Mahal na mahal kita. Sana ay nandito ka sa tabi ko ngayon.
Iyan ang nabasa kong text mula sa cellphone ng tatay ko. Kaagad na uminit ang bumbunan ko. Ang hinayupak kong ama, nambababae na naman?
Fuck you! Huwag ka nang magte-text sa tatay ko. Kung sino ka mang kampon ni Satanas, huwag ang tatay ko ang landiin mo! Tang ina mo! Ang landi-landi mo! Ang dapat sa 'yo, masunog sa impyerno! Kabit! Salot!
Gigil na gigil pa ko habang nagta-type at walang habas na pinindot ang 'Send' pagkatapos. Tinitigan ko ang cellphone at inisa-isang basahin ang mga mensahe na nandoon. Halos masuka ako sa mga nakita ko. Nakakadiri ang mga pinag-uusapan nila, puro kalaswaan!
Hindi nag-reply ang babae kaya naman tinawagan ko. Ilang beses na nag-ring pero pinatay. Muli akong nag-dial at itinapat sa tainga ko ang cellphone pero 'Out of coverage na ito.'
"Lintik na babaeng ito. Pinatay pa ang cellphone. Kapag nalaman ko kung sino ka, ipapa-gang rape kita sa mga adik sa kanto. Bwisit!"
Padabog kong inilagay ang cellphone sa kama at umalis. Pumasok ako sa kuwarto ng mga magulang ko para hanapin ang cellphone ni tatay, makiki-text sana ako. Pero dahil usisera ako, tinignan ko ang mga mensahe sa inbox niya at nahuli ang tatay ko na nakikipaglandian sa text.
"Lintik na mga kabit iyan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga babaeng pumapayag na maging kabit. Ano ba ang napapala nila? Pera? Kasalo sa init ng katawan?" bulong ko sa aking sarili.
Tumingin ako sa sa salas. Nakaupo roon si Tatay, kakuwentuhan ang mga kumpare niya. Sumimangot ako at nagdiri-diretso sa kusina. Nakita ko roon si Nanay, abala sa pagluluto ng tanghalian namin.
"Malapit nang maluto itong sinigang. Maghain ka na," utos ni Nanay.
Sinunod ko siya at hindi kumibo. Habang naglalagay ng plato sa lamesa, pasimple kong tinitigan ang nanay ko. Bahagya siyang tumaba, magulo ang pagkakaipit ng buhok, nakasuot ng lumang daster at walang kahit na anong kolorete. Maganda pa rin ang nanay ko kahit singkuwenta'y singko na siya; kulang lang sa ayos.
"Tapos ka na bang maghain? Tawagin mo na ang tatay mo."
"Opo."
Mabigat ang mga paa ko, parang ayokong lumapit sa aking ama. Makita ko pa lang ang mukha niya, gusto ko na siyang sumbatan. Bakit kailangan pa niyang mambabae? Nandito si Nanay, totoong nagmamahal at nag-aalaga sa kanya. Bakit hindi niya magawang makuntento?
"Kakain na." Anunsyo ko sa harap ni Tatay at ng mga kaibigan niya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, umalis na ko kaagad.
Umupo ako sa harap ng hapag. Kasunod ko si Kuya Tommy, ang panganay, mas matanda siya sa 'kin ng apat na taon. Sumalo na rin sa lamesa sila nanay at tatay.
"Anak, pakiabot nga ang bandehado ng kanin," utos ni Nanay.
Kinuha ko ang malaking plato at ibinigay sa kanya. Gamit ang kutsara, pinaglagay pa ni Nanay ng kanin si tatay sa plato nito. Pati ang tubig na iinumin nito, si Nanay pa ang nagsalin.
Binilisan ko ang pagkain. Ayoko nang makita pa ang pagiging ulirang asawa ni Nanay. Lalong nadadagdagan ang inis ko kay Tatay. Ayoko naman sabihin sa aking ina dahil pihadong masasaktan lang siya.
BINABASA MO ANG
Confessions of a Mistress (SPG)
General FictionAng kuwentong ito ay hango sa totoong pangyayari sa buhay ng isang kaibigan. Iniba ko ang mga pangalan ng karakter at lugar upang mapangalagaan ang kanilang pagkakakilanlan. Sana'y may matutunan kayo sa kanyang kuwento.