CHAPTER 2
JUNE 21, 20*2 - Unang araw ng pasukan sa North East University. Ito ang eskwelahan kung saan nag aaral ang anak ng mayayaman at maimpluwensyang tao sa bansa.
Ako si Elise, 17 years old ako ng mag aral ako dito sa prestigious school na ‘to. Education ang course ko Major in Mathematics. Aaminin ko, hindi talaga ito ang kursong gusto ko. Parents ko lang ang namili nitong course na ‘to para sakin.
Pangatlo ako sa tatlong magkakapatid. Bunso ako. Parehong mga professional ang Mommy’t Daddy ko pati na rin ang mga kapatid ko.
Sila Mommy’t Daddy ay parehong mga businessman/woman. Hawak nila ang ilan sa mga sikat na commercial at establishments sa bansa.
Hotel, resort, malls, restaurants, company lahat ‘yon na manage nila.
Si Ate Meg naman na panganay saming magkakapatid at mas matanda sakin ng sampung taon ay isang doctor.
Si Kuya Levy naman na seven years ang agwat ng edad sakin, ay isang engineer.
Lahat ng mga natahak ng kapatid ko, parents namin ang nagdecide. Kaya ako, kahit na gustong-gustong gusto kong maging isang artist hindi pwede kasi ang gusto nila Mommy’t Daddy para sakin maging teacher ako.
.
.
.
Noong matapos ang first semester sa North East University, medyo nakikilala na rin ako sa school. Dumadami ang mga admirers ko and suitors. Sa madaling salita, unti-unti na akong sumisikat dahil sa pinapakita kong galling pagdating sa sports and academics plus pa ang factor na maganda ako. Kamukha ko daw kasi si Seul Ki (^_^).
.
.
Nagfocus ako sa pag aaral ko dahil ang gusto ng mga magulang ko, makapagtapos ako with flying colors kaya nga kahit isa, hindi ako nag e-entertain ng mga manliligaw ko. Hindi ako nain love, hindi ako nakipagrelasyon. Kaya lang nabago ang lahat ng ‘yon ng makilala ko si Harry.
***
OCTOBER 8, 20*2 - Umpisa ng Second semester. Nakilala ko si Harry Riego. Ang pinakasikat na estudyante sa school at ang pinakakilalang member ng Varsity.
Isang hapon, malakas ang ulan non. Nastranded ako sa may waiting shed dahil sa baha. Hinihintay ko kasi si Manong Mel ‘yung family driver namin na naghahatid sundo sakin sa school.
“Nasa’n na ba ‘yon?” naiinip na sabi ko sa sarili ko habang patingin-tingin sa cp ko. Halos dalawang oras na kasi akong naghihintay pero wala pa sya.
Iti-txt ko n asana ulit si Manong Mel ng marinig ko yung pagbusina ng isang itimna kotse na huminto sa tapat ko.
Sinilip ko kung sinong nakasakay don. At pagbaba nung bintana ng sasakyan, nakita ko si Harry na nakangiti sakin.
“Kanina pa kita tinitignan. Halos two hours ka ng nakatayo dyan. Halika sabay ka na sakin, hatid na kita.” Ngumiti sya sakin. At sa pagngiti nyang yon, lumabas yung dimples nya sa kanang pisngi nya.
Tall, dark and handsome si Harry. Lapitin sya ng mga babae sa Campus kaya ‘yung kusang pag alok nya sakin na ihatid ako pauwi ang isa sa pinaka nakakakilig na bagay para sakin.
Super crush ko na kasi sya noon pa. School mates kami noong highschool. ‘Yung pagkagusto ko sa kanya ako lang ang may alam noon, kahit mga barkada ko ‘di alam ‘yon.
“So, tara?”
“Sorry, may hinihintay pa kasi ako. Si Manong Mel, yung sundo ko. Papagalitan ako ng parents ko kapag hindi sya ang sumundo sakin.” Sabi ko. Gano’n kasi ako katakot sa Mommy’t Daddy ko.
“Gano’n ba. ‘Di bale, magpapaliwanag nalang ako sa parents mo. Kaysa naman mastranded ka dito, ihahatid nalang kita total iisa lang naman ang subdivision natin.”
“Pero—“ nagulat nalang ako ng bigla nalang syang bumaba sa kotse nya at pinuntahan ako. Umikot pa tuloy sya kaya ayun, nabasa na sya sa ulan.
“Halika na.” Yaya nya sakin sabay bukas nya sa pinto katabi ng driver’s seat at inalalayan ako.
‘Di na ko nakatanggi kaya ayun, sumakay narin ako. Sa loob ng kotse, marami kaming napagkwentuhan. Tungkol sa buhay nya at ‘yung mga bagay na tungkol din sa’kin. Mabilis nagkapalagayan ang mga loob namin. Naging friends kami, close friends, hanggang sa tumagal nanligaw na sakin. At paglipas ng ilang buwan, December 25...
.
.
.
.
....sinagot ko na sya.