He's DEAD

2 0 0
                                    

Kakatapos ko lang maligo at magbihis nang may kumatok sa pinto namin. Asan ba sila yaya? Bat di nila binubuksan ang pinto?

Bumaba ako at binuksan ang pinto. Bumunggad saken ang gwapo kong boyfriend na nakangiti, which makes me more in love with him.

"Hi!" Bati ko sakanya.

Pinapasok ko sya sa loob at pumunta kami sa movie room. Manonood nalang kami ng movie since may bagong bili naman akong DVD.

Hey guys, ang weird nya. Mostly naman kapag dumadating sya, babatiin nya agad ako ng 'hi', 'hello' or whatsoever. Pero bat ngayon wala?

Naupo kami sa couch sa harap ng TV. Ang awkward kasi walang nagsasalita. Panay ngiti at titig lang sya saken, which makes it weirder.

"Ano bang nagyayare sayo?" Natatawa kong tanong.

Pero imbis na sagutin nya ko ay nginitian nya lang ako. Ang creepy nya, hindi sya nagsasalita, hindi rin tumatawa. Puro ngiti lang sya at titig sakin.

Ineexamine nya ang body ko at tititig ulit.

"Uyyy! Tinetest nya ang katawan ko!" Pangiinsulto ko.

Pero wala pa rin. Ngiti lang ang ibinigay nya saken.

May kumatok sa pinto kaya tumayo ako. Bago pa ko maglakad ay hinawakan nya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay. Ang LAMIG LAMIG.

"Mahal kita."

Dalawang words lang ang sinambit nya pero parang nanalo na ko sa lotto. Gusto ko nang magwala pero hindi ko ginawa. Nakakahiya noh.

Ngumiti ako at tumango.

"Mahal din kita." Sabi ko.

Binitawan nya na ang kamay ko at parang mangingiyak na sya. Napasmile ako sa reaksyon nya.

Lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ang cheeks nya. Nagulat ako ng ang lamig lamig nito pero binalewala ko nalang.

"Wag ka ngang umiyak, babalik pa naman ako e."

Ngumiti lang sya at tumayo na ko. Nasa may pinto na ko nang magsalita ulit sya.

"Goodbye."

Umiling nalang ako tsaka bumaba. Binuksan ko ang pinto at nagulat nang makita ang nakababatang kapatid nya.

"A-ate."

Umiyak sya lalo. Ano bang nagyayare dito at ganito 'to?

"Ate, sabi ni k-kuya mahal ka nya. Kaya m-magmahal ka daw ng i-iba."

Naluha ako dun sa sinabi nya.

"Bat iba pa? Pwede namang s-sya diba?"

"Ate, you can s-still love h-him. But you need to love a-another."

"A-ano? D-di kita maintindihan."

Yinakap nya ako at yumakap din ako pabalik. Di ko na napigilang maluha. Umiiyak na din ako.

"A-ate, si k-kuya.. He's DEAD."

...ONE SHOTS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon