Isang araw bago ang kasal ay nasa hotel na ang mga Faulkerson at ang pamilya ni Cindy. Sa Hotel Nobu sila Cindy samantalang nasa Solaire naman ang mga Faulkerson, hindi dumating ang tatay ni Alden dahil hndi ito sinabihan ng kanyang lola dahil alam nitong tutol din siya sa kasalang magaganap.
Hindi sumabay si Alden sa kanyang Lola dahil nagpunta muna siya sa mansyon ng mga Zobeyala para makapag usap sila ni Yaya kaya gabi na nang makarating siya sa nasabing hotel.
Mugto ang mata si Alden dahil wala itong tulog at magdamag na umiyak, hirap na hirap ang make up artist kung paano itatago ang mga eyebags ng binata
"What happen to you Aldrin? I told you sabay tayo pupunta dito sa hotel!" malakas ang boses ni Lola Babah habang kinakausap ang kanyang apo dahil naiinis ito sa ginawa ng kanyang apo
"And alzo... look at ur eyez!!! You have a very very big eyebagz... you look like a panda!!!"
Kanina pa aligaga si Donya Babah at kanina niya parin pinapagalitan si Alden
"You are so pasaway Aldrin... hindi ka naman ganyan dati... na iiztrizz ako sayong bata ka!"
Aligaga at paikot ikot sa loob ng silid ang donya saman talang ang mga photographers ay hndi alm kung paano makakakuha ng magandang shot dahil na din da presenya ni Donya Babah sa loob
"Lola..." ang kanina pang tahimik na si Alden ay nagsalita na, malungkot niyang tinawag ang kanyang Lola
"What iz it apo?" Hinarap ni Donya Babah ang kanyang apo
"Wala na po ba talaga akong magagawa para hindi matuloy ang kasal na ito?"
Naiiyak na tanong ng binata sa kanyang lola samantalang nagulat si Lola Babah sa tanong ng binata kaya nag init nanaman ang kanyang ulo
"No Aldrin! You can't do anything about to stop this wedding thiz iz all set..." desedisong sinabi ni lola babah sa kanyang apo
"Pero lola..."
"No Aldrin!!! No no no no no!!! If you are planning to escape then go! Run Aldrin... Run! If you can escape to all of my body guards... sigi sigi sprutinik is spread on the entire hotel Aldrin... so go escape if you can. " padabog na sinara ni Lola Babah ang pinto nang lumabas siya dahil mag bibihis na siya.
Samantalang si Alden ay wala nang nagawa... hindi narin siya makaiyak dahil ubos na lahat ng luha niya...
Sa Mansyon ng mga Zobeyala...
"Sigurado ka na ba dito apo? Hindi na ba mag babago ang isip mo?"
Umiling lang si yaya kala lola nidora
"Ahh yaya... wala ka bang balak pigilan ang kasal?" Tanong ni Lola Tidora kay yaya
Naisip na ito ni Yaya ngunit kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya... hindi na siya makaiyak dahil naubos na ang luha niya kakaiyak kagabi
"sige yaya... mag... mag ingat ka doon... tawagan mo lang kami kung kailangan mo ng tulong ha..." naluluhang sinabi ni Lola Nidora kay yaya
"Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid?"
Tanging iling lang ulit ang sinagot ni yaya sa kanyang lola
Hindi na nagpahatid si Divina sa airport para narin hindi siya mahirapan sa pag alis at para narin hindi mag hinala sila Alden na ngayon ang alis niya kaya pinapunta nalang ng dalaga ang kanyang dalawang lola sa kasal ni Alden at Cindy
"sige mag ingat ka doon... araw araw mo kaming ichat o tawagan sa skype ha?! mamimiss ka namin..." naiiyak na sinabi ni Lola Nidora tsaka niyakap ang kanyang apo
BINABASA MO ANG
Kalyeserye (FanFic)
General FictionHello AlDub/MaiDen Nation :) Lahat ng nakasulat dito ay inspired sa current episodes ng Kalyeserye at ang iba ay pawang likha ng aking isipan. I hope you like it :) AlDub You! :D