Chapter 2 | Aera

34 0 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay di ko na kinulit si Kylie about dun sa Renz na yon. Baka isipin niyang inaagawan ko siya ng crush.

Nandito kami ngayon sa canteen at nakapila dahil break time na namin. "Pst. Aera. Lingon ka sa likod." Gaya ng sabi niya, lumingon ako sa likod then I saw two guys smiling at us. Kaya iniwas ko ang tingin ko at kinausap si Kylie. "Oh bakit? Anong meron sa likod?"

"Aera! Ang ingay mo talaga. Baka marinig tayo nila Kuya Renz. By the way, sila yung nasa likod." Bulong niya sakin.

Ah. Sila Renz pala, yung crush niya. Akala ko naman kung sino. Wait, "WHAT?!" Shet. Ngayon lang nagregister sakin yung pangalan at mukha non. Nung sportsfest kasi, sobrang humanga ako sa kanya. Ang galing kasing magvolleyball eh. At dahil sa sigaw ko, napatingin sila sakin. Huhuhu. Nakakahiya.

"Tumahimik ka naman Aera! Masyado kang madaldal." Bulong niya sakin.

Pagkaorder namin eh nagpunta na kami Kylie sa tambayan namin, yung mga bench na paikot tapos may puno. Tsk. Hirap iexplain.

"Hello sa inyo!" Muntik na kong mapatalon sa gulat. Shet. Kung may sakit ako sa puso baka patay na ko ngayon.

Tinignan ko si Kylie na nasa tabi ko at aba. Parang gusto na niyang mangisay sa kilig. Wait. Kilig ba kamo? Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at tama nga ako. Sila nga yung bumati samin.

At dahil parang ayaw magsalita nitong katabi ko eh ako na ang bumati sa kanila. FC na kung FC, wag lang snob. Hehehe.

"Hello po." I said tsaka ngumiti ng todo. Yung tipong di na kita mata ko.

"Pwedeng makiupo?" Tanong ni Kuyang kasama ni Renz. I mean, Kuya Renz. Tumango naman ako kaya naupo na sila.

"So, kamusta ang pagiging Grade 9?" Tanong ni Kuya Renz. Magsasalita na sana ako kaso biglang sumingit tong katabi ko. "Uhm. Okay naman po. Medyo mahirap lang yung Math."

"Ganyan talaga sa una, Kylie. Pero magegets mo din. Diba?" Nagulat ako dahil biglang tumingin si Kuyang kasama ni Kuya Renz sakin kaya napatango ako.

"Uhm, Kuya bakit niyo po ako kilala?" Tanong ni Kylie. Aba, ako din naguguluhan. Famous pala tong bestfriend ko? Hahaha.

"Ah kasi," Parang di na niya alam yung sasabihin niya. Tumingin siya sakin then nagsenyas siya na lumapit ako. "Ako po?" Tanong ko kasi di naman ako sigurado diba? Malay ko bang nangtitrip lang tong mga to.

"Hay nako naman." Nagulat ako nung tumayo siya at bigla na lang akong hinila palayo kila Kylie. Gusto ko sanang sabihin na 'hoy kuya ano tayo close? Kung makahila ka naman eh wagas'. Kaso nahiya ako kaya tumahimik na lang ako.

"Hoy Renz! Usap muna kayo ni Kylie ah! Dun lang kami sa court. Diba?" Tumingin siya sakin na para bang hinihingi niya yung pangalan ko. "Aera po." Sabi ko. "Oh Renz ha! Dun muna kami sa court ni Aera! Enjoy!" Then hinila na naman niya ako papuntang basketball court.

**

Nakaupo kami ngayon sa gitna ng court pero pasulyap-sulyap ako kila Kylie at aba, kilig na kilig ang bruha.

"Hey. Wag mo na silang lingunin dun. Nagseselos ako." Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Kuya at napalingon ako sa kanya. Like wtf?

"Wag ka namang magbiro ng ganyan!" Jusme sumasakit ulo ko sa kanya.

"Hahahahaha. Joke lang naman!"

"Heh! Sapakin kaya ki-- AY SHET SORRY PO ANG FC KO!" Nakakaiyak. Ilang kahihiyan ba gagawin ko ngayong araw na to?

"Hindi, okay lang." Sabi niya habang tumatawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Stephen Gabriel nga pala." Inoffer niya yung kamay niya para makipagshakehands kaya nakipagkilala na rin ako. "Aera Lauren." Then nakipagshakehands na ako. Kaso putek ayaw na niyang bitawan yung kamay ko!

"Hoy Stephen! Este Kuya Ste-- Aish! Di ako sanay tumawag ng kuya!" Tinawanan niya ko kaya inirapan ko siya. "Sige. Stephen na lang. Di naman ako masyadong matanda." Natawa ako sa sinabi niya kaso bigla kong naalala na hindi pa rin niya binibitawan yung kamay ko.

"Aba Stephen! Abuso ka na ah! Kung makahawak ka sa kamay ko wagas. Baka magkagusto ka sakin niyan!" Tapos tinawanan ko yung sinabi ko. Para bang baliw?

"Malay mo diba?" Jusmiyo. Sinakyan niya yung sinabi ko.

"Ewan ko sayo! Teka, bakit mo nga pala kilala si Kylie?" Ang galing kong magchange topic diba? Hehehe.

"Eh kasi, crush niya si Renz." What?! Alam niya?!

"Dahil lang dun?! Wow."

"Yup. Ganyan kasi dito. Lalo na kung barkada mo yung crush ganon." Ah kaya pala.

"Hey I have a plan." Naging interesado ako sa hindi malamang dahilan kaya tumahimik ako. "Kung ipush kaya natin sila sa isa't-isa?" Tama. Para naman magkalovelife na si bestfriend.

"Game ako dyan! Yie! Kinikilig ako para sa kanila." Sabi ko kaya natawa si Stephen kaso bigla siyang tumigil sa pagtawa na para bang may narealize siya.

"Aera, hindi pala pwede."

"Ha? Bakit? Don't tell me may girlfriend na si Kuya Renz?"

"Wala siyang girlfriend," Ah. Eh di mabuti diba? Para sila na lang ni Kylie. "MU meron." What the hell?

"What?! Stephen di yon pwede paano na ang Rylie?!"

"Hahahahahaha. Rylie? May loveteam agad Aera? Hahaha. Pero don't worry. Tutuksuhin lang naman natin sila sa isa't-isa. Kapag nafall, edi nafall." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Okay. Game ako dyan! Kaya lang, dapat tayo lang makakaalam nito, Stephen. Okay ba yon?"

"Okay na okay!"

"Hoy Stephen!" Napalingon naman kaming dalawa ni Stephen dun sa tumawag sa kanya.

"Oh bakit Renz?" Yes. Si Kuya Renz yung tumawag sa kanya.

"Magtatime na kasi." I checked the time at tama nga siya. Five minutes na lang.

"Ah kaya. Ay teka. Renz nasan si Kylie?"

"Ah ayun. Nasa room na pinapasabi ngang tawagin ko daw si Aera?" Wow ha. Parang di pa siya sure sa name ko.

"Oh Aera pinapatawag ka pala eh. Lagot ka. Iniwan mo daw kasi siya kay Renz. Hahahahaha." Binulong lang ni Stephen yun para kaming dalawa lang talaga ang makarinig.

"Heh! Ewan ko sayo. Sapakin na lang kaya kita para masaya?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. Bwisit kasi.

"Ay oo nga pala Renz," Bago niya ituloy yung sinasabi niya eh tumayo muna siya at itinayo din niya ko. "Ito si Aera, Aera, si Renz, bestfriend ko." Nakipagshakehands naman ako.

"Nice meeting you, Aera. Hoy Stephen, aba malelate na tayo." Natawa na lang ako sa kanila.

"Sige Stephen, Kuya Renz, una na ko ha! Bye bye!" Sigaw ko habang tumatakbo. Napangiti na lang ako nung maisip ko na may bago ulit akong kaibigan.

Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon