Chapter 7

4 0 0
                                    

Wait. Ang OA naman ata ng reaksyon ko? Nahahawa na ata ako kay Kylie.

Of course, inaccept ko siya, duh? Medyo friends naman kami eh. Medyo.

Kinuha ko ang bag ko para makagawa na ko ng assignments. Bakit ba kasi nagpapaassignment ang mga teachers? Hindi ba dapat yung mga gawain na yun eh sa school lang? They should let us rest kapag nasa bahay!

Unang page palang ang nabubuklat ko sa libro, tumunog na yung phone ko. Sino na naman to?

Stephen Gabriel Manuel sent you a friend request.

Woah. Hindi talaga papahuli tong isa na to. Syempre, inaccept ko rin siya. Sino naman susunod na magrerequest? Kuya Adrian?

Bumalik na ulit ako sa pag-aaral pero tumunog ulit yung phone ko. Leche! Sino na naman tong istorbo na to?

Stephen Gabriel calling...

Argh! Ano bang problema ng lalaking to?!

"Hello?!"

"Galit ka ba Aera?" Natawa pa ang loko.

"Pwede ba, Stephen? Hindi na ako nakagawa ng assignment ng maayos!" 

"Chill. Tatanong ko lang kung anong plano natin?" Wait. Tumawag lang siya para don? Anong akala niya sakin? Walang ginagawa sa buhay?!

Pero wait. Paano nga pala yung plano namin kay Kylie at kuya Renz eh parang mas gusto ko na silang dalawa ni Kylie magkatuluyan? Pwede ko naman sigurong idahilan sa kanya na may jowa si kuya Renz diba?

"Eh Stephen, may jowa na yung tao. Wag na natin guluhin pa." Sa totoo lang kasi mas gusto ko talaga sila ni Kylie eh. Walang halong biro.

"Aera naman eh. Ang KJ mo." sabi niya na parang nagtatampo. Ako? KJ? Excuse me lang ha, di naman sa ano, pero kasi baka yun pa maging dahilan ng pagsira ng relasyon nila ni ate Cherry diba? 

"Oh sige, Stephen. Pag-iisipan ko muna. Di talaga ako mapakali sa gagawin natin eh." I said tsaka ko binaba yung tawag. Yaan mo siya. Istorbo eh.

**

Nagising na lang ako sa ingay ng alarm. Wait. Di pala alarm yun!

"Ano ba ate?! Ang aga-aga ang ingay mo!" Nakakainis! Alas tres ng madaling araw nakikipagchikahan kay... ano na nga ulit pangalan non? Kris? James? Ah basta siya!

Nilayo niya muna yung phone sa tenga niya bago niya ko sinagot. "Wag ka ngang maingay Aera. May kausap ako oh!" sabi niya sabay balik ng phone sa tenga niya.

"Patulugin mo naman ako, ate! Parang awa mo na!" Hindi na nga ako pinatulog ni Stephen kagabi eh. Tinadtad niya ako ng chat tapos tawag pa ng tawag. Ugh!

Sumeniyas siya sakin na wag daw ako maingay. Nakakainis!

"Sinasabi ko sayo, pag naistorbo pa tulog ko isusumbong kita kay mommy." Bawal pa kasi kaming magkaroon ng jowa, pero mabait akong kapatid kaya kinukunsinti ko.

Pero isa nalang talaga, isusumbong ko na siya!

Nanlaki yung mata niya tsaka napatingin sakin ng 'seryoso-ka-ba-sa-sinasabi-mo' look. Mukha ba kong nagbibiro? Tulog nalang ba naman kasi ang gusto ko, ipagkakait pa nila?!

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at balak na talagang magsumbong nang pinigilan niya ko. "Oo na. Titigil na." Tapos pinindot niya yung end button sa call. Hay. Buti naman. Makakatulg na ko ng mahimbing!

**

Napadilat ako nang may narealize ako. Bakit walang nanggigising sakin?!

Dali-dali akong tumingin sa orasan at–shit! 6:00 na! OMG!

Tumakbo na ako agad papuntang banyo, wala ng kain kain! Yung ligo ko dati na mga 30 minutes to 1 hour naging 5 minutes nalang. Iba talaga nagagawa pag may hinahabol ka.

"My, alis na ko!" sigaw ko sa nanay ko habang tumatakbo palabas ng gate. Malelate na ko!

**

Kanina pa ko tumitingin sa relo ko. Ang bagal pa ng jeep na nasakyan ko. Nakakaasar lang. Kailangan ko pang umakyat ng overpass para lang makapasok sa university at kailangan ko pang maglakad ng kulang kulang 100 metro para makarating sa Science High School.

Nang makababa ako sa jeep, ano pa bang dapat kong gawin? Tinakbo ko yung overpass. Ang sakit sa binti! Pagbaba ko sa kabilang side, tinignan ko ulit yung relo ko, 7:25 AM. May 5 minutes pa. I decided to walk kasi kaya pa naman, tsaka pag tumakbo pa ko, baka sa infirmary na ko dalin!

Nagulat na lang ako nang may biglang humatak sa bag ko. Nilingon ko siya at naabutan kong nakangiti siya sakin.

"Sabay na tayo maglakad."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon