Ika-anim na Kabanata

420 43 5
                                    

Ika-anim na Kabanata

Ang selebrasyon ng kaarawan ni Ms. Davy ay nauwi sa kwentuhan, kantahan, at higit sa lahat ay ang inuman. Dala na rin ng pinaghalong lungkot at sisi ay napainom ng marami si Anna.

Sa saliw ng musika, sa gitna ng tila ba entablado kung saan nagsasayawan ang lahat sa ilalim ng pabago-bagong mga liwanag, nagpakalunod si Anna sa alak hanggang sa wala na siyang maramdaman. Gusto ko na lamang niyang kalimutan ang lahat. Gusto na lamang niyang ibaon ang lahat sa limot.

Napuno ng walang hintong halakhak ang mga labi ni Anna. Ang itim na eyeliner niya sa mukha ay tumatagas na sa init at pawis magmula pa kanina. Ngunit tuloy pa rin ang saya. Tuloy pa rin kahit na ba sa loob niya ay wala nang laman ang puso niya.

Taas ng baso na may lamang alak, sigawan, asaran, at tagayan. Magmula alas-nuwebe ng gabi hanggang alas-dos imedya ng madaling araw ay ito ang ginagawa ni Anna kasama na ang ibang mga bisita roon. Si Mang Tonyo ay kanina pa natutulog sa tabi. Samantalang si Toby ay abala rin sa pakikipagsayawan sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Anna walked to the washroom with wobbly feet. Umiikot ang paningin niya dahil sa kalasingan ngunit umiling lamang siya at ipinagsawalang bahala ang lahat.

Sa bawat pader na madaanan ay napapahawak siya rito bilang suporta. Para siyang bulag na nagngangapa sa dilim.

Sa harap ng salamin ay naghilamos si Anna. Nagsuka na rin siya ng ilang beses, pinipilit na ilabas ang lahat ng nainom at nakain. Gayunman, kahit anong gawin niya ay hindi pa rin mawala ang kalasingan na nararamdaman.

Lumabas si Anna patungo sa may hardin upang magpahangin. Hindi siya makapaglakad ng maayos pero ayos lang dahil halos lahat ng tao roon ay nasa parehas na katayuan. Napahapo si Anna sa ulo kasabay ng pagsandal niya nito sa pader. Sa sobrang kalasingan ay tila ba hindi na niya mabuhat ang ulo. Lahat mabigat. Ang ulo niya, katawan, puso, pati na yata kaluluwa.

Kung maaari lang lumutang, maglaho… matagal na niyang ginawa.

Huminga siya ng malalim. Sumandal siya sa pader at papikit-pikit na iniangat ang tingin sa napakalaking bilog na buwan na nagsisilbing liwanag sa hardin na puno ng mga puno ng…

Ilang-ilang? Kunot-noo niyang tanong sa sarili.

Inamoy niya ang halimuyak ng hangin. Hindi nga siya nagkakamali. Parehas na amoy roon sa shop ng Marahuyo na pinuntahan nila bago ang birthday party.

Umiikot man ang paningin at magulo man ang isip ay hindi pa rin mawaglit ni Anna ang sinabi ng ale sa kanya kanina.

Red blood… anong ibig niyang sabihin?

Inilbot ni Anna ang tingin sa paligid dahil pakiramdam niya parang naging tahimik ang hardin na kanina lang ay marami ang nakatambay. Sinilip niya ang oras sa suot relo.

Saktong alas-tres ng madaling araw.

Papasok na sana si Anna sa loob noong bigla siyang nadapa dahil hindi na niya kinayang buhatin ang sarili dahil sa kalasingan. She was so wasted that she could not stop laughing at herself about her horrible kind of lifestyle.

Ginamit ni Anna ang mga kamay upang tulungan ang sarili na tumayo. Sa harap niya ay may humintong isang pares ng paa na may suot na sapatos na kulay abo. Sa sobrang kintab nito ay parang kumikintab-kintab ito sa bawat paghagip ng liwanag dito. Glitters?

“Kailangan mo ng tulong?” Isang nakangiting lalaki ang nag-abot sa kanya ng kamay. Buong suot nito mula sa taas hanggang baba ay nangingintab na kulay abo tulad ng sapatos nito. Hindi alam ni Anna kung namamalikmata lang ba siya o dahil lango lamang sa alak kaya iba ang nakikita niya. Gayunman, sigurado si Anna na may pusang kasama ang lalaki sa tabi niya.

Isandaang Halik (Montealto Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon