Chapter 3: Who is Zayn Damien Dashfield?

24 1 0
                                    

[Prime's POV]

Nasa terrace ako ng apartment ko at mula dito kitang kita ko ang tapat ng apartment nya.

Medyo nashock ako ng makita ko syang lumabas ng apartment nya. She's wearing a simple dress at wait, sneakers? Cute. Yung outfit. -___-"

"Young Lord, hindi nyo po ba sya susndan?"

"At bakit ko naman sya susundan? Ano ako stalker nya? Tss. Ang gwapo ko para maging stalker nya Pierre!" Ako na walang galang. Buttler ko naman yan eh, bayad sya. >:D

"Young Lord, wag nyo pong kalimutan ang pinagagawa ni Lord Conrad sa inyo."

"Tss. Pinaalala mo pa. Sige na sige na." Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng shirt at pants at nagdiretso na kung saan man dumaan yung babaeng yun. Waaaaaaaaaaah! Kung kaya ko lang mabuhay ng walang malaking allowance, hindi ko gagawin to! Nyeta. -___-"

[Third Person POV]

Sinundan ni prime si Allisson hanggang sa nakarating ang sila sa isang flowershop. Kung hindi lamang iniisip ni Allisson ang isang lalaking napakaimportante sa kanya, napansin na agad nya si Prime na sumusunod sa kanya.

Pumasok si Allisson sa shop at bumili ng isang basket ng bulaklak. Walang ideya si Prime kung para kanino ang mga bulaklak na iyon pero ansabi na lang nya sa sariling wala syang pakialam doon.

"Salamat Ate Mae. Alis na po ako." Nakangiting sabi ni Allisson sa florist.

"Sige ingat ka Ally." Tugon naman sa kanya.

"Ally. Tss. Elainna kaya pangalan ng mapagpanggap na babaeng yan." Naibulong ni Prime sa sarili

Pagkalabas na pagkalabas ni Allisson sa shop, naglaho na ang ngiti sa kanyang mga labi at pungay sa kanyang mga mata na sya namang ipinagtaka ni Prime, ngunit naisip na naman nya sa sarili, "Pake ko ba? Tss." at hiyaan na lang ang dalaga.

Maingat nya muling sinundan ang dalaga dahil alam ni nyang matalino ito, at isang mali nya lang ay malalaman na nitong sumusunod sya.

*Memorial Garden*

Napakalaki na ng pagtataka ni Prime. Ngunit isinantabi nya muna lahat ng kuryosidad nya at tahimik pa ring sinundan ang dalaga. Walang ibang tao ngayon sa paligid. Tanging sya at si Allisson lang. Malaks ang ihip ng hangin at ang kulay abong mga ulap ay nagbabadya ng ulan. Ngunit hindi ito alintana ni Allisson. She kept on walking through the thin layer of grass and later stopped at a certain grave with wilted flowers on it. Si Prime naman ay tumigil ng ilang metro mula sa likod ng dalaga. Hindi pa rin napapansin ni Allisson ang presensya ni Prime dahil isa lang ang nasa isip nya. Ang lalaking nakahimlay sa har nya ngayon.

"Zayn..." She whispered.

Hindi mawari ni Prime kung ano ang naramdaman nya pero nagtindigan ang mga balahibo nya sa biglang pagsambit ng dalaga sa isang pangalan ng puno ng lamig at lungkot. Prime just shrugged the weird feeling away and continued watching her.

Itinabi ng dalaga ang basket ng lantang mga bulaklak at naglaba ng panyo mula sa kanyang bag at pinunasan nya ang malamig na bato sa kanyang harapan. Pagkatapos ay inilagay nya ang bagong biling bulaklak sa gilid nito.

Long silenced wrapped the surrounding. Allisson never spoke. She just bent her knees and sat on her legs while staring at the cold stone in front of her. Prime never dared to speak, too. He just stood there watching her.

Hindi maintindihan ni Prime kung paano nya natiis ang tatlong oras na nakatayo lamang sya habang pinapanuod ang dalaga na tinititigan ang puntod ng isang taong hindi nya kilala.

Tumayo si Allisson ngunit napaupo syang muli. Dahil sa tagal nyang nakaupo sa ganoong posisyon, namanhid ang paa at mga binti nya. Makalipas ang ilang minuto, muling tumayo ang dalaga at sa palagay ni Prime ay kaya naman na nitong maglakad mag isa.

"Zayn..." Hindi pa rin naaalis ang lungkot sa boses ni Allisson. "Zayn, aalis na ako hah, pagabi na eh. Nga pala, start na ng klase, kung nandito ka, sabay tayong gagawa ng assignments kaya lang wala ka na eh..." Ngumiti sya ng bahagya ngunit napakalungkot parin. Hindi alam ni Prime kung ano ang ekspresyon ngayon ng dalaga dahil nakatalikod ito mula sa paningin nya ngunit isa lang ang alam nya, malungkot ito at bawat salitang binibitawan nya ay tila nagpapatong ng mabigat na bagay sa kanyang dibdib. "Babalik ako, promise. I miss you Zayn Damien Dashfield."

Tumalikod na ang dalaga na ikinabigla naman ni Prime. Ngayon magkaharap na sila ngunit nakayuko lang ang dalaga. For some odd reasons, Prime can't move, he feels frozen. The same time Allisson angled her face up, their eyes met. Parang huminto ang mundo sa paligid ni Prime, yun ang naramdaman nya the moment he saw she was crying.

"So, who's Zayn Damien Dashfield? Ano sya sa babaeng to? Bakit sya iniiyakan nyang Elainna na yan?" Curiosity sinked in Primes thoughts. Oo, kanina pa umiiyak si Allisson. Pero maging ang dalaga ay hindi alam iyon. Nawawala sya sa sarili pag iisa lang ang nasa isip nya -- ang pumanaw nyang kaibigan at kasintahan. Pulang pula na ang mga mata nya ngunit patuloy lang ang mga luha nya sa pag agos. Her tears seem to pour out forever.

Marahang naglakad si Allisson patungo sa kinatatayuan ni Prime dahil yun naman talaga ang daan paalis sa lugar na iyon. And Prime was back into his senses nang makitang naglalakad na sya. Sabay nang pagtatapat ng pwesto nila ay ang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad si Allisson at nilagpasan lang si Prime na parang hindi nya ito kakilala o hindi nya ito nakita.

[ A/N: Pagpasensyahan nyo na po kung may wrong grammar at spelling. First timer eh. :P Please enjoy... :-) ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret Bodyguard (The Love of Optimus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon