Future

3 1 0
                                    

Jenelyn's POV

no one can predict the exact thing that will happen in the future...yung hula hula...hula lang at pwedeng hindi magkatotoo...pero ako......kaya ko.....at alam.ko ang mangyayari sa isang tao kapag nakita ko siya bilang multo kahit buhay pa siya.

"Jen? Are you okay? Tulala ka na naman? Ano bang tinitingnan mo dyan?"

Napatingin din si mama sa tinitingnan ko sa labas ng bintana.

"Ahh wala ma....hindi mo rin naman makikita ma...."
Ibinaling ko ang tingin ko kay mama  at ibinalik ulit sa labas.

"Ay nakoh...ayan ka na naman...tigil tigilan mo jan Jen ha...teka.diyan ka lang....may bibilhin lang ako sandali..."
Bumaba na si mama ng kotse.Hindi ko na sinagot si mama...dahil naka pokus ang attention ko sa katapat na kotse.

Kitang kita ko.....malinaw na malinaw sa mga mata ko.....ang isang babaeng nakasakay sa passenger's seat....

Sanay na akong makakita ng multo pero iba ito.....

Naka standby ang kotse namin sa gilid ng kalsada nang matapat ang isang kotse saamin...babae ang nagdadrive.....may babae sa passengers seat.....KAMUKHA NIYA....duguan...tumutulo ang dugo mula sa ulo niya ...sugatan ang buo niyang katawan..at umiiyak. Alam kong hindi tao ang nasa passenger's seat niya dahil sa balat nitong parang wala ng dugo at namumutlang mga labi.

Napansin ng babae na nakatingin ako sa loob ng kotse niya. Nginitian niya ako....at gumaya ang babaeng multo...tinignan niya rin ako pero hindi siya ngumiti.....dahil umiiyak siya.
Kakaiba........ibang iba ang nararamdaman ko ngayon...parang pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.
Nag change gear na siya tinapakan ang accelerator at pinaharurot na ang sasakyan.
Sinundan ko ng tingin ang kotse niya...napaawang nalang ang bibig ko nang biglang isang TEN WHEELER TRUCK ang umararo sa kotse niya.

Hindi ako nakagalaw agad sa nakita ko......na shock ako sa pangyayari.....

Agad nagsilapitan ang mga tao sa kotse na dinumog ng ten wheeler truck....
Dahil sa accidente....nagka-traffic. Tumakbo ako palapit sa mga nagkakagulong mga tao na pumapalibot sa kotseng nayupi.pati ang mga driver ng mga na traffic na kotse ay nagsibabaan at tumulong sa pag rescue sa babae.

Nakisiksik ako sa mga tao at tinignan ang babae sa loob ng kotse niya. Wasak na wasak ang katawan niya at parang hindi na makilala dahil sa dugong tumatakip sa mukha niya.

Hirap silang ilabas ang babae dahil naipit ang lasog lasog na katawan nito sa loob ng kotseng nayupi.

Lumamig bigla ang kaliwang kamay ko...pagtingin ko..nakakapit saakin ang multo ng babae. Siya yung nasa passenger's seat kanina... Kung ano ang itsura niya sa loob ng yuping kotse ay yun rin ang itsura niya na nakakapit saakin....tumutulo pa ang dugo mula sa ulo niya at umiiyak siya.

"Bakit hindi mo ako niligtas?" Iyak niyang sabi....gusto kong sumigaw sa takot dahil habang nagsasalita siya ay lumalabas naman sa bibig niya ang dugo....

Napapitlag ako nang bigla akong hatakin ni mama paalis sa mga nagkakagulong mga tao.

"Jen!!....pinakaba mo ako....wag ka ngang aalis alis nalang bigla."
Sabi niya at napatingin sa kotseng inararo ng ten wheeler Truck

".jusko!!! Anong nangyari jan??...jen...bumalik na tayo sa kotse."

Hinila na ako ni mama pabalik sa kotse namin....nilingon ko ang yuping kotse.......hinanap ko ang multo....pero wala na.....

"Jusko.....kawawa naman talaga yung babae...."

sabi ni mama at pinaandar na ang kotse....

Kinabukasan...balitang balita sa school ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng highway...hindi ko nalang pinansin dahil malaki parin ang epekto niyon saakin....lalo na ang sinabi ng multo.

SCREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon