Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na si Bj dala-dala niya ang sanga ng bayabas, hinugasan muna ito sa dagat at itinapon ang tangkay, inilagay niya ito sa pinunit na damit at idinampi sa binti ni Gee-ann, halata sa mukha niya ang sakit at kirot sa pagkakalagay ng dahon sa binti niya.
"Tiisin mo lang Gee-ann, heto at bubuhulin ko na" napakagat sa labi si Gee-ann sa sakit, pinagpapawisan siya.
"Okay ka lang ba?"
Nag thumbs up si Gee-ann sa kanya at ngumiti."Kaya mo na bang lumakad?"
"yes!" Tumayo siya ng dahan dahan ngunit natutumba pa ito sa kinatatayuan, inilalayan naman siya ni Bj.
"Hindi mo pa kaya, dito ka na lang muna at maghahanap ako ng mga kahoy na pwedeng ipang gatong.
"No! I want to be with you on your side" napahinto si Bj sa kinatatayuan at nilingon si Gee-ann.
"Ohhh sige! Halika na!" Umangkas sa kanyang likod si Gee-ann.
Mio POV
Minulat ko ng mabagal ang mga mata ko at marahan akong umupo nakakaramdam ako ng kakaiba. Hinawakan ko ang ulo ko at nakapa ko na may bendang nakapulot dito at medyo kumikirot ang ulo ko, nakita ko ang anino ko sa buhangin napalingon na lamang ako sa araw dahil itoy palubog na. napansin ko si jhel, likod lamang niya ang nakikita ko nakatayo lamang siya sa dalampasigan habang hinihipan ng hangin ang kanyang mga buhok. Lumapit ako sa kanya ngunit habang unti unti akong napapalapit sa kanya naririnig ko ang kanyang hikbi. Bakit kaya siya umiiyak? At parang sobrang bigat ng nararamdaman niya? Inakbayan ko siya.
"Jhelani, bakit ka umiiyak?" Medyo nakangiti pa ako nun para hindi ko siya lalong mapaiyak. Halatang nagulat siya sa ginawa ko, pasimple niya na pinupunasan ang luha gamit ang palad.
"Huh? H..hindi kaya" mabilis niyang nabago ang boses neto para mapagtakpan niya ang sarili niya. Lumakad siya papalayo sa akin, napakamot naman ako ng ulo.
"Jhel! Magtatakip silim na! Wala pa tayong nagagawang apoy... mabuti pa maghanap na tayo, uyy jhel! Bumalik ka nga!" Huminto si jhel at bumalik sa harapan ko, nanlilisik ang kanyang mga mata at nakakuyom ang mga palad nito.
"hoy mio! Nakakainis ka, nakakainis ka na!" Dinuro duro niya ako nakatingkayad pa siya para magkasingtaas kaming dalawa, naguguluhan ako sa pinagsasabi niya.
"T...teka, bat ka ba nagagalit sa akin? Ano bang publema?
"ikaw ang publema ko! Ni hindi ka marunong magpasalamat sa lahat lahat ng ginawa ko tapos akala mo kung sino ka para pasunurin ako?!" Ang lakas ng boses niya pero sobrang nasaktan ako sa way ng pagsusumbat niya sa akin, napakunot ako ng noo.
"Alright! Yun lang ba jhel? Thank you so much for everything you have done for me" bawat salita ay madiin kong ibinulong sa kanya. Mukhang galit na galit na siya sa akin dahil namumula na ang mukha nito kulang na lang ay sumabog na siya.
"Pwes! Gusto mong walang pakeelamanan? Oh sige bahala ka dyan!!! I dont care! Kaya mo naman yatang mamuhay ng mag isa sa islang ito hindi ba?!!! FINE!"
"okay!" Nainis na rin ako sa pagkamoody netong babae! Naglakad ako sa kabila, at naghanap ng mga pwedeng gawing improvise na masisilungan. Nakahanap ako ng naglaglagang sanga ng buko pinagsamasama ko ito at itinali sa sanga ng buko ng matapos nako nakahanap ako ng dalawang kawayan pinagkiskis ko ang dalawa hanggang sa uminit, pasalamat talaga ako noong sumali ako sa boy scout noong high school lahat ay hindi ko magagawa kung hindi sa amin ito itinuro. Napansin ko si jhel sa hindi kalayuan, hindi ko mapigilang tumawa dahil sa nakita ko, hawak hawak kasi ni jhel ang isang dahon ng saging patong niya ito sa ulo, ngunit marami siyang prutas na napitas heto nanaman po siya nakakunit ang noo.
BINABASA MO ANG
Exchange Of Hearts
RomanceI'm jhelani, What is the feeling of being love? Love that lasts? Love that can change one's life? I'm Gee-Ann, Love? Is that someone who will give 100% of your faithfulness? Even you did not guaranteed it at all? I'm Mio, I've been inlove with one p...