Chapter 3

23 0 0
                                    

Chapter 3

Narrator's P.O.V:

Naglalakad papuntang school si Cielo ng biglang nilapitan siya ni ZELO.

"Cielo, ano ba ang sagot mo?" tanong niya.

"Ah... yun ba? Oo.. kasi.. gusto din naman kita eh..." sabi ni Cielo habang iniyuyuko niya ang kanyang ulo.

"Talaga?" sabi ni Junhong habang dahan dahang may pumopormang ngiti sa kanyang mukha.

"Oo..." mahinang sinabi ni Cielo.

ZELO's P.O.V:

Hala... Ano ba ang nangyayari sakin? Ba't ganito ang nararamdaman ko kapag kaharap o katabi ko siya? Di bale... At least nagawa ko na ang unang step sa dare ng mga hyungs ko.

"Cielo, kita na lang tayo sa room. Puntahan ko muna yung mga pasaway kong hyungs..." sabi ko at pumayag naman siya. Dumeresto na siya doon sa mga kaibigan niya.

Pinuntahan kong ang mga hyungs ko na nakaistambay sa may locker room habang may isang malaking ngiti sa aking mukha. Ewan ko kung bakit ba may ganitong ngiti sa mukha ko ngayon. 

"O Junhong! Ano na nangyari? Okay daw?" dali-daling tinanong ni Youngjae hyung. 

"Oo daw." sagot ko.

Hala! ba't feeling ko umiinit? .__.

"Luh! Junhong ba't ka namumula?" tanong ni Dae hyung. "... wag mong sabihin na nagugustuhan mo siya?" dugtong niya na may halong onting tawa. "... Oo nga Junhong namumula ka! Gusto mo siya noh? IKAW AH!" sabi ni Himchan hyung at tumawa.

Cielo's P.O.V:

Isang oras na since nagstart ang unang subject at pangalawang subject na ngayon. 

"Pssst..." bigla akong napalingon sa katabi ko na sinitsitan ako at tinapik.

"Bakit?" tanong ko, may ibinigay siya saking papel at kinuha ko naman. "...kanino 'to galing?" tinanong ko uli at tinuro niya si ZELO na nasa likod. 

Agad ko naman itong binuksan, ito ang nakasulat:

Cielo, mamaya, sa gate ng school may sasabihin ako sayo.

                                                                                -ZELO

 May sasabihin nanaman siya... Ano kaya yun?

Did I Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon