Letter For My EX

3 0 0
                                    

Dear Ex,

Alam mo yung nakakatawa? Ikaw yun e. Yung tipong nakipagbreak ka sakin kasi akala mo iiyak ako? Hahaha! Oh diba? Tumawa ako. Hindi ka pa naman patay e, maghintay ka munang mangyare yun tsaka kita iiyakan.

Alam mo yung masakit? Syempre! Sayo nga nanggaling yun diba? Tamo, naramdaman ko.

E yung nakakasuka? Kayo yun e. Nung bago mo? Nakakasuka kaya kayo, hindi naman kayo bagay e. Feeling lang kayo pareho.

E yung bitter alam mo? Ako yun. Nabitter ako ng dahil sayo. Akala mo kasi ikaw nalang yung lalaki sa mundo, e pare-pareho naman nating alam na andyan pa yung tatay ko.

Buti nalang at hiniwalayan mo ko. Kasi nakita ko kung ano kang klaseng tao. Yung tipong napaka assuming mo kasi akala mo di pa ko nakakamove on sayo. Ang kapal mo noh? Sana naman mahalata mo.

Tsaka hindi ako sumulat para makipagbalikan sayo, kuntento na ko sa anong meron sakin. Mas gumanda nga buhay ko ng wala ka e.

Oh? Anong pake mo? Aba malay ko! Ikaw yung nakakaalam nun e.

Tsaka kung akala mo pinapamukha ko sayo ang mga ito, sorry ha. Pero hindi. Kasi bakit ko naman ipapamukha sayo?

Sabi nga sa kantang 'Someday', well I've got news for you.. i know I'm not that strong, but it won't take long.

Try mo kayang patugtugin yun. Maganda yun. Osige, para feel mo idededicate ko nalang sayo. Para naman matahimik kaluluwa mo.

Oh? Tahimik na? Ay sige, babaguhin ko. Para naman magulo ang kaluluwa mo.

Ano nga ba ulit yung dahilan mo? Tss. Di ko matandaan. Hayy nako! Hindi ko naman kasi talaga matatandaan yun, kasi nga isang kasinungalingan lang yun. Invaded ang utak ko for facts only.

Tsaka hindi lang naman ikaw ang lalake sa mundo. Kaya balangaraw makakahanap din ako ng kapalit mo, yung tipong maiinsecure ka nalang kasi mas higit sya sayo.

Oh diba? Ang ganda ko lang. Haha! Wag ka nang kumontra. Alam ko tumatawa ka kasama ng bruhilda mong girlfriend ngayon.

Kasi kung maganda ako bat andyan ka ngayon? E kasi naman, di ko naman akalaing bumaba na pala taste mo ngayon.

Oh! Agapan mo girlfriend mo. Baka sumugod yan dito. Nakakahiya naman sakanya. Sya na nga yung nang agaw sya pa yung magagalit.

Kokontra pa? Gagamitin na naman yung famous line nya na 'hindi ko ugali ang mang agaw. Sadyang may mga bagay lang talagang kusang napupunta sakin, kahit hindi ko agawim.'

Oh ayan! Namemorize ko na tuloy. Local na naman yan, e. Nakita ko na ang line na yan sa google.

At tsaka uy girl! Alam kong kasama mong bumasa yang ex ko kaya basahin mo 'tong mabuti. Bored lang yan kaya linalandi ka, wag mong seryosohin.

Alam kong galit na kayo dyan pareho. Pero please naman, wag nyo sa iba ipagbuntong. Maawa kayo, pero teka? May awa ba kayo? Gusto nyo hatian ko kayo ng akin? Sabagay madami naman 'to e.

At tsaka may nabalitaan pala ako. Ang sweet mo naman pala ex, mawala na yang girlfriend mo wag lang yung bestfriend ko? Hahaha! Ang galing mo!

Ano ka Math? The monomial x + x = 2x? Ganun ha?

Uy nga pala! Wag kayong magtataka kung isa sainyo bigla nalang magbago. Dala yung ng climate change, dulot ng malanding panahon.

Ay ewan! Ang dami ko nang sinasabi! Oh? Mabuti't nahalata ko? Oo naman! Syempre. Hindi kasi ako bulag kagaya mo, alam mo nang taken, papatulan mo pa.

Konting paalala lang, wag mong masyadong mahalin yang partner mo, madali yang mawawala sige ka. Haha!

Oh ayan! Pakasaya kayo. Wag sana kayong magsawa sa mga mukha nyo. Kasi ako? Sawang sawa na ko. Araw araw nalang. Tss.

Tsaka bago ko makalimutan, nakita pala kita. Nginitian mo nga ko e. Di kasi nakita ng girlfriend mo, sayang!

Balang araw maaalala mo rin ako, at sa panahong iyon? Nakalimutan na kita..

Osya ayan na. Pakasaya na kayo! Mag iingat ah, baka mamaya mawala na yang syota nyo.

Nagmahal sayo ng totoo pero ipinagpalit mo dyan sa katabi mo,

AKO

...ONE SHOTS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon