Nakatago

2 0 0
                                    


Kayla's POV

Hindi ko alam kung bakit ipinagbabawal ng mga staff sa school ang pag punta ng mga studyante sa Herald Building....

Bukod sa luma ang gusaling yun..at abandonado......tingin ko may itinatago sila doon.

Bagong lipat ako dito sa Villares College...pero napunta agad ang attention ko sa luma nilang building na nandoon sa malawak na field....

Nakakamangha lang na ganun nalang ang galit nila sa mga studyanteng pumupunta doon... tingin ko talaga....may sekreto sila......na nakatago doon.

Restricted din ang field kaya nag aanyo itong gubat...dahil wala nang pinapatapak doon at wala na ring caretaker para maglinis nun.
matataas na ang mga damo at mayayabong na ang mga puno.

Kahit nga maglakad lakad malapit sa restricted zone ay hindi ginawa ng mga studyante sa dahilang baka mapagbintangan silang pumasok doon.

Minsan......pumasok ako sa restricted....

May babae kasing pumasok sa restricted area....
Nilingon niya ako at nginitian...
Para bang inaakit niya ako na pumunta din doon....
At dahil wala ng ibang tao doon na pedeng makakita saakin dahil gumagabi na.....pumasok din ako sa restricted area at sinundan ko siya....
Habang palingon lingon siya saakin....napaisip ako...

....sino siya? Estudyante din ba siya?? Yung suot niya....yan yung uniform ng Villares dati na pinalitan na ng bago....bakit siya yung luma parin ang suot niya? Diba bawal na yang isuot dahil napalitan na ang uniform ng bago?

Sa kakasunod ko sa kanya...nakarating kami sa ipinagbabawal na mapuntahan....ang herald building...

Tumakbo siyang bigla paakyat ng herald building......mabilis siya sa pag apak sa hagdanan....parang lumulutang na siya sa bilis...

"Teka lang hintay!!!!!!" Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na siya maabutan. hindi pa ako nakakalahati sa hagdan pero siya...nasa tuktok na....nakaharap siya saakin...pilit kong inaaninag ang mukha niya pero natatakpan iyon ng buhok niyang nililipad ng hangin.

"Sshhhhh...." saway niya saakin na nag echo sa buong gusali......
Narinig ko ang pag shhh niya sa buong rooms na madadaanan ko sa kahabaan ng hallway ng gusali......

"Woahh....this place is creepy..."
Nag echo ang boses ko sa lahat ng bahagi ng gusali....

"Wag kang maingay...."
Mahinang bulong ng boses babae......

"Nasaan ka??" Tumakbo ako at pinasok lahat ng rooms pero wala siya.

"Sundan mo lang ang boses ko.....dito...."
Pinakinggan ko ang boses at nanggagaling iyon sa isang kwarto...
Pagbukas ko.....lumantad ang isang madilim at malawak na espasyo....na may hagdanan papunta sa baba.....

"Wag kang matakot....." bulong na naman ng isang tinig na nang gagaling sa baba....

Sinimulan ko ng tahakin ang hagdan....sa bawat pag tapak ko.....umiingit iyon....kahoy ang hagdanan..at parang kahit anong oras ay bibigay na iyon dahil napakaluma na..

"Nasaan ka????..hindi kita makita...." sabi ko dahil napakadilim talaga....

"Hindi mo talaga ako makikita...buksan mo lang ang tainga mo.."
Napalingon ako dahil parang nasa likod ko siya.

Hindi ko talaga siya makita dahil madalim sa kwartong to...helloo!?? Hindi naman night mode ang mata ko ehh...

"Pinaglalaruan mo ba ako???..sino ka??"

Tanong ko sa kanya at rinig kong humagikhik siya ng bahagya.

"Parang ganun na nga....Rayla.....Rayla Bernardo ang pangalan ko....pede ka bang maging kaibigan?"

SCREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon