>>>>>>>>>>
>>>>>>>
>>>>Julian
"Saan kita ihahatid?" tanong sa akin ni Kiera habang papauwi na kami galing resthouse nila
"Sa bahay nalang ,magbibihis lang ako saglit!"
"Hintayin na kita ,ihahatid kita sa market!" sagot nya sa akin
"Huwag na baka kailangan mo na ding umuwi ,baka hinahanap kana sa inyo ,sa coffeeshop mo!" tugon ko sa kanya
"I insist!" sabay lingon at ngiti sa akin ,may magagawa ba ako
"Okay maam!" sabay hawak sa kamay niya
----------
Dumating na kami sa bahay....
"Pasok ka muna?!"
"Dito nalang ako maghihintay!"
"Okay ,ikaw bahala.. saglit lang ako!" sagot ko sa kanya sabay labas sa sasakyan
Nagmamadali akong nagbihis .. At bumalik na sa sasakyan niya ....
"Ang bilis ah!"
"Uu naman , kakahiya kasi sa driver ko eh!"
"tseee!"
At tinawanan ko nalang siya ... Dumeretso na kami sa palengke ...
"Huwag ka munang papasok sa coffeeshop andun naman si Eula, pahinga ka muna sa bahay nyo!" sabi ko kay Kiera
"Baka ganun na nga ang gagawin ko today! Kasi may business meeting bukas si Daddy isasama nya ako sa meeting at tsaka si Ate.. !"
"So dapat nga lang magpahinga ka today!"
Tumango siya ... Dumating na kami sa palengke...
"Thank you .. Ingat ka sa pag dadrive !" sabay kiss ko sa labi nya at ngumiti siya
"Yes ,mag iingat ako dahil magpapakasal pa tayo!" sumeryuso ang mukha niya
"Haha kasal agad Kiera? Db pwedenga ligawan mo na ako!" asar ko naman sa kanya
"Haha ka rin... assumera!" biro nya sa akin
"Ah assumera pala huh.. bahala ka at bababa na ako!"
Nang lalabas na ako sa sasakyan ,hinawakan nya ang braso ko ..
"Ehh joke nga lang ... Magpaturo muna ako paano manligaw ..!" sumeryuso ang mukha nya ulit at hinila nya ang mukha ko palapit sa mukha nya ay hinalikan nya ang labi ko .. masarap na halik at tinugunan ko naman ito ..
"Sige na umuwi ka na.. deretso na ng bahay huh?!"
"Opo maam!"
Lumabas na ako ng sasakyan ... At agad naman siyang umalis...
Pumasok na ako sa palengke at deretso na sa tindahan namin...
"Sa wakas dumating kana , kumusta ang honeymoon sa macau!" salubong agad ni mica natawa nalang ako kung anong pinagsasabi nya
"Baliw ka talaga bakla ka! anong macau ka dyan!"
"O hindi na macau ,sa paris with love nalang.. oh musta ang honeymoon ,nakabou ba ng kambal?!" patuloy na pagbibiro ni mica
"Ang dumi ng isipan mo talaga!"
"Eh ano ba ang iisipin ko , magkasama kayo buong gabi, ano ang iisipin ko ? nag lalaro kayo ng dota ?!" di pa rin matigil si Mica
"Ewan ko sayo! Akin na nga yong listahan ng mga kakailanganin nating gulay ako na ang bibili !"
"Oh ito!" sabay abot ni Mica sa listahan at agad naman akong umalis ...