Chapter 1

296 11 8
                                    

A/N:  HELLO!! Ito nga pala ang 2nd story ko. Pagpasensyahan nyo na kung may mga errors XD. Tsaka ko nalang ie-edit  kapag natapos ko na yung storya haha. Thanks ^_^.

HighPitched21_Lhene♥

*** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** 

CHAPTER 1

Ako si Elise Romero, 28 years old. Isang teacher, business woman at isang single mom.

I’m a single mother of my 8 year old son. His name was Chad. I’ve been a single mom for almost eight years. At ang pagiging ama’t ina at the same time ay isang mahirap na bagay para sa’kin.

Nandyan na kailangan ko magtrabaho at iwan sa iba ang anak ko para ipaalaga. Minsan, aalis ako sa bahay ng tulog pa sya at babalik ako na tulog na sya. Pero kapag ganito, sinisigurado ko naman na tuwing weekends, may time kami para makapag bonding. Nahirapan akong itaguyod mag isa ang anak ko pero as the day goes by nasanay na rin ako.

Nasa’n ba ang asawa ko? Nasa’n na si Daddy?  ‘Yan din ang nag iisang malaking tanong ng anak ko sa’kin. Isang bagay na ‘di ko masagot at isang bagay na kung sasagutin ko man, walang kasiguraduhan.

“MOOOMMY!!” Nagulat  ako ng biglang bumukas ang pintuan kwarto ko. Si Chad ang pumasok.

Buti nalang at bakasyon ngayon kaya may oras kami sa isat-isa ng anak ko. Nandito kami sa probinsya kung saan ako lumaki. Dito muna kami hanggang sa matapos ang bakasyon. Ilang taon narin kasi akong hindi umuuwi dito. Siguro mga eight years na rin.

Nagmamadaling tumakbo si Chad papunta sakin at niyakap ako.

“Mommy…”

“Ano ‘yon baby? May problema ba?” sabi ko habang hinahaplos ko ang buhok nya.

“Mommy, I can’t sleep. Pwede bang basahan mo ko ng story?” naka-pout  nyang sabi. Ngumiti ako. Eight na ng gabi ‘yon, nasasanay kasi syang binabasahan ng storya kapag hindi sya makatulog.

“Sure baby.” Tatayo na sana ako para kumuha ng libro sa cabinet ko, ng bigla nyang hatakin ang laylayan ng blouse ko. Napalingon ako sa kanya.

“Mommy, ito nalang oh.” Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita kong hawak ng anak ko.

Brown notebook na may mga red heart designs. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang diary ko nung bata pa ko.

“Where did you get that, baby?”

“I found this under my bed, Mom.” Sabay turo nya sa labas. Pinuntahan ko yung kwarto nya. ‘Yung  kwarto nya kung saan kwarto ko rin noon, nung dito pa ko nakatira kasama ang parents ko no’ng bata pa ‘ko.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko ‘yung isang malaking pink box na nakapatong sa kama. Ang treasure box ko. Kinuha ko agad ‘yon at tsaka bumalik ulit ako sa kwarto. Ang tagal ko na rin kasi ‘tong hinahanap at si Chad lang pala ang makakakita nito at sa ilalim lang pala ng higaan ko dati.

“Mommy, why are you crying? Is there something wrong?” Napahawak agad ako sa mukha ko at Oo nga, sa ‘di ko malamang dahilan umiiyak na pala ako.

Isa-isa ko kasing nilalabas ‘yung mga laman ng treasure box ko at ‘di ko nalang napigilang maiyak ng makita ko ‘yung isang nakatuping papel na may signature nya. Signature ng Daddy ni Chad.

Pagbuklat ko ng papel na ‘yon, nakita ko yung dinrawing nyang mukha ko na nagbabasa ng libro. ‘Yun yung regalong natanggap ko galing sa kanya bago ang 18th birthday ko. Naalala ko ang saya ko noon kasi first time kong makatanggap ng ganong regalo. ‘Yung regalong halatang binuhusan ng effort.

Kinuha ko ang diary ko at itinabi ko na yung box sa tabi ng kama ko. Nagtatakang nakatingin sakin si Chad nung ngumiti ako sa kanya.

Bumalik sakin bigla lahat ng alaala. Masayang alaala, nakakainis, nakakalungkot at nakakatuwang memories na dala ng diary ko at ng drawing na ‘to.

‘Yung totoong dahilan, kaya ako nagpaka-busy at nagpakababad sa pagtatrabaho ay dahil sa isang dahilan. At ‘yon ang makalimot. Ang makalimutan sya at maka move on na sa kanya. Sa ama ng anak ko.

“Gusto mo ng story, Baby?”

“Yes, Mom.” Ngumiti ang anak ko at agad na lumapit sakin para humiga sa tabi ko.

Alam ko wala pa sya sa tamang edad para maintindihan at malaman ag totoo pero bahala na. Inumpisahan ko na ang pagbuklat sa diary ko at pagbuklat ko no’n, isang salita lang ang nabanggit ko.

“ Red..”

Si Red, ang daddy ni Chad. Ang ama ng anak ko.

Memories of Yesterday (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon