Kahapon lang kami nagbreak. Wala nang kami. Ang ganda lang noh?
Anong akala nyo? Magluluksa ako? Aba! Hindi sya kawalan noh! Tsaka may mas hihigit pa sakanyang iba.
Nasa may usual spot sila ng barkada nya at kami naman ay nasa field.
"Hey guys? Favor please." Ako.
"Hmm?"
"Puntahan natin sila."
Sabay turo sa pwesto ng ex ko. Oh diba? Nasanay na rin naman sa pagtawag ng ex sakanya e.
Tumango naman sila at pinuntahan namin.
"Hi ex!" Masiglang bati ko sakanya.
"Can you please stop calling me ex?"
"Bakit naman? Affected ka noh?"
Hindi sya nagsalita kaya ako nalang ulit.
"Sabi ko na nga ba e! Nako kasi. Makikipagbreak tapos magluluksa. Tss. Nasa huli talaga ang pagsisisi."
"Kailan pa nauna ang pagsisisi ha?"
"Bakit may sinabi ba ko dun na nasa unahan iyon? Ha? Diba nga sabi ko nasa huli?"
"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga!"
"Bakit sayo 'to?"
"Pagsinabi kong oo?"
"Edi sinabi mo. Tanga lang?"
Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko at nya. Pahiya kasi 'tong lalakeng 'to e. Haha!
"Urgh! Can you just please go? You're getting into my nerves!"
"Weh? Ni hindi nga ko kasya sa kamay mo sa nerves mo pa kaya?"
"Alam mo, pikon na ko."
"Oo alam ko. Halata naman e. Pero alam mo rin ba? Walang nagtanong."
"Pwede ba!? Nakakainis ka na ah!"
"Bakit? May nagsabi ba sayong mainis ka sakin ha?"
"Wala."
"Wala naman pala e. Kaya wag kang maginarte dyan."
Tumalikod ako pero humarap ulit sakanya. May nakalimutan akong sabihin e.
"Oo nga pala, wag kang umiyak. Wala kang karapatan tsaka kung inaakala mong ikakagwapo mo yan, pasensya na pero mas lalo ka lang pumapanget e."
Nagwink ako tsaka tumalikod. Naglakad na ko palayo. Syempre kasama yung friends ko.
"Aba! Di talaga nagpatinag ah!" Bunggad ng isa kong kaibigan.
"At bakit naman ako magpapatinag?"
"Because he's your ex."
"Oh my dear. He's not my ex.....
He's JUST my ex."