Chapter Five ♥ Just with him

7 0 0
                                    


Chapter Five ♥ Just with him

~

Pakatapos akong iwan ni Clyde kanina ay para akong lutang na ewan. Imbis na matuwa ako sa naging paguusap namin dahil may maayos din akong nakausap kanina pero parang nagbigay lang iyon ng kaguluhan sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay Axel dahil hindi ko na sya maintindihan O dapat ba na kausapin ko sya ngayon? Puntahan ko kaya sa room nila? Pero hindi ko nga pala alam iyong class nya ngayon kung mayroon man at kung pumasok man sya. Hindi na kami nagusap simula nung kagabi, Ni mag text O tumawag hindi namin magawa.

Parehas lang kaya kami ng iniisip ngayon? Ni hindi ko man lang alam kung nasan iyong boyfriend ko.

Ang sama kong girlfriend. Hayst. Bakit ko ba ginawa kay Ax yun kahapon? Ang sama sama ko talaga. Nakokonsensya tuloy ako. Bakit ba ako nakokonsensya? May ginawa ba ako? Ay Oo, Inaway ko nga sya. Pero kasi! Kasalanan nya e! Pero namimiss ko na sya. Kinuha ko iyong cellphone ko sa bag habang wala pa iyong prof namin para tignan kung naalala nya ba akong i-text kahit pero nasaktan na naman ako dahil umasa ako na meron kahit wala.

Bakit ba lagi na lang ganito? Puro tanong na lang lagi iyong iniisip ko. Hindi ko rin naman masagot kasi nga hindi ko alam yung sagot. Dumating na iyong prof namin kaya tinago ko na yung phone ko.

Natapos na iyong klase namin at hindi ko naintindihan iyong ni-lesson ni Mr. Cacho dahil hindi rin naman ako nakinig sa kanya kasi mas marami akong iniisip ngayon na hindi ko alam kung tama ba na iyon ang isipin ko.

Inayos ko na lang iyong mga gamit ko. Napansin ko na nakatingin sa akin iyong isa kong kaklase at pinapanood akong mag-ayos ng mga gamit kaya nakakunot akong napatingin sa kanya. He is wearing a simple yellow green shirt with his trousers. And looking at him, Ang light lang ng aura nya. Nakadagdag pa ng good vibes iyong kulay ng shirt nya. Favorite color iyon ni Axel.

"Ah. Sorry." Umiwas sya ng tingin nang napansin nya na napatingin ako sa kanya at natataranta nyang inayos iyong gamit nya sa bag. Natawa ako sa kinilos ng isang ito. Ano nga ang pangalan nito? Pakiramdam ko tuloy ay ang sama kong tao. Hindi ko man lang alam iyong pangalan nya kahit classmate ko sya at halos araw-araw kaming nagkikita. Kilala ko sya sa mukha pero hindi ko talaga alam iyong pangalan nya.

"Hi." Mukha naman syang mabait kaya nilapitan ko sya. Hindi ko rin alam kung bakit ako lumapit dahil in the first place, Hindi ako marunog makipag kilala.

"Sorry po Ms. Madrigal kasi po.." Halata mo sa kanya na hindi nya alam iyong sasabihin nya at nakikita ko sa mata nya na kinakabahan talaga sya.

"It's fine" Pagputol ko sa sasabihin nya. Ah wait! Kilala nya ako?

"Kilala mo ako?" Ano ba Alison! Malamang! classmate mo sya sa subject na ito. Pero bakit sya di ko kilala? Ganoon na ba ka-Occupied iyong utak ko kay Axel kaya hindi ko na magawang tumanda ng mga pangalan.

"Opo, Kasi kaklase kita?" Napakainosente ng mukha nya habang nakangiti sa harapan ko ngayon. Paano nya kaya iyon nagagawa? Iyong ngumiti ng ganoon. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling ngumiti ng ganyan. Yung ngiting hindi mo gugustuhing sirain. "May problema po ba sa mukha ko?"

"Wala naman. Wag mo na ako i-po blocmates naman tayo."

"Ok. Una na ako?" Numiti sya sa akin at nginitian ko rin sya. Naisip ko na wala naman akong ibang gagawin mamaya besides hindi naman masamang makipagkaibigan di ba. Baka mabaliw na kasi ako pag wala pa akong makausap. Achievement ko ito dahil nagawa kong makipagkaibigan. Kadalasan kasi sila ang nakikipagkaibigan sa akin, Tulad ni Cha. Natatawa pa ako tuwing naalala ko nung naging magkaibigan kami dahil sinabihan nya talaga ako nun ng weird dahil lagi akong mag-isa kaya sanay na ako sa pagkataklesa ni Charlotte dahil din naman sa pagkataklesa nya kung bakit ko sya naging kaibigan at dahil din sa kanya kaya ako natutong makipagusap sa iba.

Locked Out of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon