Chapter Three ♥ Hospital

7 0 0
                                    


Chapter Three ♥ Hospital

~

Nagising ako sa amoy ng kape, napansin ko na hindi ito ang kuwarto ko dahil puro puti ang pintura ng pader.

"Buti naman nagising ka na." He took a sip of his coffee, Wala akong maalala sa nangyari kagabi ang naalala ko lang ay ang nahilo ako. Hindi ko alam kung bakit ako andito.

"Nahimatay ka kagabi. Sabi nung doctor na over fatigue ka lang daw. Hindi ka siguro kumain at sobra mong pinagod iyong sarili mo." Hinawakan ko iyong ulo ko dahil nakaramdam ako ng kirot.

"Ok ka na ba? Simula kagabi hindi kita narinig magsalita, Ano nga pala iyong ginagawa mo sa ulanan ng ganung oras?" I blink my eyes two times, Masakit pa rin talaga yung ulo ko.

"Ok na ako, Salamat." Tumango lang sya at nagpaalam para bumili ng pagkain kahit sinabi ko na wag na, Bibili pa rin daw sya dahil baka daw may magalit sa kanya pag nagutom ako. Alam na kaya ni Axel na andito ako ngayon sa ospital? Nasaan kaya sya ngayon? Naalala nya rin kaya ako. May paki pa ba sya sa akin? Ano ba talaga iyong bagay na kailangan nyang ayusin para paulit-ulit akong iwanan. Nakalimutan ko na tanungin si Clyde tungkol kay Axel pero mas mabuti na rin na wag na lang ako magtanong sa kanya kasi baka wala rin namang alam yung tao.

Lahat ng tanong ko ay hindi masasagot nino man bukod kay Axel. Bumukas bigla iyong pintuan at iniluwa ang taong kanina ko pa gustong-gusto makita.

" babe! Nagalala ako sayo. Ok ka na ba?" Umupo sya sa tabi nitong kama na hinihigaan ko at hinawakan ng mahigpit iyong kanang kamay ko.

"Mabuti na lang at si Clyde ang nagdala sayo dito at hindi ka napahamak dahil kung iba pa ang nakakita sayo baka kung ano pa yung gawin nilang masama sa prinsesa ko." Bakas ko ang pag-aalala sa mukha nya, Gusto ko syang yakapin at halikan ngayon dahil sobra ko syang namiss pero hindi ko dapat iyon gawin dahil alam ko na may problema kami na kailangan ayusin.

"Are you alright babe?" hawak nya pa rin iyong kamay ko at pinisil pisil nya ito. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil alam ko na pag tumingin ako duon sa mga mata nya ay mawawala na lang lahat ng tampo at pangamba ko. Gusto kong maiyak dahil andito na sya, Andito na iyong lalaki na lagi na lang mawawala at bigla na lang din lilitaw. Iyong lalaking mahal ko na paulit-ulit na lang ginagawa 'yung mga bagay na hindi ko inaasahan.

"Mahal mo pa ba ako?" I don't know why I asked that suddenly pero I have this feeling na kailangan o dapat ko itanong yan sa kanya.

"Damn it baby! Ofcourse! I Love you! I really do!" Kinuha ko iyong kamay ko mula sa pagkahawak nung kamay nya dahil ramdam na ramdam ko iyong init ng palad nya at ayoko ng pakiramdam na iyon dahil sinasabi nung init na iyon na nasasaktan sya kahit wala akong ginagawa. "Look babe, Kung tungkol to sa nangyari kahapon Im so sorry kung pinagintay kita duon ng matagal. May kailangan lang akong asikasuhin ----"

"Na mas importante sa akin kaya hindi mo lang ako pinagintay ng matagal dahil hindi ka naman talaga pumunta."

"No. Hindi! Hindi sa ganun, Can we... Just talk about this later, I.. I really missed you.." I wanted to cry right now. Paano nya ba ito nagagawa sa akin, Itong sinasaktan nya ako at pinapasaya at the same time. Nasasaktan ako dahil hindi nya masabi sa akin iyong problema at natutuwa ako na andito sya ngayon. Ayoko ng tingin na ibinibigay sa akin ni Axel, Iyong tingin na parang lagi syang may gustong sabihin na hindi nya masabi. He always look to me like that.

"Now. Please wag mo isipin lahat ng tanong na nasa isip mo baby, Gusto ko lang na makasama ka ngayon." I automatically nodded dahil napansin ko iyong pasa sa kaliwa nyang pisnge hindi ko iyon agad nakita kanina. Makikita mo rin iyong paglalim ng itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Mukha syang pagod na pagod. Nawala agad iyong pagsakit ng ulo ko dahil napalitan lahat iyon ng pag-aalala.

Locked Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon