Chapter One ♥ Over Thinking

34 0 0
                                    

Locked Out Of Love

                              Si Alison, bata pa lang namulat na sya sa katotohanan. Kung ano ang may roon sa mundong ito, lalo na nung namatay ang kanyang nanay, nalaman nya na anak lang sya sa labas at itinatakwil sya ng kanyang sariling ama. Sadyang may mga taong mananakit sa kanya tulad ng kanyang tatay at may mga tao ding tapat na magmamahal sa kanya katulad ng pagmamahal ng kanyang ina.


                                 Sya ay nasaktan, naghirap, at nawalan ng pag-asa. Pero dumating sa buhay nya si Axel, Ang taong pumulot sa wasak nyang puso at binuo ito muli. Ngunit paano kung may mangyaring isang bagay, at naapektuhan nito ang pagsasama nilang dalawa? Patuloy pa ba syang kakapit sa pagmamahalan nila O bibitaw na lang dahil masyado na syang nasasaktan. Sa mga panahon bang iyon ay may dadating pa ba? May dadating pa bang tao na pupulot sa muli nyang nawasak na puso?


                                  Paano nya sasabihin sa taong kanyang nasaktan na ayaw nya ng bumalik pa?Ipaglalaban nya pa ba ang isang bagay kung ito ay unti-unti nang nawawala sa kanya?


Para ito sa mga taong nasaktan, nasasaktan at handang masaktan.


Chapter One ♥ Over Thinking

~

"Madrigal, Alison."

Banggit nung president ng Student council sa pangalan ko. Hindi agad pumasok sa isip ko na ako pala si Madrigal, Alison nung siniko na ako ng aking katabi. Tinignan ko ng masama si Cha dahil kasalanan nya ang lahat kung bakit ko kailangan itong gawin. Tumayo ako agad at tumungo sa stage na kinatatayuan ni Mr. Pres. Huminga muna ako ng malalim bago humakbang sa baitang ng hagdan ng stage.

Nanginginig pa iyong dalawa kong kamay nung hawakan ko ang mikropono. Sobra akong kinakabahan. Huminga ulit ako ng malalim para mabawasan naman iyong kaba na nararamdaman ko ngayon. Tumingin ako sa mga taong nasa harapan ko na pinagmamasdan ako na tila ba ay isang malaking pagkakamali sa mundo, Tingin pa lang nila ramdam ko na iyong mga panghuhusga. Iyong mga tingin kung paano rin nya ako tinignan noon.

"Marunong ka ba sumayaw?" agad akong umiling sa tanong ng isang magandang babae na hindi naman ganoon katanda, mukhang sya ay nasa late 40's pa lamang. Siguro sya iyong sinasabi sa akin ni Cha na guest from other university. Lalo akong kinabahan sa pagtaas ng kilay nya sa ginawa ko.

"Eh kumanta?" nararamdaman ko na ang pawis ko sa kanang pisnge. Kumanta? Marunog ba daw ako?

"Eh? H-hindi din p-po.." Nakita ko ang pagsapo sa noo 'yung si Student Council president at tinignan ako ng masama. Mabuti na lang at kaunti lang ang tao dito dahil kung hindi baka nahimatay na ako ngayon sa kaba. Teka? Bakit nga ba ako kinakabahan. Muli akong huminga ng malalim at lumanghap ng kaunting hanggin. My God kasalanan to ni Cha eh!

Pero wala na akong panahon pa para magalit sa kanya dahil andito na ako ngayon. Ilang Segundo ang lumipas na nakatayo pa rin ako sa harapan nila, napatungo na lang ako dahil nagbubulungan sila. Lalo akong kinabahan.

"Bakit ka sumali dito sa Talent search ija? kung ganoong hindi ka marunong kumanta at sumayaw?" Napailing na lang ako sa sarili ko sa tanong ni Mrs. Reyes. Hindi lang naman pagkanta at pagsayaw ang batayan ng talento ng isang tao di ba? Hay. Pakiramdam ko tuloy ay sinasayang ko lang ang oras ko dito.

Hindi ko naman kasi gustong sumali dito sa talent search nila e. Kung hindi ako sinali ni Charlotte dito baka kumakain ako ngayon ng strawberry yogurt.

Locked Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon