Chapter 3

12 1 1
                                    

A/N: Pakiramdam ko ang haba na ng tinataype ko pero 2 pages pa lang yung last chapter. HAHAHA. Oh well, hahabaan ko na talaga :) Sana may nagbabasa pa rin. HAHAHAHA.

Bare with me guys. Pasensya na talaga. On the spot kasi akong nagsusulat. Binabago ko na lang ulet siya kapag may part akong di nagustuhan. HAHAHA :)))

Enjoy. :)))

-------

Andrew’s POV

Di talaga kita maintindihan.

Yan na lang yung laging tumatakbo sa isip ko tuwing nakikita ko na nalulungkot si Angela dahil sa kumag na yun.

Buti na nga lang at nakita ko siya kaninang nagtatatakbo sa hall dahil hinahabol niya na naman si Shaun. Alam kong mangyayare na naman ‘to eh. Hello, 6 years na kayang hinahabol ni Angela si Shaun. Hanep din yung babaeng yun walang kahihiyan sa katawan eh.

Ang dami kong naririnig na kung anu-ano sa mga studyante dito sa campus dahil sa ginagawa niya eh. Alam kong aware naman siya dun eh di niya na lang pinapansin.

Haaaaaay….

Actually, di ko talaga alam ano nagustuhan ni Ange kay Shaun eh. Eh alam ko namang mas gwapo ako sa ulupong na yun eh. Totoo naman di ba? Mas matangkad ako sa kanya at mas malakas ang aking sex appeal. Di pa ba halata sa mga babaeng laging nakapaligid saken? HAHAHAHA.

Well, di naman kasi ako katulad ni Shaun na kulang na lang eh sigawan niya yung mga babaeng lumalapit sa kanya eh. Natauhan na din siguro yung mga tao sa kanya simula nung nangyare yun. Nakakakita daw sila ng maitim na aura na nanggagaling kay Shaun everytime na nakikita nila siya eh. Hahahahaha. Mga baliw na siguro sila.

Kung di niyo maintindihan yung sinasabi kong nangyare dati.  Ganito kasi yun….

FLASHBACK

First day of school…

Boring, nasan naba yung si Shaun. Kanina pa ko naghihintay dito sa lobby ah. Takte, di ko pa naman alam dito. Ang laki laki ng eskwelahang ‘to eh. Maliligaw ako neto. Waaaaah, ipapalapa ko sa bakla yun si Shaun pagdating niya. -_____-“

Wala akong ginawa kundi bilangin kung ilan yung mga babaeng tumitingin saken. Hahaha. Sa gwapo kong 'to? Sinong hindi mapapalingon saken, aber?

"Siya ba yung isa sa mga transferee? Ang gwapo niya kasi"

"Oo nga eh, siguro gwapo din yung kasama niyang lumipat. Ayeeeee, kinikilig ako."

Oh di ba? Sabi ko naman sa inyo eh. Hahahahaha. Ang gwapo ko lang talaga. Ewan ko nga eh kung malakas lang ba pandinig ko o nilalakasan talaga nila? Errr. Ayos lang gwapo naman ako eh :P Grabe lang ah. Ang talaga naman niyang dumating....

At sa wakas... Dumating na din yung kupal na 'to. Wow lang ah, kala mo napakalayo ng bahay eh mas malayo pa nga bahay ko eh. Psssh.

"Oyy, ang tagal tagal mo naman! Kanina pa ako naghihintay dito!" singhal ko.

"Paano naman kasi tol, ang tagal kumilos ni Cindy."

"Huh? Dito din mag-aaral yang kutong-lupa mong kapatid?" Shett, dito din mag-aaral yun. Pano na lang buhay ko! Waaaaaah, magdadasal na ako palagi kapag ganito.

"OO BAKIT! AANGAL KA NA NAMAN? ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGTANONG KALA MO NAMAN PAG-AARI MO TONG ESKWELAHAN. LUMAYO-LAYO KA SA PANINGIN KO KUNG AYAW MONG MAWALA SA PLANETANG TO NG MAAGA AH!!!"

"Aaaaaaah!!! Ang ingay mo! Nakalunok ka ba ng megaphone ah?! Nagtatanong lang naman ako di ako nagrereklamo ah. Tsaka for your information. Ako talaga may-ari ng school na 'to. Tanga mo naman, sa aken nga nakapangalan eh. Isip isip naman! Pasalamat ka kapatid ka ng bestfriend ko!" nakakairita kasi yung boses niya. Akala mo sampung bundok yung layo ko sa kanya kung makasigaw.

When Love Turns Its BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon