"Taylor, alam mo kung nakakatunaw lang tumitig, kanina ka pa lusaw diyan." bulong sa akin ng kaklase kong si Selena. Nandito kami ngayon sa library at kasalukuyang nagrereview para sa quiz namin mamaya.
"huh? Anong pinagsasabi mo diyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Tumingin ka sa table na kaharap natin. Pero wag kang magpapahalata ah."
Ginawa ko nga ang sinabi niya. Unti-unti akong tumingin sa kung ano mang nasa harapan ng table namin. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa table sa harapan namin. Wala naman akong napansing kakaiba. Katulad ng ibang estudyante ay mukhang nag-aaral lang din siya.
Binulungan ko si Selena, "Babae, wala namang kakaiba ah. Yung lalaking nag-aaral lang yung nakita ko."
"Napansin ko kasi kanina pa siya tingin ng tingin sa'yo"
"Oh? Ano namang problema kung tingin siya ng tingin sa akin? Baka nagagandahan lang siya sa akin. Tsaka di naman siya mukhang adik or manyak ah. Ang gwapo niya nga ehh."
Totoo naman eh. Gwapo naman talaga siya. He have this long curly brown hair and deep, glistening green eyes. Tapos yung lips niya, ang pinkish at kahit nakaupo siya ay mapapansin mong matangkad siya at matipuno ang katawan.
Habang tinitingnan ko siya ay biglang nagtaas ang kanyang tingin at nakita niya akong nakatitig sa kanya.
Shocks. Nakakahiya. Nakita niya akong sumusulyap sa kanya. Baka isipin niya na crush ko siya.
His thin lips started to curved into a smile. shemz! Ang gwapo niya talaga. Pati ako rin nadala sa ngiti niyang iyon at sinuklian iyon ng isang sweet smile. Ahhhhhh! Kung totoo man yung sinabi ni Selena na kanina pa ako tinititigan ng hot guy na ito. Ok na ok lang sa akin noh.
"Hoy Taylor!"
"Eh?" hindi ko napansin na nagsasalita pala si Selena.
Nakita kong tumayo yung lalaki at pumunta ng bookshelf. May kukunin siguro itong libro.
"Ang sabi ko hindi mo ba kilala yung lalaki sa katapat na table namin'"
"Hindi eh... Sino ba siya?"
"Hindi mo talaga siya kilala? As in never mo siyang nakita or narinig man lang?"
"Hindi nga. Actually ngayon ko lang siya nakita dito sa university."
Nakatingin pa rin ako ng palihim sa lalaki. Hindi ko pinapahalata kay Sel. Nagsusulat ako, nakikipag-usap kay Sel at tumitingin-tingin pa rin ng palihim sa lalaki.
"Seryoso ka Tay? Sa halos apat na taon mong pag-aaral sa campus na 'to, hindi mo man lang siya nakilala?" nagtatakang tanong sa akin ni Sel.
Sa apat na taong pag-aaral sa college ay wala akong inatupag. Wala akong social life lalo na lovelife. Gusto ko lang kasing magfocus sa study ko. Ayoko ng distraction. Si Selena nga lang ang tangin naging ka-close ko sa mga blockmates namin. Marami din nanliligaw sa akin pero lahat sila binasted ko. Hindi naman sa tibo or man hater ako. Ayoko lang talagang may makasagabal sa pag-aaral ko.
Pero ngayon, simula ng ngitian ako ni Mr. Hot Guy, sa tingin ko handa na ako main-love ulit. Ilang buwan na lang naman at gagraduate na ako. Tsaka hanggang crush/infantuation lang naman. Pampa-inspire lang ba.
"Oo ngayon ko lang siya nakita. Ikaw ba kilala mo siya?"
"Siya si Harry Styles. Isa siyang heartthrob dito sa campus. Karamihan sa mga babae at binabae ay patay na patay sa kanya. Sabi kasi nila he's perfect. Gwapo at sexy, matalino, mabait, talented at tagapagmana pa ng isang mataguyod na kompanya."
Well, hindi naman ako magtataka kung maging campus heartthrob. Sa mga sinasabi ni Sel, mukhang kahit sino ay maaaring mahulog ang loob dito.
"Hindi siya yung mayabang at suplado na tao. Napakahumble niya. Kahit na nasa kanya na ang lahat at napakaraming nagkakagusto sa kanya, never niyang ipinagmalaki at pinamayabang yun."
Wow... ang bait naman pala niya. Lalo tuloy akong napapahanga sa kanya. Bakit ba ngayon ko lang siya nakita. Bakit ba ginawa kong bulag at bingi ang sarili ko sa loob ng apat na taon.
"Pero sa dami ng nakagusto at nagtapat ng damdamin sa kanya. Wala ni isa mang nagtagumpay para mahalin din sila ng isang Harry Styles."
"Bakit walang nagtagumpay?" tanong ko.
"Sa twing may nagtatapat kasi sa kanya, ang lagi niyang sinasabi ay mayroon na daw siyang minamahal at sa kanya lang niya tanging ibibigay ang puso niya." nakita kong lumungkot ang itsura ni Selena.
Bakit pakiramdam ko kilalang-kilala niya si Harry?
"Siguro nagtataka ka kung bakit ang dami kong alam tungkol sa kanya." Takte. Mind reader ata to si Sel.
"Ang totoo niyan, isa ako sa mga babaeng nagkagusto sa kanya." And that's my cue para mapatingin ako sa kanya.
Napatawa siya ng bahagya. "Alam mo bang sobrang na head over heels ako sa kanya. I even stalked him. Then, one day, I haved that chance to admit my feeling for him
. Nakakatawa talaga yung mga pinaggagawa ko noon. Sobrang kabado ako nun. Nagpatulong pa akong magbake ng cookies sa yaya ko kahit wala akong kaalam-alam kung paano..." she paused for a while at bumuntong huminga. Nakita kong napatingin din siya sa gawi ni Harry na tila naghahanap pa rin ng libro.
Yung lungkot sa mata niya kanina ay napalitan ng kasiyahan. "Just like the others, he also rejected me but not in the harsh way. Mag-isa lang siya noon. Nakaupo siya sa isang bench sa likod ng building natin. Dahil nga sa stalker niya ako, alam kong every 4 pm, tumatambay siya doon. Nilapitan ko siya. Nanginginig nga yung tuhod ko habang papalapit ng papalapit ako sa kanya. Nung nakalapit ako sa kanya, naramdam niya siguro ang presence ko kaya napatingin siya sa akin. Nginitian niya ako. Pakiramdam ko nagkaroon ng tambol sa dibdib ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko..."
"Tumayo siya sa pagkakaupo niya at humarap sa akin. Inabot ko sa kanya yung binake ko na cookies, nagpakilala ako at sinabi ko na gusto ko siya, na mahal ko siya. Nginitian nya ako at tinanggap yung mga cookies. Tulad ng inaasahan ko, nireject niya ako. Oo nalungkot ako pero konti lang. Masyado kasi akong naantig sa sinabi nya. Hindi ko alam na may ganun klase pa pala sa panahong to." Paghahayag ni Selena.
"Bakit ano bang sinabi nya sayo?" Tanong ko.
"Sabi niya, hindi nya kayang tagapin yung feelings ko kasi ayaw nyang makasakit ng damdamin. Inamin nyang may mahal na siya iba. Apat na taon na daw syang naghihintay na pansinin sya ng mahal nya pero hanggang ngayon daw parang invisible parin sya sa paningin nito. Pero di raw sya susuko. Maghihintay daw sya kahit abutin daw ng forever. Ako naman daw makakahanap daw ako ng lalaking magmamahal sa akin." Parang kinikilig pa sya habang sinasabi yun.
So... In love na pala sa iba si Mr. Hot Guy. Sayang naman.
"Then, the next week after that nalaman ko na kung sino yung babaeng mahal niya."
"Walang iba kundi si Kendall Jenner." dagdag pa niya
Napakunot ang noo ko? Sino yun? Bakit parang pamilyar sakin yung pangalan?
Nahalata ata ni Sel na di ko rin yun kilala.
"Siya lang naman ang nag-iisang reyna sa campus na 'to. Mayaman, maganda, kinahuhumalingan ng lahat. Actually best friend sila ni Harry since bata pa sila. Kaya di na rin nagtaka kaming humahanga kay Harry na sila rin pala magkakatuluyan. They are really perfect for each other." She said dreamily.
So taken na pala siya. Maybe I should stuck with my plan since Day 1 I stepped in this university.
To graduate with flying colors and to not cross any man with a potential to break my heart.
~ * ~
Hi Guys! It's my first time to write a story here in Wattpad/in my whole life. So expect to see many grammatical errors and what so ever.
Sa mga Haylor fan diyan! Hellooooo there! Abangers tayo sa November 10. Release ng Reputation album ni Tay. Soo excited here. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/6259644-288-k914042.jpg)
BINABASA MO ANG
HIS GIRL AT HOME
FanfictionWhat will you do if you fell in love to man who already have a girl at his home? Will you stay in love or toss the feeling away?