Happy BREAK UP

5 0 0
                                    

"I can wait to see her face dude."

"Yeah. Baka gumuho ang mundo nun ng wala sa oras. Hahaha!"

At nagtawanan kaming magbabarkada. What are we talking about? About sa break up namin ng girlfriend ko mamaya maya lang.

"E pano mo naman yun gagawin?"

"Tinatanong pa ba yan? Syempre sa harap ng marami! Hahaha. Sa may room nila kung saan madalas nagsstay ang mga students."

"Kaya saludo kami sayo e."

At nagtawanan ulit kami. Excited na ko sa magiging reaction nya. Naiimagine ko na na ang pula pula na nya sa sobrang galit, na konti na lang parang papatay na sya ng tao.

Nakarating na kami sa room nya. Eksakto naman at ang daming tao. Haha!

Papasok ako sa room nila. Napatingin sya saken at ngumiti. Tumayo pa sya at linapitan ako. Pero syempre, mabait din naman ako kaya ngumiti ako. Sweet smile.

Hinawakan ko ang kamay nya tsaka huminga ng malalim. Wooh!

"Break na tayo." Ako.

Napapikit ako. Nakarinig ako ng mga gasp ng mga tao dito. Ang lalakas nga e.

Pumikit ako para sa paghahanda ng kung anong gagawin nya pero, tatlong segundo. Lima. Sampu. Huh? Walang sampal, walang umiiyak at walang nagsisisigaw.

Dumilat ako at nagulat ako nang nakita ko syang nakangiting malapad. Putspa!

"Bat di ka nasasaktan? I mean, ang ganda mg entrance ko. It was sweet and then, I just broke up with you." Di talaga ako makapaniwala.

"Bakit naman ako masasaktan? I mean, your not an ideal guy at hindi ka naman kawalan."

Kung kanina inaakala kong sya yung maiinis pero hindi pala. Kasi akin mangyayare yun. Lanya! Akala ko sya yung magagalit at maiiyak pero ako ata gagawa nun ngayon e.

"Oh bat naiiyak ka na? Hoy mister ikaw ang nakipagbreak dito at hindi ako. Kaya wag kang magdrama! Pumapanget ka lalo e!"

Kakaibang babaeng 'to. Hindi man lang ako iniyakan. Litsi! At nagawa pa kong insultuhin.

"Bakit hindi ka umiyak?" Ako.

"Bat naman ako iiyak?"

"Kaai break na tayo?"

"Ano ka ba! Hindi ka pa patay, noh. Di naman ako ganun kaexcited."

Nagtawanan ang mga tao dito. Napaface palm nalang ako. Ang tapang din neto eh.

Tumalikod na sya at naglakad pero hindi pa sya nakakalayo ay humarap ulit sya.

"By the way, happy break up ex."

Then she gave me her sweet smile.

...ONE SHOTS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon