I was just playing with my cellphone, again, when I heard a honking car outside the gate.
"Yen, may bisita ka", sabi ni Manang, yung house helper namin. "Sino ba yan, Manang? Tsaka sabihin mo wala sila Mamu at Dadu, walang tao dito." Lola at Lolo nito ang tinutukoy niya.
"Ee, may dalang pagkain, nakakahiya nman kapag di mo harapin", pinakita pa sakin talaga ang supot na may lamang pagkain.
Nagningning naman ang aking mga mata. Agad ko munang iniwan ang mga kaibigan kong nagrarambulan sa laptop, may group project kasi kami at malapit na ang deadline kaso di namin mapagkasunduan kung ano ang gagawin, kaya timeout muna kami. If I know, saka na namin matatapos yan pag deadline na talaga. #EstudyanteMoments
"Sakto talaga ang dating ng kung sino mang anghel na'to" naisip ko. Lumabas ako sa balcon at dun, nakakita nga ako ng anghel na may dalang lanzones.
"HALA MANANG! PAGKAIN NGA! HAHA!" napatawa naman ang anghel, ayy este, ang lalaki sa nasabi ko. "Ayy, hello, kanino galing 'to?" pacute kong sabi. Tangina, ang pabebe ng dating! haha!
"Pakisabi nalang daw sa Lola mo na kay May galing ang mga iyan, auntie ko siya." paliwanag niya. Abalang abala ako sa paghahalungkat ng kung ano ang meron, haha, baboy talaga :D tumalikod naman siya at aalis na sana..
"Huh? Sino yun? Ayy teka..." pinigilan ko siya na agad ko namang binawi. Wrong move ata teh. "Basta, sige mauna na ako." Umalis na siya sakay ang Ford Ecosport na dala niya. Hmp, suplado, pa.mysterious pa ang dating. Bahala na nga. Lalaki lang yun.
Tinignan ko yung mga pagkain at, "HOY MGA HALIPAROT! LUMABAS KAYO, MAY PAGKAIN DITO!" Agad namang nagsitakbuhan ang mga gaga, ayuuun kasi, may pagkain.
Napapaisip tuloy ako tungkol sa lalaking yun, hitsura palang ulam na, tsaka ang boses, nakakalaglag panty, haaay nako, kakain na nga lang!
----------
"KAWAY2!" Hello po sa inyo, trailer palang po yan, tsaka d nman ako talaga writer, feeling lang, haha, based on true story yan. Sana po magustuhan niyo, kung hindi naman, aba ee, pasensya na po :D