Chapter 2

3.3K 49 0
                                    

      Humiga ako. Nag-log out na ako sa uzzap. Inilagay ko na lang ang cellphone ko sa tabi ng unan ko. Ang tagal mag-reply ni Roy, baka busy siya. Unti-unting bumigat ang mga mata ko hanggang sa makaidlip na ko. Niyakap ko ang isa kong unan.


* * * *


      "Sam! Gabi na, kakain na tayo ng hapunan." Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin. Boses ni Nanay ang tumatawag.


      "Opo. Lalabas na ko." Pupungas-pungas pa ko habang tumayo. Kinuha ko ang ipit ko at nag-messy bun. Tamad kasi akong magsuklay kapag nasa bahay.


      Inayos ko ang suot ko at nagtanggal ng muta. Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa kusina. Nakaupo na ang lahat. Adobong manok ang ulam na nakahain. Si kuya Tommy, kumakain na kahit wala pa ako.


      "May sakit ka ba anak? Maghapon ka kasing nasa loob ng kuwarto mo," nag-aalalang tanong ni Tatay.


      "Okay lang ako." Nagtinginan kami ni Nanay. Hindi kami nagsalita ngunit nagkakaintindihan kami. Ayaw niyang magsalita ako nang hindi maganda.


      "Kumain ka na, Sam. Nagawa mo na ba ang mga projects mo?" tanong ni Nanay.


      "Opo. Kahapon pa."


      "Okay, sige. Ayusin mo na mamaya ang mga damit na iniuwi mo rito no'ng Biyernes. Na-plantsa ko na ang mga uniporme po."


      "Sige po. Salamat 'Nay."


      Nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo. Civil engineering ang kurso ko. Ipinagmamalaki ako ng mga magulang ko dahil dito. Matalino raw ako at ako ang mag-aahon sa kanila sa hirap. Iyon naman talaga ang pangarap ko. Madalas lang akong nawawalan ng gana dahil sa problema sa pamilya, problema sa pagiging babaero ni Tatay.


      Wala akong gana kaya naman kaunti lang ang kinain ko. Kaagad din akong nagpaalam sa kanila. Naiinis pa rin talaga ako. Parang gusto kong sugurin ang babae ni Tatay at ipanglampaso sa sahig ang mukha nito.


      Pumasok na lang ako sa kuwarto ko at muling nagbukas ng applications. Marami akong kaibigan sa Uzzap at Facebook. Minsan, pakiramdam ko, sa online world lang ako nagiging totoo sa sarili ko. Doon ko lang nasasabi ang mga iniisip at nararamdaman ko; maraming nakikisimpatiya sa akin, hindi ko lang alam kung totoo ba ang ipinapakita nila o hindi.


        "Shit! May assignment nga pala kami sa GESM," palatak ko.


      Bumangon ako sa kama at umupo sa study table ko. Binuksan ko ang notebook ko at sinimulan ang computations. Masakit sa ulo ang mga math problems na ibinigay sa amin. Mabuti na lang at tapos ko na ang plates ko. Ito na lang ang kailangan kong tapusin.


      Sa sobrang tagal, inabot ako ng ilang oras. Isang buong bond paper ang kailangan para sa isang problem. Sampu ang ibinigay at napakahirap. Nagkalat ang scratch paper sa lamesa ko, magulo ang buhok ko at madiin na ang pagpindot sa scientific calculator; naii-stress na ko sa ginagawa ko.


      "Malapit na palang mag-alas-tres ng hapon. Maliligo na ko. Ayokong maghintay si Roy sa apartment namin." Sa wakas, natapos din ang ginagawa ko. Inayos ko ang mga iyon sa aking bag at kumuha na ng tuwalya.


      "Anak, ang aga mo naman yata maligo," sambit ni Nanay habang naghuhugas ng pinggan sa lababo.


      "Hinihintay na raw po nila ako roon sa apartment. Mas maganda raw po kung magsisimula kami nang maaga."


Confessions of a Mistress (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon