(A/N: Hello guys! Salamat sa pagsuporta sa kuwentong ito kahit matagal akong hindi nakapag-update. Please, support me and my stories hanggang sa huli. Maraming salamat po. ^_____^ )
"Anong nangyari bunso? Puwede monv ikuwento sa akin," reply ni Kuya Ian.
Hindi ko alam pero malaki ang tiwala ko sa kanya. Siguro dahil pakiramdam ko, kahit anong sabihin ko, maiintindihan niya ko. Hindi niya ko huhusgahan. Papayuhan niya ko na para bang tunay kong kapatid. Muli akong nagtipa ng mga letra at ikinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari. Kung paano kami nagkakilala ni Roy, anong nangyari noon at kung paano kami nagkahiwalay...
"Naiintindihan ko. Siguro naman, may natutunan ka sa relasyon na iyon," muli niyang reply.
"Of course. Ayoko na. Ayoko nang makipagrelasyon muna."
"Good. Mag-aral ka muna nang mabuti. Sige, matutulog na ko. Matulog ka na rin bunso. Goodnight."
Ngumiti ako at ibinaba ang cellphone sa tabi ng unan ko matapos kong mabasa ang huli niyang text. Ganoon pala ang pakiramdam kapag alam mong may taong handang intindihin ang pinagdadaanan mo.
Pagkatapos noon, nasanay na kong palaging ka-text si Kuya Ian. Hindi naman niya itinago ang kanyang nakaraan sa akin. Aminado siyang babaero noon. Ang sabi niya, naiintindihan niya kung bakit selosa ang dating asawa. Sa ilang taon nilang magkasintahan bago nag-asawa, ilang beses din silang sinubukan ng tukso. Iyon nga lang, dumating sa punto na mas pinaniniwalaan ng asawa niya ng mga tsismis kaysa sa kanya hanggang sa naghiwalay sila.
Sa dami ng projects at plates na kailangan kong gawin, normal na sa akin ang matulong ng hatinggabi o alas-dos ng madaling araw. Kahit kasama ko ang mga kaibigan at kaklase ko sa pagpupuyat, masaya ako na nakaka-text ko si Kuya Ian tuwing gabi.
* * * *
BINABASA MO ANG
Confessions of a Mistress (SPG)
Ficción GeneralAng kuwentong ito ay hango sa totoong pangyayari sa buhay ng isang kaibigan. Iniba ko ang mga pangalan ng karakter at lugar upang mapangalagaan ang kanilang pagkakakilanlan. Sana'y may matutunan kayo sa kanyang kuwento.