Ghost Expert

1 0 0
                                    

Ako si Jen...16 taong gulang...nag aaral sa isang university na pinamamahayan ng mga multo.
Nakakakita ako ng mga multo at malabong mangyari na sa isang araw ay hindi ako maka engkwentro ng iilang mga multo.

Nandito ako ngayon sa gym...ako nalang ang nandito dahil nakauwi na ang iba....kakatapos lang namin magpractice ng sayaw namin kaya heto ako at nag aayos na ng gamit sa bag ko at aalis na ako mamaya pagkatapos.

Bumukas sara yung ilaw kaya parang nagka disco light dito mismo sa loob ng gym.
napaangat ang tingin ko....
May babaeng nakatayo sa harapan ko at ang lapit niyon kaya tanging paanan lang niya ang nakikita ko.
Duguan ang puting damit niya na punit punit at may bahid pa ng putik. Wala siyang amoy....kundi mabangong rosas....

perfume ba yun???

"Aalis na ako....."

Mahinahon kong sabi sa kanya.
Tumalikod ako dala ang mga gamit ko at umalis na.

Nang nasa labas ako ng gym...naalala ko ang pag lantad ng babae saakin sa loob ng gym. Wala akong maramdaman na enerhiya na kagimbal gimbal gaya ng nararamdaman ko sa ibang multo....tsssss.....walang kwenta...sana hindi  nalang ako nagpaalam sa babae...akala ko si multo ehh...para tuloy akong uto uto...

Nakaramdam ako bigla ng enerhiya na nang gagaling sa harapan ko.
Ramdam kong nakasalubong ko siya.

"May gumaya sayo kanina sa loob....tignan mo kung sino"

Maya maya ay rinig ko na ang pagsigaw ng isang babae.
Napangiti nalang ako.
Marami akong kakampi kaya wag silang magkakamaling kalabanin ako.

Dumiretso na ako sa kotse ko.
Pinatakbo ko na ang sasakyan.
Amoy na amoy ko ang naaagnas na bangkay na nasa tabi ko.
Pero hindi ko nalang pinansin...hindi naman siya gumagalaw ehh kaya hindi ako kinakabahan. Nakaupo lang siya sa passenger's seat ng kotse ko at seryosong nakatuon ang paningin niya sa labas ng bintana.

Hindi na ako nagtangkang paalisin siya... natatakot ako na baka mangyari na naman saakin yung nangyari sa akin nang minsa'y may sumabay saakin na multo..

Nung isang araw kasi...may nakasabay ako sa kotse ko....isang matandang lalaki. Putok ang ulo niya at puno ng tuyong dugo ang noo niya.
Naaamoy ko ang pabango niyang pang matanda.
Nakatingin lang siya sa daan at hindi man lang kumukurap.
Tinignan ko siya....bigla rin siyang napatingin saakin. Napalunok ako nang makita ang buo niyang mukha....siya pala yung nasagasaan na balitamg balita sa lugar namin.

"Bumaba na po kayo..."
Mahinahon kong sabi sa kanya pero.... Nagulat nalang ako nang bigla nalang niyang pakialaman ang manibela kaya nakipag agawan ako sa kanya hanggang sa mabangga kami sa isang poste ng kuryente. Yan ang ayaw ko sa mga multo...minsan...nandadamay sila...minsan rin nanakot...yung iba naman nagpaparamdam lang.
Pero may isang multo na gustong gusto kong makita.....ang papa ko....
Hindi siya nagpaparamdam saakin....siguro ay namamahinga na siya.....gusto ko sanang tawagin ang kaluluwa niya para makita ko siya at mayakap pero ayoko nang gambalain ang kaluluwa niya kaya hindi ko na ginawa.
Mahigit dalawang taon na ang lumipas mula nung mamatay siya....binaril siya ng ka-opisina niya.
Kaya kami nalang ni mama at ni Manang Yoli sa bahay....pero ngayon...ako lang mag isa sa bahay kasi isinama ni mama si manang yoli sa medical mission niya sa probinsya at bukas pa ang uwi nila.....

Biglang humina ang amoy sa kotse.....
Lakas loob kong tinignan ang katabi ko.

"Hmmm....aalis ka na ba?" Tanong ko sa kanya pero nginitian lang niya ako at unti unting nawala sa paningin ko.

Karamihan sa mga multo...hindi nila ako kinakausap....pero meron ring nagsasalita...

Yung iba....latin ang wika...yung iba naman...intsik.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko...and as expected....nandoon na naman ang dalawang multo ng mag asawa na nakasabit sa isang lubid.

hayysss ang ganda naman talaga ng chandelier ko...

Sabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingala sa dalawang multo na parang nagsisilbing chandelier dito sa loob ng kwarto ko. Nasa gitna kasi sila ehh.

sila ang dating nakatira sa bahay nato at kapwa silang nagpakamatay sa loob mismo ng kwarto ko na dati'y kwarto nila.
Nung namatay si papa....lumipat kami dito...hindi na ako natakot sa mag asawa nang una ko silang makita dito sa bahay dahil simula bata pa ako ay nakakakita na ako ng mga kagaya nilang multo kaya nasanay na ako.

Tinignan ako ng mag asawa...pero..Hindi ko nlang pinansin at pumasok na sa banyo.

Bumaba ako para mag hapunan.
Akala ko ako lang mag isa sa bahay..
Pero nagulat ako nang makita si manang sa kusina.
Nakaramdam ako ng kilabot nang maupo na ako sa harap ng mesa.

"Manang..bakit nandito po kayo?? Diba sumama po kayo kay mama sa medical mission niya sa probinsya?? At..kakatext palang ni mama na nasa probinsya pa kayo...At Bukas pa dapat ang uwi niyo diba?"

Sunod sunod kong Tanong kay manang na nakatalikod at nakayuko lang... Hindi siya sumagot....
Nakarinig ako ng hikbi na nanggagaling sa kanya.......umiiyak siya??....bakit?

"Manang?? May problema ba?"

Hindi niya ako sinagot....sa halip.
..hinarap niya ako at laking gulat ko na maputlang maputla siya... may lumalabas na dugo sa bibig niya..
...may dugo sa tagiliran niya....at yung damit niya....parang napaglumaan na ng panahon....punit punit at hindi malinis.

Binalot ng takot ang buong katauhan ko.
Napatakbo ako sa kwarto ko sabay kuha ng cellphone ko.
Dinial ko agad ang number ni mama....pero walang sumasagot.......

Lumabas ako ng bahay dahil nangingilabot ako sa iyak ni manang yoli.....at dahil natakot ako....nagwala nang husto ang mga multong nakakalat sa buong bahay...nanakot sila...at dahil hindi ko na nakayanan  ang ingay na ginagawa nila...lumabas nalang ako.

Tinawagan ko ulit ang number ni mama....mga ilang beses pa akong nag dial hanggang sa may sumagot na.

"Ma??? Nasaan ka??? nasaan si manang yoli??? Magkasama ba kayo ma???" Mabilis kong tanong kay mama....

" Oo magkasama kami ngayon.....nak..mamaya ka nalang tumawag ha?? Nagda drive kasi ako...."

"Ma!!!! Patay na si manang Yoli!! Multo na yang kasama mo!! Ma pakiusap ihinto mo ang kotse..."

Naalala ni Jen ang nangyari sa kanya noong isang araw nang agawin ng multong kasabay niya ang manibela.

"Anak?? Ano bang pinagsasabi mo nak?? Mag usap nalang tayo pagkauwi ko jan bukas.....nagmamadali kami ni Yoli anak..
..papunta pa kami sa isa pang probinsya.....sege na..."

Napaiyak nalang  ako nang husto nang patayin ni mama ang tawag.

"Anak..."  natigilan ako sa pagtawag saakin ng isang pamilyar na boses...
napalingon ako sa pool area....tumulo bigla ang luha ko nang makita kung sino ang tumawag saakin.....

Tumakbo ako palapit sa kanya...
Wala akong pakialam kung may dugo ang ulo niya at nakakatakot siyang tignan....hindi ko na alintana iyon dahil sa pananabik ko sa kanya...
Niyakap ko siya agad.

"Pa!!!.....ang tagal kong hinintay na magpakita ka saakin.....I love you papa....so much..."

Papa hug me back with his cold and pale arms. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito..

Natuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko hanggang sa bumitaw si papa sa pagkakayakap saakin.

"May surpresa ako sayo...."
Biglang sabi nito kaya nagtaka ako. Napakunot ang noo ko.

"Ano???.."

Lumingon si papa sa likuran niya kaya napatingin rin ako sa bahaging tinitingnan niya.

Nanlumo ako nang makita ko ang nasa likod niya...nanghina ang tuhod ko.

Nalaglag ang kanang kamay niya sa semento at nagsalita ng.......

"Hai anak nandito na si mama.....nakauwi na ako... miss me????".

"Aaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!"

WAKAS.....

SCREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon