Chapter V: Not such a good idea

3.1K 25 2
                                    

Chapter 5

 

"I'm so fancy"

"You already know"

"I'm in the fast lane"

Okay? Anong ingay yun?

"From L.A. to Tokyo"

"I'm so fancy"

"Can't you –"

 

Alarm clock.

"-taste this gold?"

"Remember my name"

" 'Bout to blow"

 

Ay singkit na mata ni pikot! Pucha, yung alarm ng phone ko tumutunog na pala.

Napaungol ako sa sakit ng ulo ko nang napabangon ako. Nasobrahan yata ako sa pag-inom kagabi. Sino ba namang hindi magpapakalasing sa bigat ng problema na dala-dala mo, diba? Siguro sa mga mababait, oo.

"Dear Scarlette, what went on your mind to drink until you passed out last night?" I heard a voice behind me. Either yung usual niyang tono ng pananalita o yung pagdadalawang-isip niya kung magagalit ba siya sa'kin o hindi.

"Good morning too, Crisella" sarkastiko kong sagot habang inaalis yung kumot.

"Okay, sige. Palalagpasin ko ang nangyari kagabi na halos mabangga ko na yung kotse sa pinto ng bar dahil sa pagmamadali nang tinawagan ako ng may-ari ng bar dahil halos patayin mo na lahat ng taong lumalapit sa'yo to think na pagdating ko dun eh tinulugan mo lang ako kaya ako lahat ang nagbayad sa mga ininom at sinira mo sa bar na yun" mabilis niyang pagkwento sa'kin sa mga nangyari kagabi na wala ako masyadong matandaan kundi ang...arrange marriage. Ang hinayupak na kasunduan na 'yan na patuloy kong babaunin sa galit habang buhay lalo na kung hindi ko maggawan ng paraan kung paano ito mapigilan.

"And lastly, muntik nang masira ang beauty ko nang sapilitan akong kinaladkad ng bouncer na bitbit ang mahimbing na natutulog mong katawan! Swerte niya lang talaga dahil kahit gusto ko na siyang patumbahin eh na sa'yo yung atensyon ko kaya pinabayaan ko na lang" dagdag niya pa habang inaalala ang animo'y isang karumal-dumal na nangyari sa kanya sa tanang buhay niya.

"Hindi mo lang alam kung gaano 'yon kahirap tanggapin ng mala-dyosa kong ganda" may nalalaman pa siyang papunas-punas sa noo and wiping away her tears though I'm not sure if she's really crying.

I was about to say something when it suddenly hit me.

Ba't napapadalas ang pagtatagalog ng bruhang 'to?

Kailan pa 'to naging seryoso sa buhay?

 

 (Nagtatagalog siya kapag seryoso siya. Topak yan eh)

Sa ilang buwan kong paglayo, hindi imposible na marami nang nagbabago.

Dahil lahat tayo ay unti-unti nang binabago ng panahon.

 

Hindi ko namalayan na naiwan na pala akong nakatitig sa kanya pero paki-usap, babae ako at hindi tomboy. Dyosa ako.

Nang napansin niyang hindi ko siya kinausap at tinignan lang siya ay agad niyang inilipat ang tingin niya sa'kin nang nakanganga nang hindi makapaniwala.

"Wala ka man lang bang sasabihin?!" sigaw niya na bakas ang pagkainis.

Ahhhh okay? So ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Naka-drugs yata 'to eh.

THE GANGSTERS NERDY FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon