Chapter 2

25 1 0
                                    

Chapter 2

ZELO's P.O.V:

Naglalakad ako palabas ng school at hinanap si Cielo sa may gate ng school. Andun lang siya sa may puno. Agad agad ko siyang pinuntahan.

"Cielo!" tinawag ko siya. Bigla siyang lumingon at nakita niya kaagad ako na papalakad sa kanya.

Pero parang may kakaibang feeling akong naramdaman noong lumingon siya. Ano ba yun? >_<

"Ano ba yung sasabihin mo sakin?" tanong niya.

"Bago ko sabihin yun, tulungan muna kita jan sa mga gamit mo. Sasabihin ko yun sayo habang hinahatid kita pauwi." sabi ko.

"... O, sige..." sagot niya habang binibigay niya sakin ang kanyang gamit na hawak at kaagad ko itong kinuha sa kanya.

Nag-lakad kami papunta sa kanyang bahay. Kinakabahan akong sabihin sa kanya. Nagiisip ako ng paraan kung paano ko siya sasabihin pero tinanong niya uli ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Ah! oo nga! Sige, dederetsyohin ko na. Pwede bang magdate... tayo?" sabi ko at bigla siyang napahinto. Huminto din ako. "....Bakit?" tanong ko dahil tinitigan niya ako.

Medyo namumula ata ang mukha niya. .__.

"...wala... pwedeng pagisipan ko muna yan hanggang bukas?"

"S...Sige." sabi ko. "Lika na, hatid na kita."

Cielo's P.O.V:

"Salamat nga pala, ZELO."

"Sige, wala yun." sabi ni ZELO habang binibigay saking ang mga libro ko.

Kaagad akong pumasok sa loob at nakita ko si Eomma na nakatingin sa bintana. Mukhang nakita niya si ZELO.

"Sino yun?" tanong niya.

"Si Junhong yun, yung kaklase ko." sagot ko. "... ahh... ganun ba? hindi mo siya boyfriend? yung kilos niya kasi eh..." tinanong ni mama.

"Hindi... pero..." nagsimula akong magkwento kay mama tungkol kanina.

Pagsapit ng gabi, tungkol sa sinabi niya... Ano kaya ang isasagot ko sa kanya bukas?

Dae's P.O.V:

"Uy Jae, ano kayang nangyari dun kay Junhong?" tanong ko kay Youngjae habang bumibili kami ng pagkain sa store.

Hay naku pano ko ba maiiwasan ang pag kain D: pero buti na lang di ako tumataba! :D

Teka, teka, teka, balik muna tayo doon sa kwento ah.

"Di ko nga din alam eh... Text kaya natin siya." sagot niya.

"Oo nga. Teka lang kunin ko muna yung Ramen na pinapabili ni Yongguk hyung." sabi ko sa kanya, pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya ang handphone ko. "O ayan! text mo na siya. Ako na yung magbabayad dito."

Matapos kong bayaran ang mga binili ko ay dali-dali akong pumunta kay Youngjae.

"O ano sumagot na ba siya?" tanong ko.

"Oo, sabi niya bukas daw niya malalaman yung sagot."

"Ah... Okay... Lika na! nagugutom na ako eh."

Did I Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon