD at mukhang narinig ang aming pagsigaw.

"Lenard!! Bilis!! Tumakbo ka na"

Bigla akong nalinawan sa sarili ko. Nakalimutan kong hinihintay pala ako ng mga kaibigan ko sa music room.

Agad akong tumakbo doon at agad pumasok.

Hingal na hingal akong pumasok dun.

-----------------------------------------------

Marlon's POV

Muntik na akong kabahan.

Akala ko hindi sya makakaabot dahil akala ko hinabol sya ng mga UNDEAD.

Oro B is like a hellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon