Chapter 3 | Renz

21 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa classroom at pansin kong kanina pa pangiti-ngiti tong si Stephen. Ano ba problema nito?

"Huy Stephen!"

"Ay Aera ka!" Aba nagulat pa ang loko. At ano daw? Aera?

"Hoy sinong Aera yan?" Wala kasi akong kilalang Aera.

"Grabe ka naman kasi, Renz. Kung manggulat ka parang walang teacher sa harap." Inirapan pa ko ng mokong. Dukutin ko kaya mata nito? "Tsaka nakalimutan mo na agad si Aera? Kakakilala mo pa lang sa kanya ah."

Aera? Ah. Yung kaibigan ni Kylie.

"Ah. Yung kaibigan ni Kylie? Pasensya gwapo lang nakakalimot din."

"Bro, gago hindi gwapo. Gago." Aba't binubwisit ako nito?

"Nga pala Renz, kamusta pakikipag-usap kay Kylie?" Tanong niya sakin.

"Okay lang naman. Ayun nag-usap kami." Grabe yung babaeng yun. Ang daldal pag nakikita ko pero kaninang kausap ko eh sobrang tahimik. Nagwapuhan siguro sakin? Hahaha.

"Renz, may crush ako." What? Bakit bigla-biglang nagsasalita 'tong lalaking 'to?

"Ano? Congrats Stephen! Lalaki ka na!" Minsan lang kasi 'to magsabi na may crush siya sa ibang tao, madalas, lumalandi lang siya.

"Ewan ko sa'yo! Pero seryoso nga, may crush ako." Sino naman kaya 'yung maswerteng babaeng nagustuhan nitong si Stephen? Minsan lang kasi siya maging open sa akin tungkol sa kanyang buhay pag-ibig kaya hindi niyo ako masisisi kung ako ay masyadong namamangha sa kanya ngayon. What the hell, Renz?! Para kang baliw! Hahahaha.

"Okay. Chill lang Stephen. Sino ba 'yang maswerteng babae na 'yan?" Nacucurious kasi talaga ako kung sino 'yung babae.

"Sino? Si Aera."

"Ah. Si Aera lang pala. Kilala ko naman pa-- WHAT?!" Si Aera?! Eh kakakilala lang namin dun kanina ah?

"Mr. Cortez, please keep quiet." Ayan tuloy napagalitan pa ako ng teacher namin.

"Sorry sir." Sabi ko na lang. At 'yung katabi ko namang loko-loko, pinipigilan tumawa.

"Mautot ka sanang bwisit ka." Sabi ko pero pinagtawanan lang niya ako.

"Ano ba naman kasing problema mo kung si Aera yung gusto ko? Minsan ang labo mo Renz." Oo nga naman. Ano ba naman kasing problema ko?

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon