Chapter Six ♥ A Call
~
"Baka mahulog tayo." Nagaalalang tanong ko kay Axel, hinawakan nya iyong kamay ko at inalalayan akong maglakad. Pakiramdam ko ay isang hakbang ko na lang ay mahuhulog ako sa baba ng apartment. Akala ko kung saan iyong labas na sinasabi nya pero dito pala sa bubong ng apartment iyong tinutukoy nyang labas kanina. Akala ko naman kung saan.
"Matagal na tayong nahulog." Naramdaman ko iyong pagpula ng aking mga pisngi. Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi nya para akong thirteen years old kung kiligin ngayon.
"Ang corny mo!" Natatawang sagot ko at humawak sa laylayan ng T-shirt nya habang inaayos nya iyong blanket na uupuan naming dalawa dito sa bubong. Nauna syang umupo at agad nya akong inalalayan umupo sa tabi nya dahil hindi ko talaga kaya itong ginagawa namin. Pakiramdam ko talaga ay konting galaw lang mahuhulog kami mula dito sa taas.
Hindi nagsasalita si Axel nakatingin lang sya doon sa kalangitan. Kinuha ko iyong unan na binitbit nya kanina at inilagay ko sa likuran ni Ax kung sakaling humiga man sya.
"Babe?.."
Humangin ng malakas at naramandaman ko iyong lamig, niyakap ko iyong mga tuhod ko at tumingin sa kanya.
"Hmm?" Inilagay nya iyong mga braso nya sa balikat ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Inihiga nya iyong ulo ko sa dibdib nya at ipinatong iyong ulo nya sa ulo ko.
"Masaya ka ba ngayon?" Tumingala ako sa kanya at dahilan upang mapaangat din iyong ulo nya. Nakita ko iyong repleksyon ng liwanag ng buwan sa kanyang mga mata. Kahit na nakangiti sya sa akin ay nararamdaman ko na may roon pa ring lungkot sa kanya.
"Oo naman. Andito ka, Sino ba naman ang hindi magiging Masaya. Kasama kita ngayon." Nakita ko iyong pag angat ng sulok ng kanyang mga labi at iyong pagngiti ng kanyang mga mata.
Hinalikan nya iyong noo ko at inihiga nyang muli iyong ulo ko sa kanyang dibdib.
"Ako din, Kasi masaya ka." Napangiti ako muli, Ang sarap panoorin nung bituin at buwan kahit hindi gumagalaw pero sa paningin ko para silang sumasayaw. "Isipin mo na lang na adavance anniversary celebration natin to ha? Babe.." Tumango ako bilang sagot. Akala ko ay nakalimutan nya na iyon. Halos isang linggo na lang ay anniversary na namin, First Anniversary. Nagiisip na nga ako ng mga pwedeng gawing surprise para sa kanya e.
"I can't believe na mag-iisang taon na mula nung naging tayo, Para akong nananaginip babe. I am very happy na andito ka rin, Hindi ka sumuko sa akin. Now your sitting here beside me. It's just hard to believe." Hindi ako nagsalita at pinapakinggan ko lang iyong mga salitang sasabihin nya. I don't want to ruin this sweet moment of ours.
"You remember nung nililigawan kita?" Natawa sya ng bahagya at dinala nya iyong dalawa nyang daliri sa taas ng kanyang mga labi. "sabi mo sa akin ay ayaw mo ng mga stuff toys at ayaw mo rin sa chocolates, Pero wala ka naman na banggit na ayaw mo sa mga accessories." Lumayo sya ng konti at may kinuha sa kanyang bulsa. Hindi ko mapigilang mapangiti at maexcite sa kung ano man iyong dala nya.
"Kaya ito." My eyes widened when I saw a necklace. I mouthed 'Godness'. Tinaas nya iyong manipis na kwintas na may pendant na infinity na nakaengrave ang salitang Alixel, pinagsamang pangalan naming dalawa.
Inilusot nya iyong dalawa nyang kamay sa aking leeg at inayos iyong buhok ko para mailagay nya iyong kwintas. Pagkatapos nyang isuot iyong bagay na iyon sa akin ay tumingin sya ng diretso sa aking dalawang mata. While he is looking at me, I felt like crying right now.
BINABASA MO ANG
Locked Out of Love
Teen FictionYou can't go back in if you are now locked out of love. You locked yourself out and no turning back. You just have to savor the bitter taste of your own medicine.