Chapter 4

90 4 2
                                    

CHAPTER 4

SEPTEMBER 25, 20*3 - Ngayon ang engrandeng celebration ng 18th birthday ko. Masaya ang lahat sa gabing ‘to maliban sa isa. At ako ‘yon.

September 25, ngayon ang birthday ko. Sa lahat ng taong nandito ako dapat ang pinakamasaya pero hindi. Well, Masaya naman ako kasi kahit papa’no, sa araw na ‘to kasama ko ang lahat ng importanteng tao sa buhay ko. Ang parents ko, mga kaibigan at kaklase ko at ilang mga malalapit na kamag anak namin. Halos lahat sila nandito maliban sa isa, si Harry ang boyfriend ko.

Kasabay ng 18th birthday ko, ang 9th monthsarry namin pero wala sya. Sya dapat ang last dance ko pero natapos na  ang lahat-lahat wala pa ring Harry na nagpapakita.

Umiiyak ako habang hawak-hawak ang phone ko. Wala na ‘kong pakialam kung nasira na ang magandang ayos ko dahil sa pag iyak ko.

Nandito ako ngayon sa may garden at nag iisa. ‘Di na nga ako mapakali kasi nakailang txt na ‘ko at tawag sa kanya, wala pa ring reply. Naiiyak nanaman yuloy ako.

Napatigil lang ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko. May nagtxt sakin galing sa isang unregistered number.

Binuksan ko ang message at binasa ko ‘yon.

[White Star Haus. Room 405. Naghihintay ang pinakamagandang regalong matatanggap mo sa birthday mo , Elise. Happy 18th birthday. By the way, this is Alexis.]

Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Hindi ko alam pero feeling ko may mali. White Star Haus, Room 405. Kung hindi ako nagkakamali, condo unit yon ni Harry.

Bakit nagtxt sakin si Alexis na ex ni Harry? Hindi naman kaya…magkasama sila ngayon?

Agad akong pumara ng taxi ng makalabas ako ng subdivision naming. Halos paliparin ko na nga kay Manong yung sasakyan nya makapunta lang agad ako don.

Hindi maganda ang kutob ko pero gusto kong paniwalain ang sarili ko na mali ang iniisip ko kaya pupunta ako. ‘Yung idea na kasama ni Harry si Alexis sa condo nya ng ganitong oras ng gabi ang isang bagay na pakiramdam ko na papatay sakin.

Pagbaba ko ng taxi, nagmamadali na agad akong nagtatatakbo papasok ng building. Wala na akong pakialam sa mga taong tumitingin sakin dahil sa itsura ko. Isa lang ang nasa isip ko non. Si Harry.

Nung makarating na ‘ko sa tapat ng unit ni Harry, pinihit ko yung door knob. Bumukas ‘yon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at pagbukas ko…

.

.

.

.

Nakita ko ang boyfriend ko na may kahalikang ibang babae.

***

“Mommy.” Sandali akong napatigil sa pagbabasa ng marinig kong nagsalita ang anak kong si Chad.

Tulog na sya pero nakakatuwa kasi nakukuha pa nyang magsalita. Ano kayang napapnaginipan ng anak ko? Napapanaginipan kaya rin nya ang Daddy nya? Napangiti nalang ako.

Ibinaba ko sandal ang diary ko para itaas ang kumot nya hanggang sa balikat nya. Napabalikwas sya at tsaka yumakap sa may badang tyan ko.

“Sleep tight baby.” Sabi ko sabay halik sa noo nya. At pagkatapos dahan-dahan kong hinaplos ang buhok nya.

Eksaktong nine na ng gabi. Ayoko pa sanang matulog kasi gusto ko pang tapusin ang pagbabasa ng diary ko. Kaya binuksan ko yung radio sa tabi ko para maaliw naman ako. Kaya lang mukhang baliktad ang nangyari. Imbes kasi na matuwa ako, nalungkot ako.

‘Yun kasi yung kantang lalong nagpaiyak sakin nung gabing ‘yon. Napaiyak tuloy ako bigla, pero nakuha ko pa ring ituloy ang pagbabasa sa diary ko.

Sinimulan ko na ulit ang pagbabasa kasabay ng pagtugtog ng kantang yon.

Memories of Yesterday (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon