Chapter 7

80 4 5
                                    

CHAPTER 7

NOVEMBER 5, 20*3 - Si Nerdy na ang pinaka stupid, pinakanakakainis at pinaka walang kwentang taong nakilala ko. 

Simula ng mangyari ang aksidente, nandito lang ako sa ospital at nagpapagaling. Nandito lang ako for almost 10 days. Gusto daw kasi nila Dad na nandito ako para mabantayan ang kalagayan ko.

Tss..kung alam lang nila kung gaano na ko ka-bored dito. Nung mangyari ang aksidente na ‘yon sakin, nagising nalang ako na nandito na ko sa ospital at ginagamot ang mga sukat sa braso ko.

Nakakatawa nga eh, nabangga ako pero walang masyadong napuruhan sakin maliban lang sa konting galos na nakuha ko. WEIRD!! Pero thankful pa rin ako at ganito lang ang nangyari sakin.

“Are you okay, Anak?” si Daddy, habang nanonood ng tv.

“Yes Dad..ah, teka..where’s mom?”

“May binili lang. Pabalik na rin ‘yon”

“Okay.” Tapos napatingin nalang ako sa pinto ng bumukas ‘yon. Si Nerdy ang pumasok.

“H-Hi..Good afternoon p-po.” Bati nya kay Dad pagkatapos lumapit sya sakin at kinamusta ang kalagayan ko.

Simula ng maaksidente ako, ngayon ko pa lang ulit sya nakita. Sana nga hindi nalang sya nagpunta dito. Isa saya sa mga sinisisi ko kung bakit ‘to nangyari sakin. Kung hindi dahil sa pagsusumbong nya ka Dad, hindi ako mapapagalitan. Kung hindi nya ako sinundan sa park, hindi ako magwo walk out.

At kung hindi ako nag walk-out, edi sana hindi ko nakita ang ex ko na mahal na mahal ko parin hanggang ngayon na nakikipaghalikan sa ibang babae na nagging dahilan para magdrama ako at maaksidente.

Okay, lame excuses..(-_-)

Tatanungin ko sana ‘tong stupid nerd na ‘to kung bakit sya nandito pero bago ko pa natanong ‘yon, nasagot na agad ni Dad.

“Ilang araw ka ng absent sa school anak kaya nandito si pogi para tulungan kang makahabol sa mga na missed mong lessons.”

Napatingin ako kay Nerdy. Kailan pa naging pogi ang lalaking ‘to sa harap ko na laging nakasuot ng thick glasses, brases at kung anu ano pa na tanging weird na tao lang ang meron. Maloko talaga ang daddy ko.

Umalis na si Dad at naiwan na kami ni Nerdy sa kwarto. Inumpisahan na nyang ilabas yung mga notebook at books sa malaking body bag nya.

Asiwa talaga ako sa kanya pero bilib ako na nag effort pa sya na tulungan akong makahabol sa mga  na missed kong lessons kahit hindi naman kami mag kaklase. Iba kasi ang course nya. Fine Arts sya samantalang ako Education. Isang bagay na kinaiinggitan ko sa kanya.

“Let’s start.”

“ Ayokong mag aral ngayon Nerdy kaya makakaalis ka na.” tapos nahiga ako patalikod sa kanya.

“L-Look, Elise..i’m s-sorry. Gusto lang naman kitang maging kaibigan.”

“I don’t want to be your friend. Wala akong balak makipagkaibigan sa taong gaya mo. I hate nerds kaya please lang umalis ka na.” Alam ko napakasama ko pero sa tuwing naiisip ko yung atraso nya sakin, naiinis ako.

“O-ok..” sabi nya tapos naramdaman ko nalang yung paggalaw nya at yung tunog ng pag urong ng upuan. “Im sorry Elise. Sana dumating y-yung time na maging magkaibigan tayo. L-Like we were before.” Tapos narinig ko nalang yung pagsara ng pinto.

Napabalikwas ako. Like we were before?! Anong ibig nyang sabihin don?

Maya-maya pumasok si Daddy kasama si Mommy. Pinagalitan nanaman nila ako kasi nakita daw nilang umalis si Nerdy sa ospital.

“Ikaw talagang bata ka. Kelan ka pa nagging ganyan? Wala kang utang na loob don sa tao.” Si Dad yan at sinisermunan nanaman ako.

“What? Ako? Dad naman. Anong utang na loob?! ‘Yun ba yung pag-aabala nyang dalhan ako ng sandamakmak na notebook at libro dito? Kung yon lang pala, wag kayong mag alala. Paglabas ko ditto pasasalamatan ko sya.” Tapos humiga uli ako na nakatalikod sa kanila.

Nakakainis lang kasi. Maliit na bagay lang pinagtatalunan pa.

“Hindi na kita kilala Elise, iba ka na. Simula ng maghiwalay kayo ng Harry na ‘yan---“

“Dad, walang kinalaman si Harry dito okay?. Kung mag aaway nanaman tayo because of that stupid nerd, please let’s stop. Hindi sya importante. Wala syang kwenta.” Naiinis na sagot ko.

Hindi ko sila nilingon, nakahiga pa rin ako patalikod sa kanila. Hanggang sa naramdaman ko nalang si Mommy na naupo sa gilid ng higaan ko at haplosin ang buhok ko.

“How can you say that to the guy who save your life, Elise. I’m very disappointed on you.”

“Huh? What do you mean, Mom?” napa upo agad ako at nagtatakang tumingin sa parents ko.

Anong ibig nilang sabihin? Nagpalipat-lipat ang tingin ko kila mommy’t daddy na parang naghahanap ng sagot. Natigil ako ng magsalita si Dad. Inumpisahan nyang ipaliwanag sakin ang lahat.

Nang marinig ko ang lahat ng yon mula kay Daddy, parang bigla akong nahiya. Feeling ko ang sama kong tao. Pinagtabuyan ko yung taong walang ibang ginawang kundi alalahanin ako. Stupid Nerd. Stupid talaga sya.

 *********

Hanggang dito nalang muna. Salamat sa pagbabasa XD 

Lhene<3

Memories of Yesterday (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon