Inuman at sayawan. Walang ibang inatupag si Anna sa buong gabi kundi ito. Matagumpay na natapos ang performance nila at dahil nagustuhan iyon ng boss nila, lahat daw ng kainin nila at inumin sa gabing ito ay sagot nito.
Sumasayaw si Anna sa malakas at mabilis na alindog ng musika. Halos dumikit-dikit na sa mukha nya ang mga buhok nang dahil sa pawis. Kembot sa kaliwa, kembot sa kanan sabay wagwag ng dalawang kamay sa hangin na may hawak na bote ng alak. Lahat ng tao na nakakakita sa kanya ay nagugulat pero hindi pinapansin ni Anna ito at ipinagpapatuloy lang ang saya. Kung makasayaw sya ay akala mo wala ng bukas. Kung makainom sya ay akala mo ito na ang huling pagkakataon na makakainom sya.
"Inom tayo! Cheers! Woooh!!!" sigaw nya kasama sina Toby at ang iba pa na ipinakilala nito na mga kaibigan daw nya. Sya lang ang nag-iisang babae rito sa grupo nila. But who cares? Gagawin nya kung anong gusto nya at walang makakapigil sa kanya.
Palalim na ng palalim ang gabi hanggang sa tuluyang naging mas wild ang lahat dahil sa impluwensya ng alak. Isa na roon si Anna na syang pasimuno. Sa masayang tugtog ng musika ay nakisabay sya. Tumayo pa sya sa may mesa hinawakan ang bote ng alak na akala mo isang gitara. Doon sya nag-ala-Rock n' Roll. Ang mga tao ay grabe ang tawanan. Tuwang-tuwa sila sa kabaliwan nya at gustong-gusto naman ni Anna ang atensyon.
Di kalayuan ay kanina pa sya pinagmamasdan ng isang lalaki na marahang sumisimsim ng alak sa may gilid. May dumaan na isang waiter sa harap nito. Tinawag nya ito.
"Kilala mo ba yung babaeng yun?" itinuro nya si Anna na tumatalon-talon na ngayon sa may mesa. Hindi na sya nag-iisa ngayon dahil kasama na si Toby at ang iba pang nakikisabay sa kalokohan nila.
"O, yun po bang babaeng may red highlight sa buhok? Hindi po eh. Ngayon ko nga lang po sya nakita rito, sir."
"Ganun ba?"
"Huwag nyong sabihing interesado kayo sa kanya sir Joshua? Naku wag po yan, mukhang may tililing na eh. Masyadong wild. Parang hindi babae."
"Wild? Hmm. But I like wild." Mahinang natawa ang lalaking tinawag ng waiter bilang Joshua. Nakapangalumbaba nitong pinagmasdan si Anna.
Sumuko na si Anna sa kakasayaw. Kanina pa sya tawa ng tawa dahil sinabing joke sa kanya ni Toby kanina. Nakaupo na sya sa may couch ngayon at talaga namang hingal na hingal sya. Tatayo na sana sya para kumuha ng maiinom noong may taong huminto sa harap nya. Iniangat ni Anna ang mga mata.
"Want some drink?"
Pinagmasdan lang ni Anna ang mukha ng lalaki, ni hindi nya inabalang tingnan ang inumin na inaabot sa kanya. Napakaamo ng mukha nito, katamtaman ang pangangatawan at mukha namang disente. Ano naman kayang kailangan ng lalaking ito sa kanya?
"Hey, are you still there?" Natatawa nitong iwinagwag ng konti ang kamay sa harap ni Anna.
Sumagot sya. "Para sa akin ba iyan?" tukoy ni Anna sa dala nitong inumin. Sa isang simpleng tango ay walang pagdadalawang isip na kinuha ni Anna ang inumin sabay lagok.
Naiwan ang lalaki roon na nagulat ng konti dahil sa inasal nya.
"You know, dapat hindi ka umiinom basta-basta ng inumin na ibinibigay sayo ng sino man na hindi mo kakilala."
"Bakit? May pampatulog ba yung binigay mo? May lason? Huwag kang mag-alala, hihintayin ko pa mismo ang epekto nya at masaya na akong mamamatay. Ngayong gabi mismo."
Hindi mapigilan ng lalaki na tumawa na akala mo may nakakatawa sa sinabi ni Anna. Umupo sya roon sa tabi nya sabay lagay ng dalawang kamay sa may batok.
"Maswerte ka at ako ang may-ari nitong bar na ito. I don't want to ruin my reputation."
"O talaga?" hindi naitago ni Anna ang gulat sa mga mata nya.
Ngumisi lang ito sa kanya sabay taas ng isang kamay. "Joshua by the way, anong pangalan mo?"
Aba mabilis ito ah. Tahimik na napasinghal si Anna. Kinuha nya ang kamay nito.
"Anna." at doon nagsimula ang lahat para sa kanila.
Wistfulpromise © 2017-2018
![](https://img.wattpad.com/cover/55320674-288-k472104.jpg)
BINABASA MO ANG
Isandaang Halik (Montealto Brothers #1)
WerewolfFirst Book in Montealto Brothers Series.