CHAPTER 6
OCTOBER 25, 20*3 - Eighteen na ako. Marami na kong nadidiscover at nakikilalang ibang tao. Masaya akong ginagawa ang mga gusto ko pero minsan, tutol ang parents ko sa mga gusto ko.
It’s been a month since Harry and I, broke up. Nakipaghiwalay ako sa kanya, kinabukasan pagkatapos ng insidente sa condo nya. Balak ko pa sana syang bigyan ng second chance non pero mukhang wala na talaga. Kasi sa mga ginagawa nya, mas lalo akong naiinis sa kanya.
“I love you Elise….I still care for you, Elise.” Laging ganyan ang mga sinasabi nya sa tuwing magkikita o magsasalubong kami. Pero kabaligtaran naman ng mga sinasabi nya ang mga ginagawa nya kasi lagi ko syang nakikita kasama ang ibang babae.
Naiinis ako sa kanya. Aaminin ko bitter pa rin ako ngayon at mahirap pa rin sakin ang mag move-on. May bahagi pa rin kasi ng utak ko ang nagsasabing mahal ko pa rin sya. Pero, AARRGGHH!!!....nakakainis talaga!
“ Guys, tara sa bar. “ aya ko sa mga barkada ko sa tuwing gusto kong maaliw.
Simula kasi nang magising ako sa sobrang pagkalasing ko nung gabing nag inom ako sa bar, parang nagdecide nalang ako na gusto ko ng magbago. Kung dati puro subsob sa pag aaral lang ang ginagawa ko, ngayon iba na.
Nagsimula na akong matutong mag ayos ng sarili ko, ginagawa ko na yung mga bagay na gusto kong gawin. Sumasama sama na ko sa mga barkada ko sa mga gimikan at marami pang iba.
Ewan ko nga eh, lahat nalang biglang nagbago simula nung gabing nagpakalasing ako sa bar. Isang buwan na ang nakalipas simula ng baguhin ko ang sarili ko…At isang buwan na rin akong nagtataka kung sino ba yung taong nag uwi sakin nung gabing malasing ako sa bar.
Nakakapagtaka kasi, nagising nalang ako na nasa kwarto ko na. Tapos, tinatanong ko sila mommy’t daddy kung sinong naghatid sakin, hindi daw nila kilala. So, sino ‘yon?!...HAAAYY~ ewan. Thank you nalang sa kanya.
Gabi na ng makauwi ako galing sa gimikan. Pagpasok ko, nadatnan ko ang parents ko sa sala. Si Daddy galit na nakatayo sa harap ko samantalang si Mommy naman, nakaupo lang at nakatingin sakin. Alam na nila ang mga ginagawa ko at tutol sila sa mga yon. Dahil din don, madalas akong masermunan nila mommy’t daddy.
“Anong oras na. Bakit ngayon ka lang?” tanong agad sakin ni Dad pero hindi ko nalang sya pinansin. Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga lang ang ginawa ko at dumiretso na ako ng hagdan para umakyat papunta sa kwarto ko.
“Elise, wag mo kong tatalikuran kapag tinatanong kitang bata ka….ELISE!!!”
“Ano ba ‘yon, Dad?!” napalingon agad ako.
“Ano bang nagyayari sayo, bata ka?! Itigil mo na yang kakasama mo sa mga barkada mo na yan. Ayusin mo ang pag aaral mo. Dahil sa pesteng barkada na yan, napapabayaan mo ang studies mo. Ibinagsak mo daw ang prelims mo!!”
“Dad, that’s not true!! Who told you that?! Wag nyong sabihing sya nanaman?!” naiinis na tanong ko kay Daddy. May hinala nanaman kasi akong sinumbong nanaman ako ng magaling naming kapitbahay na schoolmate ko.
Sino? Well, sino pa ba? Edi si Nerdy. ‘Yung bagong lipat sa subdivision namin at yung bagong kapitbahay namin na bagong alipores ni Dad na madalas na binu-bully sa school.
Dati naaawa ako sa kanya pero simula ng lumipat sila dito at umpisahan nyang ireport ang bawat kilos ko kay Dad...I started to hate him.
“Hey—Where are you going? Hindi pa tayo tapos mag usap. Bumalik ka dito. Hey, Elise!!” Sinundan ako ni Daddy pero iniwasan ko sya at mabilis na kong umalis palabas ng bahay.
.
.
.
Dumiretso ako sa park. Papalipasin ko muna ang galit sakin ni Dad at magpapalipas din ako ng inis sa Nerd na yon. Nakakainis talaga sya.
Wala ng masyadong tao sa park kaya medyo tahimik na ang lugar. Umupo ako sa swing at nakatulalang nakatingin sa malayo. Ilang minuto rin akong ganon pero natigilan lang ako ng biglang may lumapit sakin at huminto sa tabi ko.
Nilingon ko sya. And guess what? Sya lang naman yung taong gustong gusto kong makita sa mga oras na ‘to. Si Nerdy. ‘Yung pinakagusto ko sa lahat. *mark the sarcasm*
“What are you doing here? Isusumbong mo nanaman ba ulit ako kay Dad? Go ahead, tell him na nandito ako sa park at nagpapakalasing.” Sabay irap ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad paalis sa lugar na ‘yon.
“E-Elise, i-im sorry. H-Hindi ko naman intensyon na siraan ka sa Dad mo. What I’m doing is to---“
“I don’t want to hear any explanations from you, Nerdy. From now on, stay away from me. And please...stop stalking me.” Pagkatapos, tinuloy ko na ulit ang paglalakad.
Naiinis talaga ako sa kanya. Nakasapak na ako dati ng nerd nung grade school ako at ayoko na ulit maulit pa ‘yon.
Naglakad na ako pabalik sa bahay namin. Nilingon ko sya at buti nalang wala na sya at hindi na sumunod sakin kaya tinuloy ko na ulit ang paglalakad. Kaya lang napahinto ako ng makita ko yung isang pamilyar na kotse. Kung hindi ako nagkakamali, kay Harry yung itim na porsche na ‘yon.
Nacurious ako kaya lumapit ako para makita at tama nga ang hinala ko. Kay Harry nga yon. Nasa loob sya kasama ang isang babae at naghahalikan sila.
Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko sa sobrang galit. Gusto ko silang sugurin pero wala naman akong karapatan na gawin pa yon kaya umiiyak nalang akong nagtatakbo palayo sa kanila. Nagagalit ako kasi ang totoo, mahal ko pa rin sya pero bakit sya ganon-ganon nalang nya ako kalimutan.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko nalang namalayan yung isang sasakayan na mabilis na papalapit sakin. Feeling ko parang na freeze ang buong katawan ko. Hindi na ko makahakbang. Napapikit nalang ako at hindi ko nalang namalayan pa yung mga sumunod na nangyayari.