Unang Kabanata

821 42 6
                                    

Labimpitong taon na ang lumipas...

Sa harap ng isang salamin ay humarap si Anna. Nakangiti nyang pinagmasdan ang sariling repleksyon. Isa sa mga paboritong kulay ni Anna ay ang kulay itim. Mula sa damit hanggang sa napakakapal nyang eyeliner-- paborito nya rin ang itim nyang buhok na may konting highlights ng kulay pula sa gilid. Inayos ni Anna ang mahabang bangs na tumatakip sa mga mata nya. Sa huling tingin sa salamin ay tumayo na sya ng maayos, kinuha ang gitara sa tabi bago binuksan ang pinto.

Bubuksan na sana nya ang pinto noong napatingin sya sa natutulog na pigura ng isang lalaki sa may kama di kalayuan. Hindi sya nag-abalang magsalita. Hindi na nya inabalang gisingin pa ito.

Huminga sya ng malalim.

This will really be a long day, sa isip nya bago nakangiting sinalubong ang magandang sikat ng araw sa labas.

Napakaraming mga bata ang nagtatakbuhan. Marami sa kanila ay naglalaro ng habulan, tayaan at basketball. Gumulong ang isang bola sa paanan nya. Tinawag sya ng mga bata.

"Ate, ate! Pakipasa naman po yung bola!"

Sandali itong pinagmasdan ni Anna sa paanan nya. Pinulot nya ito.

"Sa inyo ba 'to?" pinakita nya yung bola sa kanila.

"Opo!"

Ngumiti sya sa kanila at pagkatapos inihagis ang bola sa taas. Lahat ng mga bata ay doon nakatingin. Ang saya-saya ng mukha nila. Gayunpaman, naglaho ang lahat ng iyon noong pagkabagsak sa kalagitnaan ng hangin ay malakas na sinipa ni Anna ang bola na akala mo isa itong soccer ball at hindi basketball na bola.

Lumipad ang bola palayo, diretso sa isang bintana ng bahay. Nabasag ito ng napakalakas. Nanlaki ang mata ng mga bata.

"Oops, kasalanan nyo yan." kindat nya sa kanila bago sya tumakbo palayo. Hindi nya matigil ang katatawa lalo na noong narinig nya ang may-ari ng bahay na bumaba at pinagilatan ang mga ito sa kasalanan na sya naman ang may gawa.

Marami rin syang nakasalubong na mga nag-iinuman kahit na ba kay taas ng tirik ng araw. Tinawag sya ng mga ito na sumabay sa kanya. Kinuha nya ang isang baso roon at nakiupo sa isang bakanteng upuan na akala mo sya ang boss. Nilagok nya ang isang baso ng alak sabay tayo rin.

Sa kamay nya ay ang malaking bote ng alak na pinaghahati-hatian ng mga lalaki na inumin. Halos hindi pa nga nababawasan dahil sa sobra nilang pagtitipid na huwag agad maubos. Kaya laking gulat na lamang nila noong sa isang iglap lang ay kukunin ito sa kanila.

"Sa akin na ito ah! Salamat po!"

"H-hoy hoy!! Sa amin yan ibalik mo yan!!"

Nakangiti sumaludo si Anna sa kanila bago muling tumakbo. Ang mga bahay-bahay ay dikit-dikit. Sa isang maliit at masikip na eskinita ay nagkakasya-kasya ang mga dumaraan doon. Hinahabol na sya ng mga lalaking iyon ngayon. Sa mukha nya ay walang bakas ng takot o kahit ano pang ibang emosyon bukod sa tuwa. Nag-eenjoy syang gawin ito-- ang gumawa ng kung anu-anong kalokohan.

Maraming nagsasabing isa syang baliw dahil wala syang pakialam sa kahahantungan ng mga pinaggagagawa nya sa buhay. Marami ring nagsasabi na darating ang araw at darating ang karma nya dahil kung hindi sya naninira ng buhay ng isang tao, tuwang-tuwa naman syang gumawa ng mga katarantaduhan. Walang pakialam si Anna sa lahat ng ito. Sa labimpitong taong pananatili nya sa mundo ay wala pa namang nangyaring masama mula sa mga kalokohan na sya mismo ang may gawa.

Karma. Hindi pa naman sila nagkikita nito. Heck, she has been wishing for that karma to come on her way pero wala pa rin. Isa nga siguro talaga syang masamang damo.

Isandaang Halik (Montealto Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon