Dumating si Yaya galing ng kanyang eskwelahan
"oh yaya kumusta naman ang unang araw mo?"
lumapit siya kay Lola Nidora na nag aayos ng mga papeles upang mag mano
"ayos naman po lola, kayo po kumusta naman po? nainom niyo po ba ang mga gamot niyo?"
"oo naman yaya nainom ko naman sa tamang oras ang mga gamot ko malaking tulong yung ginawa mong alam sa cellphone ko salamat ha..."
"naku lola wala po iyon... teka ano po iyang ginagawa niyo?"
"naku wala ito inaayos ko lang ang mga papeles ng mga ari-arian natin"
patuloy pa rin sa pag salansan ng mga papeles si Lola Nidora
"ahh bakit ho magbebenta ho ba kayo?"
"hindi naman... pero kasi alam mo ba natuklasan kong hindi pa pala nalilipat sa pangalan naming magkakapatid ang mga ari arian syempre kailangan ko itong ayusin bago pa mahuli ang lahat... alam mo namang hindi basta basta maibebenta ang isang bagay na hindi nakapangalan sayo..."
"ahh ganun ho ba?! sige po lola pag hahanda ko nalang kayo ng meryenda, ano bang gusto niyo?"
masayang sinabi ni yaya kay Lola Nidora
"sige ipag timpla mo nalang ako ng kape pati narin ang dalawa mong lola bababa na yun maya maya lang..."
"sige po lola sandali lang po..."
samantalang sa mansyon naman nila Alden ay makikitang kausap ni Alden ang kanyang Lola Babah
"lola maraming salamat po ah..."
"that'z nothing apo... hindi ko naman kayang makita kang malungkot sa piling ng ibang tao... you're happiness is also my happiness apo..."
"ganun ho ba lola? maraming salamat po talaga ah... maraming salamat dahil hindi niyo na tinuloy ang kasal st tinanggap niyo na si Divina"
"It's alright apo as long as you are happy..."
maya maya lang ay lumapit ang isang maid in russia kay donya babah
"who'z thiz?"
"si attorney daw po"
"ok zigi..."
tumayo at naglakad palayo si Donya Babah kay Alden para pribadong makausap ang attorney samantalang si Alden naman ay sarap na sarap sa pagkain sa cheesecake habang ka snapchat si yaya, si yaya na gumagawa naman ng meryenda ng mga Lola
"what iz it attorney?" panimula ni donya babah
"Donya Faulkerson I have something to tell you very important"
"ano nga yun attorney?"
"The mansyon of the Zobeyala Sisters are pawn to your parents... nakasangla ang mansyon ng mga zobeyala sa inyong mga magulang Donya Babah..."
lubos na ikinagulat ni Donya Babah ang balitang nakarating sa kanya
"nakakaintindi ako ng ingles hindi mo na kailangang tagalugin... kung ganon... kailan pa ito nakasangla?"
"matagal na panahon na ho Donya Babah noong panahon pa ng mga espanyol"
"ganun katagal? sa haba ng panahon ilang siglo na ang nagdaaan hindi parin nabayaran?"
"ganun na nga ho donya babah... wala hong pormal na kasulatan na nangyari noon dahil magkumpare ang inyong ama at si Don Zobeyala kaya ayos lang na mangutang sa inyong ama ang tatay nila Donya Nidora"
"I zee kung ganun... magkano ang halaga ng mansyon?"
"20,000,000 Million Pesos ho Donya Babah"
"alam na ba nila ito?"
malalim ang iniisip ni donya babah dahil sa mga pangyayari
"hindi pa ho Donya Babah... baka ho malaman na nila ito sa makalawa pag pina survey na ulit nila ang kanilang mga ari-arian"
"ganun pa sigi... thank you for the information... I'll call you back"
agad na binaba ni Donya Babah ang telepono at nagisip ng gagawin sa utang ng pamilya ni Donya Nidora
Sa Mansyon ng mga Zobeyala
makikitang patuloy sa pag aayos ng papeles si Donya Nidora habang si Donya Tinidora naman ay makikitang aliw na aliw sa pag sasayaw sa gilid ng hagdan st si Donya Tidora naman ay panay ang paglalagay ng blush on sa mukha si yaya naman ay gumagawa ng mga assignments
"ate ano ba yan? kanina ka pa nag aayos diyan" tanong ni Tidora sa kanyang kapatid
"kasi naman Tidora ang Papa at Mama hindi pala nailipat ang mga ari arian sa atin mag papa survey na ako sa susunod na linggo kailangan ang mga ito..."
biglang tumunog ang kanyang telepono
"yaya paki abot nga ang cellphone ko"
binigay ni Yaya kay Lola Nidora ang cellphone tska sinagot ang tawag
"hello? sino ito?"
"Donya Nidora si attorney ito"
"attorney napatawag ka ano iyon?"
"tungkol ito sa mga ari arian niyo..."
"attorney inihahanda ko na ang mga papeles may kailangan ka pa ba?"
makikitang kinakabahan na si Donya Nidora dahil hindi naman tumatawag si attorney kung walang problema
"ganun ho ba... ganito ho kasi iyon... ang mansyon na tinitirahan niyo ngayon ay naka sangla sa mga Rockefeller"
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Kalyeserye (FanFic)
Ficción GeneralHello AlDub/MaiDen Nation :) Lahat ng nakasulat dito ay inspired sa current episodes ng Kalyeserye at ang iba ay pawang likha ng aking isipan. I hope you like it :) AlDub You! :D