Alive

2 0 0
                                    


Enia's POV

Nag aaral ako dito sa San Carlos University....bagong lipat ako dito....simula nung dumating ako dito...wala ni isang lumapit saakin kaya labis nalang ang pagkalungkot ko. Malungkot na malungkot ako dahil walang lumalapit saakin....yung feeling ba na...parang may nakakahawa akong sakit....kaya ayaw nilang lumapit saakin.
PakiramdaM ko......pakiramdam ko I DONT BELONG HERE....
Nang magkaroon ako ng ka room mate sa apartment...siya ang naging kaibigan ko...pati dito sa school ay nilalapitan niya ako kahit ang dami naman niyang kaibigan....Mia Niña Santos ang pangalan niya...kilalang kilala siya sa Campus dahil minsan na siyang naging Miss CAMPUS ng university.

simula noon...naging masaya ang bawat araw ko dito sa San Carlos University dahil palagi niya akong sinasamahan at ipinangako niya saaking  HINDI NIYA AKO IIWAN.
Oo nga pala... Maria Enia Villares ang pangalan ko at nasa 4th year college na....at buong pasasalamat ko na kaklase ko si Mia.

11:35
Nagkaklase kami ngayon dito sa Sampaguita building di kalayuan sa canteen. Nasa harapang bahagi ako ng klasroom naka upo kaya nakatuon lang talaga sa guro ang attention ko. Yung iba....katabi nila ang mga kaibigan at barkada nila...habang ako...nagiisa na naman....nasa likuran kasi nakaupo si MIA ehh.

Seryosong seryoso ang lahat sa pakikinig sa lecture ng guro namin pati ako kaya ganun nalang ang pagkabigla ko nang bigla akong kalabitin ni Mia.

"Pwede bang palit tayo ng upuan?"
sabi niya....nagtaka ako sa sinabi niya .....ayaw na ayaw niyang maupo sa front row...pero bakit ngayon gusto niyang makipagpalit ng seat??

Nginitian niya ako. Napakaganda ng mga ngiting iyon. Hinayaan ko nalang...Tumango ako at tumayo na mula sa kinauupuan ko at pumunta sa likuran.
Nagpatuloy ang klase.

AFTER 4 YEARS....
Grumaduate ako at naging guro na. Sa San Carlos din ako nagturo...Grade 2 ang hinahandle-lan ko.

Nandito ako ngayon sa apartment...ako lang mag isa sa kwarto. Nagsusulat ako ng lesson plan sa study table ko nang biglang may lumapit saakin.
Kinulbit niya ang balikat ko kaya napalingon ako....

"Pwedeng palit tayo ng upuan?"
Sabi ni Mia at ngumiti ng kaganda ganda. Dali dali akong lumabas ng kwarto...pumunta muna ako sa roof top para magpahangin.
Pagbalik ko sa kwarto wala na si Mia.

"Teacher!!!!!" Napalingon agad ako sa gulat....

"Ano kaba!!! Ginulat mo ako ehh!!" Sabi ko sa anak ng isa kong ka boardmate.

"Hmm...bakit po kayo tulala na nakatingin sa studytable niyo po???"

"Hmmm wala...may iniisip lang...asan si mama mo??"

Lumabas siya ng kwarto kaya sinundan ko siya.

"Nasa baba po....Teacher Enia...laro tayo please??..."
Pagmamakaawa niya.
Pumayag ako kaya lumabas muna kami ng apartment at pumunta ng park.

SA APARTMENT..Kinabukasan...matapos ang klase ay dumiretso agad ako pauwi..habang papunta ako sa kwarto ko...

Nakita ko si Mia na umiiyak sa gilid ng hallway. Buong tapang ko siyang nilapitan.
Naawa ako sa kanya...parang ang lungkot kungkot niya.

"M-may p-problema ba?"
Tanong ko sa kanya. Tumingin siya saakin na namamaga ang mata.

"Walang gustong lumapit saakin.....hindi nila ako kinakausap Enia...ayaw na nila saakin"

Iyak niyang sabi saakin.
Naalala ko ang paglapit niya saakin nung mga panahong nagiisa ako at wala ni isang lumalapit saakin....nakaramdam ako ng pagkahabag sa kanya.dahil ganayan din ako noon nang nag aaral pa ako at siya lang ang lumapit saakin.

SCREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon