Invigorate

2 0 0
                                    

Gee ann pov

"All preparations are done! Excited na ako mamaya triz!" Napatalon ako sa tuwa.

"Kaloka ka! Huminahon ka nga mag eenjoy tayo tonight! Whooo! Party party!!! haysss best, Im so happy for you" niyakap niya ako at halata sa mata niya na pinipigilan niya ang kanyang luha.

"Ikaw ang huminahon, yan namumula na ang mata mo hahaha wala pa tayo niyan sa simbahan ah"

"Natutuwa lang ako, ano ka ba. Dahil your stepping to another chapter of your life." Hinawakan niya ang mukha ko.

"Haysss! Ang aga pa para sa ganitong moment tsk! Coffee?" Tumango siya.

Dumeretso kami sa coffee shop.

"Triz, I have something to ask" malalim ang iniisip ko, inaalala ko ang nangyari sa akin sa bar at kung ano ang pinaguusapan namin that time.

"Ano yun bes?"

"Diba ikaw ang nakasama ko sa bar nun?"

"Let me clarify you, hindi mo ko kasama sa bar that time mag isa ka lang nun, iba ang kasama ko nagkita lang tayo sa bar nun lasing na lasing ka nun girl"

"Okay... ano ang mga pinag usapan naten?"

"Rt?" (Real Talk)

"Rt"

"About your ex" nag bago ang expression ng mukha ko, totoo?

"Really?" Tumango siya.

"Anong mga sinabi ko?"

"Inaaway mo nga ako e, nag lecture lang ako sayo nun na dapat putulin mo na ang connection mo sa kanya" napakunot ako ng kilay sa kanya.

"What? Bakit?"

"Tsk tsk, bakit bakit ka jan? Nagpapakatanga ka bess, ikakasal ka na nag bibigay ka pa ng space kay mio"

"None sense"

"Tawag dun stupid" minamalditahan mo ko?

"Its none sense triz! Hindi mo alam ang nararamdaman ko"

"Just like what I said before, your getting in big trouble kapag pinagsiksikan mo pa ang sarili mo sa kanya"

Jhel pov

Dahil sunday, naisip ng family ko na magkaroon ng simple gatherings para may time pa kami na makapag bonding dahil si mommy at daddy ay busy sa work, at si mishaine naman ay nasa school from monday to friday. Kaya sunday na lang ang available time namin para kami ay makapag bonding. Nasa back door lang kami ng bahay at may maliit na pool kami doon.

Habang abala sila sa ginagawa, Si dad na nag iihaw ng pork, si mom ay kasama ni mishaine sa paglangoy sa pool ako naman ay naka upo lang sa picnic table at nakaharap sa laptop. Binabasa ko ang reply sa akin ng UC tungkol sa aking paglipat. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala. Habang papalapit ng papalapit ang araw ng aking pag alis sa Pinas, naghahalo ang saya at lungkot sa aking nararamdaman, saya dahil isa sa mga pangarap ko ay nagkakatotoo na. Lungkot, dahil maiiwan ko ang mga minamahal ko sa buhay. Lalo na si mio.

"HUYYY!" Nagulat ako sa talsik ng tubig na galing sa pool.

"Mommy naman e! Ang laptop ko mababasa"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo, anu ba yan jhel?"

"Wala po..."

"Kahit hindi mo sabihin sa akin, nararamdaman ko kung anu yan anak. Jhel, don't worry maayos kami na maiiwan mo dito pwera na lang sa isa mong maiiwan." Now I know kung sino ang pinopoint out niya.

Exchange Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon