>>>>>>>>>>>
>>>>>>>>
>>>>Kiera
Lumabas ako ng kwarto .. Di ako makatulog ,iniisip ko si Julian .. Di pa rin ako makapaniwala sa nangyari ...
Kumuha ako ng wine sa bar at pumunta ng pool ng makita ko si Daddy na nakatayo sa may garden na may hawak hawak na parang check!?
Nilapitan ko siya at bigla kung kinuha ang hawak nyang cheque ..
"Kiera??" nagulat si daddy
"So ito Dad? Ito ang binigay mo kay Julian?! Ito ba Dad?! Please dad tell me ano ang nangyari sa gabi na yon? Ano ang sinabi mo sa kanya Daddy!?"
"Wala ,wala akong sinabi sa kanya!" sagot ni daddy
"Dad hindi ako naniniwala sayo na tinanggap ni Julian ang pera mo , lalo pa ngayon na isa pala siyang presidente ng company.. company mo!"
"Tigilan mo ako kiera , wala akong ibang sinabi!"
"Dad?!" lumabas na ang mga luha ko
At hindi na umimik si Daddy ,pumasok siya ng bahay ..
Kailangan kong makausap si Julian .. Dapat magkaliwanagan kami sa mga nangyayari .. may dapat siyang ipaliwanag sa akin kung bakit hindi nya ako kinausap o nagpaalam man lang bago siya umalis ..
-------------
Nang magising ako kinabukasan agad akong nagshower at nagbihis pagkatapos ...
Pupunta ako ng Monteverde company.. Gusto kong makausap si Julian..
Dumating na ako at agad akong dumeretso sa office ni Julian... Agad akong sinalubong ng secretary niya ..
"Yes maam!?" salubong nya sa akin
"Kailangan kong makausap si Miss Julian Asuncion?!" sambit ko sa kanya
"May appointment po ba kayo sa kanya!" usisa nya sa akin
"Wala ! kailangan ko siyang makausap ngayon!"sagot ko sa kanya
"Okay maam .. hintay lang po muna kayo saglit!"
--------
Lumabas na ang secretary galing sa office niya ..
"Maam pasok na po kayo! Hinihintay ka na nya!" bigla akong kinabahan ..
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ... Pumasok na ako.. Nakita ko si Julian na nakatayo sa may glasswall ,nakatanaw sa labas habang umiinom ng wine..
Pinagmasdan ko siya .. Mas gumaganda siya lalo ngayon ... at Ang sexy niya.. Bagay na bagay nya ang kanyang suot ngayon .. Ang iksi ng skirt nya at naka spagetti lang sya pang itaas .. Nasa upoan naman nakalagay ang suit niya .. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang posisyon sa kompanya ..
"What can i do for you Ms. Monteverde?!" bigla siyang nagsalita habang natalikod pa rin
"Gusto kong malaman ano ang nangyari? Ano ang sinabi sayo ni Daddy!" tanong ko agad sa kanya
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?!" liningon nya ako.. ang titig nyang nakakapanghina.. Namiss ko ang mukha nya .. Yung mukha nya na nakangiti palagi pero kakaiba ang mukha nya ngayon, seryuso siya ,ramdam ko nasasaktan siya ..
"Please julian tell me ... naguguluhan ako .. Alam kung hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Daddy sayo !"
"Hindi ka naman pala naniniwala eh ,bakit nag tatanong ka pa at bakit kailangan kung magpaliwanag sayo ,hindi kita girlfriend ,walang tayo!"