IKA-ANIM NA KABANATA

25 0 0
                                    



Maagang nagising si Alden para maghanda sa weeksery nila ni Divina; alam niyang ngayon may mag kaaway sila ngunit kahit ganun pa man ay naghanada parin siya para sa araw na ito. "Yaya magkita tayo mamayang 11:30, sa dating lugar.... Happy Weeksery :): " text ni Alden kay Divina ngunit dumaan ang mga oras ay hindi nakatanggap di Alden ni isang reply mula kay Divina.

Habang sa mansyon naman ay makikitang nag aayos ng papeles si Yaya Dub kasama ang kanyang Lola Nidora

"Divina! sigurado ka na ba diyan?"

"Opo... siguradong sigurado na po"

"hayy... dati nag aral ka ng culinary arts ngayon naman business management naman"

"lola maganda po ito... malay niyo po in the future makapagpatayo po ako ng restaurant tas ipapangalan ko sa inyo "Lola Nidora's Sumptuous Dishes" ohh diba la ang ganda" pagkukumbinsi ni Divina sa kanyang Lola

"hay naku tigilan mo nga ako sa sumptuous sumptuous na yan may naaalala lang ako..." nayayamot na sinabi ni Lola Nidora kay Divina dahil pag naririnig niya ang salitang iyan ay si Lola Babah ang kanyang naaalala

"alam mo nag culinary arts ka ni hindi ko nga natikman ang luto mo eh..."

sasagot sana si yaya ngunit biglang nag ring ang telepono ni Lola Nidora... tumatawag pala ang kanyang kapatid na si Tidora

"Oh bakit Tidora?"

"naku ate matutuwa ka sa sasabihin ko!" masayang sinabi ni Lola Tidora sa kabilang linya

"bakit? nakahanap ka na ba ng sale? alam mo namang mag papasko na kailangan nating magtipid para sa mga regalo... short ang budget natin ngayon"

"hay naku ate ano ka ba?! anung sale ka diyan... nakita ko si Frankie hahaha"

"oh ano namang nakakatuwa sa nakita mo?"

"ano kasi... kasama niya si Cindy... WHOOOO!! ang ang saya nilang dalawa ate... hindi kaya may relasyon na sila? hahaha"

"ano ba yan tidora bakit tawa ka ng tawa? alam mo wag kang mag isip ng ganyan malay mo acquaintance lang yang dalawang yan..."

"hindi ate eh ang saya nila hahaha naku pag naging mag on tong dalawang to hindi ma matutuloy ang kasal nila ni Alden at sasaya na ulit sila ni Divina! hindi ba ang saya ate?!"

"wag ka munang mag isip ng ganyan Tidora... tandaan mong di Lola Babah ang may gusto sa kasal..."

"yun nga ate eh si Donya Babaha ng may gusto hindi gusto nung dalawa...."

"Tidora wag na tayong mangeelam diyan... wag na tayong manghimasok... antayin na lamang natin ang mangyayari...."

"hay naku ate... sige na nga byee... ay teka may ipapabili ka ba?"

"itetxt ko na lang sayo Tidora sige na mag enjoy ka na diyan bye..."

pagka baba ni Lola sa kanyang telepono ay tsaka nakabalik si Yaya sa sala dahil kumuha ito ng meryenda para sa kanilang dalawa

"sino po ung tumawag lola?"

"ang lola Tidora mo"

"ahh ganun po ba..."

"bumalik nga tayo sa pinag uusapan natin... sana naman eh buhay pa ako sa ribbon cutting nyang restaurant mo..."

"syempre naman lola! ito naman kung ano anong iniisip..."

"pero alam mo ba dapat kung anong pinag aaralan mo? cardiology..."

"teka lola diba yun ung sa pag aaral sa puso?"

Kalyeserye (FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon