Nagmadali si Gee-ann papunta sa locker room, nakasalubungan niya ang mga ka schoolmates niya kaya hindi nya maiwasan na ngitian ang mga ito at mag sabi ng "hi" nasanay na siya pero sa totoong nararamdaman niya gusto niya na talagang hindi maging popular sa campus. Wala naman na siyang magagawa dahil gusto niya talaga maglaro ng kinawiwilihan niya. Napahinto na siya sa tapat ng locker niya agad niya itong binuksan,kinuha ang maliit na bag na may lamang pampaganda. Ipinahid niya sa buong mukha ang face powder, naglagay ng lipstick,nag blush-on at itinago ang dalawang libro na dala niya at isinara ang locker at umalis. Tumingin siya sa orasan na nasa kisame, nanlaki ang dalawang mata niya at nagmamadaling umakyat ng hagdan. Nahihirapan na siya dahil sa suot niyang sapatos dahil mataas ang takong nito. At nang makarating ng room, inayos ang buhok, nagbuntong hininga siya bago niya buksan ang pinto at saka pumasok.
"Oh! Ms.Gee-ann your early for your next class." Asar ng teacher nila.
"Im sorry sir" nakatingin lamang siya sa sahig dahil nahihiya ito sa pagka distract sa klase.
Nang makita nyang sumenyas ang teacher nila nagmadali itong tumabi malapit sa inuupuan ni mio at umupo.
"Ang aga mo naman?" Asar ng boyfriend niya.
"Obviously?" Pagkapikon ni Gee-ann narinig niya na tumawa ng mahina si mio.
Mukhang naiirita na si Gee-ann kayat nag umpisa na siyang baguhin ang mood."So! Ano nang sinasabi ni sir?"
"about the camping" halata sa mukha ni mio ang pagkabagot hindi siya interisado sa magiging activity ng school nila.
"Really?!! Kwento mo naman babe! Please please" excited naman si Gee-ann para dito."Haaayss, later na lang ah, makinig muna tayo babe" Tumango na lang si Gee-ann kay mio kahit mukhang bagot na bagot si mio tungkol dito.
Makalipas ng ilang oras ay tumunog na ang bell at nagsitayuan na ang mga estudyante at lumabas na sa kanilang room maliban sa magbabarkada.
Tumayo sa kinauupuan si jhel at lumapit sa dalawa."Uy best! Sasama ka ba sa camping?"
"ikaw muna jhel?" Balik na tanong ni Gee-ann
"ikaw nga itong tinatanong ko ee! Talaga to!" Natawa silang dalawa.
"Of course, required daw hindi ba?" Tanong ni Gee-ann sa kanilang tatlo nakapamewang pa ito.
"Yes, sana maging masaya noh pre?" Siniko niya sa gilid si mio para makakuha ng sagot.
"oo na lang, basta babe magkasama tayo sa tent ah!" Kinindatan niya ang nobya.
"Loko ka mio! Hiwalay ang boys sa girls ikaw ah! May binabalak ka!" Banta ni Gee-ann sa kanya.
"Uyyy babe ang green mo! What i mean takot kasi ako sa madilim" ngumisi pa si mio.
"Ano ba yan pare! Lalake ka ba talga? Dilim lang takot ka na?" Asar ni Bj sa kanya.
"Ikaw pare! Naasar nako ah!" Tumayo si mio sa kinauupuan niya at maangas na tinitignan si bj.
"Asar ka na niyan pre?" Ilang segundo bago si mio sumagot
"hindi ah! Syempre wala lang yun!" Sabay tapik sa kamay ni bj.
"Oh sya sya! mabuti pa umalis na tayo dito kasi kumukulo na sikmura ko" inaaya na sila ni jhel.
Naglakad na sila papunta sa canteen, pumila na si Gee-ann at mio habang ang dalawa ay naiwan na naka upo.Habang nag hihintay, naglabas si jhel ng isang libro at notebook para sa college algebra gumagawa ito ng assignment.
"Jhel.. matalino ka na baka sumobra naman" biro ni bj sa kanya.
Naka focus lang si jhel sa binabasa hindi siya ito pinansin, ngumiti lamang siya,
Naghahanap siya ng tsempo na makausap si jhel."Uhmmm jhel sasama ka ba sa camping?" Natigil sa pagsusulat si jhel, mukhang nadistorbo nya ito.
"Hindi pa sure eh ikaw?"
"Sure na ako! Kasama naman ang dalawa eh."
Nahinto ang usapan ng mapalingon si jhel sa likuran ni bj, nakita niya si kerby na may kaakbay na babae.
Napunta ang atensyon ni bj sa tinitignan ni jhel nanlaki ang mata niya sa nakita niya papalapit ito sa pwesto nila."Kerby?"
"Heyy jhel! O kasama mo pala si bj hmm jhel i want you to meet tricia my new girl." Mayabang na pinakilala niya sa harap ni jhel.
Tumayo sa kinauupuan si Bj at bigla niyang sinuntok sa pisngi si kerby naging agaw pansin sa loob ng canteen ang pangyayare. Tumakbo ng mabilis si mio para awatin si bj dahil nagrarambulan na ang dalawa, walang nagawa si jhel hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya, hinatak siya ni Gee ann papalayo at sinabunutan niya si tricia.
"Ang landi mo!!! Itatak mo to sa utak mo ang lahat ng sasabihin ko sayo! Huwag na huwag niyong pagseselosin si jhel! At hindi kana nahiya kay Bj na ex boyfriend mo?!"
Nasasaktan na si tricia sa pagkakahawak niya sa buhok niya hindi ito makapalag kay Gee-ann."Tama na pare! Ikaw kerby alis na bago pa ako ang sumapak sayo!" Tumayo si bj gayun din si kerby at madali itong naglakad kasama ni tricia na parang walang ngyare.
Nagkita ang anim sa guidance office mga ilang minuto lang ay lumabas na sila."Paano ko sasabihin kila mommy itong nangyari? Lagot ako dun" nag aalala si jhel.
"Dont worry lahat naman tayo nadamay ee, all we can do is sabihin natin ang totoo at maayos naman na rin tayo" paliwanag ni Gee-ann sa best friend niya.
Pauwi na silang lahat dahil tapos na ang klase naiwan si jhel Naglakad lakad siya hanggang nakahanap ng mauupuan, umupo siya at hindi niya na napigilan ang emosyon niya inilagay niya ang dalawang kamay niya sa mukha naalala niya ang ginawa kanina ni kerby ang bilis kasing makahanap ng kapalit niya.
Napansin ni bj na si jhel ang nakikita sa dako kayat nilapitan niya ito. Inabutan niya ito ng panyo"jhel...wag ka ng umiyak nasaktan ka, nasaktan din ako parehas lang tayong naloko."
"Bakit kayo nag break ni tricia?"
"Ginawa niya lang akong panakip butas, si kerby pala ang gusto niya""Grabe silang dalawa! Ako dinala niya ko sa isang bar kasama ng mga barkada niya,napilitan lang naman tlga ako nun hanggang malasing siya at kung anu ano ang mga pinagsasabi sa akin. Muntik na niya akong pagsamantalahan" halatang may phobia na ito sa nangyare.
"Hayop din pala yang ex boyfriend mo ano?" Kumukuyom ang palad ni bj sa galit.
Nagbago ang mukha ni bj, ngumiti na ito."Hayaan muna jhel, lets move on! talagang hindi sila ang tinadhana para sa atin isa lamang sila sa parte ng buhay natin." Inakbayan niya si jhel, napataka tuloy ang dalaga.
"Teka teka lumayo ka nga sa akin. Baka mamaya dinidiskartehan mo lang ako!"
"What do you mean?? Jhel... baka mamaya mahulog ka sa akin ah may mga bagay kang hindi na sasabi pero nararamdaman ko"
"So kapal! Never EVER!" At nagmadaling umalis si jhel palayo sa kanya.
Tumatawa si bj na naiwan.
Paano kaya kung one time nangyari iyon? Okay naman si jhel mabait, matalino simple lang.
BINABASA MO ANG
Exchange Of Hearts
RomanceI'm jhelani, What is the feeling of being love? Love that lasts? Love that can change one's life? I'm Gee-Ann, Love? Is that someone who will give 100% of your faithfulness? Even you did not guaranteed it at all? I'm Mio, I've been inlove with one p...