Chapter 9

10 0 0
                                    

Chapter 9

Yongguk's P.O.V:

"Guys guys guys... I think kailangan na natin sabihin kay Cielo yung dare." sabi ko sa kanila.

"Pero pano natin yun gagawin hyung?" tanong ni Daehyun.

"Oo nga... kundi masisira natin ang..." tinuro ni Himchan ang aking dibdib na malapit nga sa aking puso.

"Yun nga ehh... kaya nga pagiisipan natin kung pano." 

"...Mag isip kayo ng plano... Ta--" 

"Hindi na natin kailangan ng plano. Dederetsohin ko na siya. Alam kong hindi naman siya magagalit. Pero kung magagalit siya, ako na ang bahala doon. Wag na kayong magalala." pinutol ni Junhong ang sasabihin ko.

Kakaiba ata siya kumilos ngayon.

"Sure ka na?" tanong ni Jongup.

"Oo..." seryosong sumagot si Junhong.

ZELO's P.O.V:

Inhale, Exhale, Inhale, Exhale.

Kailangan ko nang sabihin sa kaniya. Dalangin ko lang hindi siya magalit. Pero alam ko mahina siya sa mga ganito. 

Hapon na ng biglang bumuhos ang isang malakas na ulan. Uwian na din naman at buti na lang may dala akong payong. Pinayungan ko siya at hawak ko ang gamit niya. Siya ay nakayuko na para bang hindi masaya. Wala ata siya sa mood. Mukhang badtrip siya. Hindi naman siya ganito kanina ah. 

"Cielo, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Oo." mahina niyang sinagot.

"...Cielo, pano kung... kung... may isang lalaki ang ginamit ka at pinitlit kang mahalin dahil sa isang dare? ano ang gagawin mo?" 

"Hindi ko alam. Siguro, maiiyak na lang ako dahil ginawa niya yun. Parang ang sama naman niyang tao para sakin." sagot niya. 

"Eh... Pano kapag nahulog na siya sayo?"

"Di ko alam... kung gugustuhin ko pa siya o hindi." sagot niya muli.

Yan na... sasabihin ko na talaga..

"O sige... Dederesyohin na kita..." tumigil ako at bigla napatingin siya sakin at tinignan ko din siya pabalik, "...Dinate...kita...dahil sa isang dare." nakatitig lang siya sakin, di ata siya makapaniwala sa sinabi ko. 

"Sabi ko na nga ba eh... H...Hindi akong maka...paniwalang ginawa mo yon..." may luhang onti-onting nabubuo ang luha sa mga mata niya. 

Hala. Nakapagpaiyak na ako ng isang babae... Di pa nangyayari yun sa tala ng buhay ko. Pano ba yan... 

Sabi ko na nga bang ganito ang kakalabasan nito. Sabi ko na nga bang mahina ang loob niya sa mga ganito. AISH! 

Dahan dahan siyang umatras "...hindi ko na lang dapat talaga sinagot yun. Sabi ko na nga ba...." biglang tumulo ang luha niya at tumakbo. 

Takot pa naman akong basagin ang puso ng isang babae.. pano ba to?

"Teka Lang! May sasabihin pa ako... nahulog na yata... ako.." sumigaw ako at habang siya'y palayo na ng palayo, pahina ng pahina ang boses ko, "...sayo.." 

Yumuko ako sa oras na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hawak hawak ko pa ang gamit niya. Pano ko ba ito maibabali sa kanya? 

Naglakad ako pauwi. Nagisip ako ng paraan kung paano ko sasabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. 

Narrator's P.O.V:

Nalaman na nga ni ZELO ang totoong nararamdaman niya para kay Cielo, at siya, ngayon any nagiisip ng paraan kung paano niya ito masasabi sa kanya.

Habang sa kabilang dako naman ay umuwi si Cielo na luhaan at basang basa sa ulan.

"Oh Cielo, wala ata yung lalaking yun? Anong  nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" tanong ng kanyang nanay. Dali dali naman siyang pununta ng kanyang kwarto ng hindi man lang sinasagot ang tanong ng kanyang nanay. Napailing nalang siya dahil alam niyang may hindi magandang nagyari ka kanyang anak at alam niya kung ano ito.

Mabilisang nagpalit ng damit si Cielo, humiga siya at inalala ang nangyari kanina at napaluha muli siya.

Ano kayang gagawain ni ZELO para sa kaniya?

Did I Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon