Chapter Two ♥ Axel's Girl

16 0 0
                                    


Chapter Two ♥ Axel's Girl

~

Pagkaalis ni Axel kagabi ay hindi ako nakatulog agad. Kung hindi ko pa iyon pinauwi ay hindi iyon aalis gusto nya lang daw bumawi sa akin at matutulog daw sya dito pero hindi ako pumayag dahil baka hanapin sya sa kanila at ok na naman sa akin na nakita ko na sya at alam ko na magiging maayos din ang lahat. Hindi ko lang maalis sa isip ko yung mga nangyari kahapon. Ang kilala ko lang sa pamilya nya ay iyong tatay nya at hindi na sya nakukwento pa tungkol sa pamilya nya.

It's like ayaw nya lang talaga na pagusapan namin yun and the feeling is mutual. Ayoko rin naman ng tinatanong tungkol sa pamilya ko kaya sa tingin ko ay mas ayos na iyong ganitong set-up, Hindi ako magtatanong at hindi rin sya magtatanong ang mahalaga ay magkasama kami at mahal namin ang isa't isa. Tama Aly, Iyon lang ang lagi mong isipin.

Tumingin ako dun sa wall clock at magaalas-nuwebe na rin pala, Late na kasi akong nagising dahil na rin sa hindi ako nakatulog kaagad kagabi. May Class pa ako mamayang 9:30 at hindi ako pwedeng ma-late dahil sobrang strikto pa naman ng prof namin sa subject na iyon.

Habang naglalakad papasok at naisipan ko na i-text si Axel, Siguro ay tulog pa iyon kaya hindi nagte-text sa akin.

To: Axel

Morning Babe, Gumising ka na may pasok ka pa.

Wala pa iyong prof namin nung nakapasok ako sa class room nakita ko si Charlotte na nagbabasa ng libro at tahimik na nagbabasa ang lahat. Oh. Himala, She hates reading pero tignan mo nga naman, ano kaya ang nakain nito. Umupo ako sa upuan ko sa tabi nya at kinalabit sya. "Charlotte."

Nagulat sya nuong nakita nya ako at agad na bumulong sa akin. "Late ka na. Dumating 'yung masungit na president ng SC kanina at pinagrereview kami dahil wala daw si Mrs. Hiyaro at magbibigay daw sya ng Long Exam."

Nagulat ako sa sinabi nya at napasapo ako sa noo. Shit! Naiwan ko iyong libro ko. Hindi pa naman ako nagreview dahil hindi ko naman alam na may long exam pala. "Pwede ba na pahiram nung libro mo?" Iniharap nya sa akin ng kaunti iyong libro sapat na para mabasa ko rin iyong binabasa nya pero halos tatlong sentence pa lang ang nababasa ko ng pumasok si Mr. SC president. Seriously, Hindi ko maalala iyong pangalan nito.

"Lets start. Keep your books , get one and pass."

Masakit na iyong ulo ko dahil sa mga nangyari kahapon at hindi ako nakatulog ng maayos tapos pinapasakit pa lalo nitong exam na ito iyong ulo ko.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi ko man lang maintindihan iyong mga tanong. Hayst. Bakit kasi biglaan itong exam na ito. Minsan talaga napapaisip ako kung may ginagawa pa ba iyong mga prof namin kung hindi umabsent na lang lagi at magiwan ng activities or exam at ipapahandle iyong class nila sa officers ng SC.

Pinilit ko na intindihin iyong mga tanong at inisip ko na lang na graduating ako at kaya ko to na hulaan. Sana. Sana hindi ako sabunutan ni Ate Gaile pag nalaman nya na bumaksak ako sa isang subject. Ay wag naman sana.

Pinasa na namin iyong mga Test paper. Sa tingin ko ay nasagutan ko naman ng maayos iyon. Nagsilabasan na iyong mga kaklase ko kabilang na si Charlotte na kanina pa taeng-tae na lumabas dahil nagiintay iyong boyfriend nya sa labas.

Ang swerte ni Cha, May roon syang boyfriend na laging andyan. Hindi yung bigla na lang mawawalang parang bula na katulad ng boyfriend ko.

"Ms. Madrigal." Nagulat ako dahil tinawag ako ni Mr. SC President at wait. Kilala nya ako? And so I looked at him habang inaayos nya iyong mga test papers. "Can I talk to you I have something to tell."

Locked Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon